Dahil katatapos lang nang Miss U kanina ,naisipan Kong gumawa nang tula para sa kapwa ko kababaihan. Girl,Babae ka Hindi babae lang Maliit ka man o pangit sa paningin Nila Karapatan mong respituhin ka sa simula pa lang. Girl, Alam Kong matapang ka Hindi Yung tapang na makikipagsapakan ka sa daan, Kundi Yung tapang na harapin ang problema kahit mag-isa ka Dahil dyan tunay kang kahanga-hanga kailanman. Girl ,gusto ko lang ipaalala na maganda ka May pimples ka man o Wala Hindi naman makikita sa kinis nang mukha o sa puti nang kutis ang tunay na kagandahan Kundi sa tunay na laman nang iyong kalooban. Girl, magfocus ka lang darating din ang bukas Umiiyak ka man ngayon,Malay mo bukas sa kalungkutan ika'y makatakas Ituloy mo lang ang laban Marami mang pagsubok,alam Kong sa huli ikaw ay Di makakalimutan. I hope that you like it. Let's support our fellow women to achieve their goals . Padayon,Binibini💜💜
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet