Para sa mga kapwa ko students, Gusto ko lang Sabihin na konting tiis na lang,makakayanan rin natin malampasan Ito. Alam Kong pagod na tayong lahat , sa online class ,sa pagsagot sa ating modules at sa iba pang bagay pero alam Kong may kapalit ang lahat. Minsan nasasambit natin ang katagang Hindi ko na Kaya pero bakit patuloy ka pa ring lumalaban? Alam mo kung bakit? Kase alam mong may magandang kahihinatnan ang iyong paghihirap. Sabi nga Nila tiis now, ginhawa later. Kung Napapagod ka na, magpahinga ka. Huwag nating pagdamutan ang ating sarili sa paglalaan Ng konting oras na pahinga. Hindi Tayo robot, tao tayo na Napapagod. If feeling mo Wala ka nang lakas, isipin mo yung mga tao na naniniwala sayo at sila ang gawin mong inspirasyon. Kung sa tingin mo Wala nang pag-asa, isipin mo habang buhay may pag-asa. Huwag nating lagyan nang limitasyon ang ating kakayahan. Alam Kong kaya ko, kaya mo at kaya natin. Kumapit ka lang ,sabay sabay tayong aangat .
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet