read.cash Log in
@Mayiee more from that month

Magandang Umaga!! Sa dakong paroon ay nababalot ng dilim Mga taong hindi alam kung saan sila lililim Dahil sa bahang unti-unting lumalalim Samahan pa ng hangin na parang kay sakim Sa buwan na ito dapat kasiyahan ang umalingawngaw Ngunit sa isang iglap lungkot at takot ang nangibabaw Dahil sa Bagyong Odette na ayaw pang malusaw, Mga tao ngayon ay tulong ang isinisigaw Masakit na katotohanan, wala akong magawa Kundi lumuhod at magdasal kay Bathala " Tama na, tama na" paalisin mo na siya Tulungan mo ang mga taong ngayo'y nangangamba Palakasin mo loob nila para lumaban pa, Pero pakiusap kung pwede lang, " Tama na". --- Malamig na Umaga. Mag-ingat po ang lahat ha at sabay sabay tayong manalangin para sa kaligtasan ng lahat. Photo credit to Manila Times

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.