read.cash Log in
@Mayiee more from that month

So medyo creepy yung nangyare sa first subject namin kanina. 7:30 class namin and automatic na kaming makakapasok sa gmeet kahit hindi kami iadmit ng prof namin. So, andun na kaming magka-classmates except kay Ma'am. Tapos may biglang nag good morning class kaya nagulat kaming lahat. Akala namin andun na si Ma'am pero wala pa pala at wala siyang balak pumasok today Kase may meeting sila. Kaya naiwan kaming nagtatanong kung sino nag-good morning kanina. Wala naman kaseng nag on mic samin kanina eh. Kaya after that paunahan na silang magleave sa gmeet, tapos hinihintay ko Kun may magsasalita pa haha. Pero boses talaga yun ni ma'am eh.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.