read.cash Log in
@Mayiee more from that month

Magandang hapon Pinas, gusto ko lang ishare sa inyo Yung homily ni Father kagabi. Sabi niya bago daw magkaroon ng ACCEPTANCE ang isang tao dadaan muna siya sa tatlong stages. Una Yung stage of DENIAL, the more na mabigat Yung problem natin the more na gusto nating ideny Kase Hindi natin matanggap. Second is the stage of anger. Nagagalit tayo minsan Kay God at sa Ibang tao Kase feeling natin Hindi satin binibigay ang mga gusto natin. Minsan mapapatanong pa nga tayo ng "God mahal mo ba talaga ako? Bakit puro problema na lang binibigay mo sa akin?". Sa halip na humanap tayo ng solusyon, naghahanap pa tayo ng dapat sisihin. Third is the stage of GIVING UP. Suko na tayo, unti-unti na nating natatanggap ang mga nangyayari sa atin. Unti-unti na tayong bumabalik sa reality Ng ating buhay. After Ng 3 stages na to tsaka pa lang tayo nagkakaroon Ng tunay na ACCEPTANCE, tsaka pa lang natin marerealize na humanap ng solusyon o tanggapin na lang na Hindi Lahat Ng bagay aayon sa tin.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.