read.cash Log in
@Mayiee more from that month

ECQ ✍️ Mayiee Isa ,Dalawa ,Tatlo Di ko na mabilang kung pang ilang yugto na ito Tila bang paulit ulit na lang ang mga senaryo Nakakasawa, napakahirap , nakakapanlumo Bawal na naman lumabas Nakakulong na naman sa bahay at Hindi alam kung kailan makakaalpas Sana mga bakuna ay talagang makakapagligtas Para sa panibagong mundong wala ng mask Mag-ingat , mag-ingat Yan lang ang maaaring nating panangga Isipin mo ang pamilyang maaaring madamay Kung pati ikaw lalabas kahit Hindi naman kailangan Sana heto na Ang huli Nang sa susunod ay Makita na Ang mga ngiti Wala Ng hirap , takot at pagdadalamhati Muling makikita't mayayakap mga kabati .

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.