Join 79,108 users and earn money for participation

Kahit pwede pa, Huwag na lang

10 20 boost
Avatar for Mayiee
Written by Β Β 71
1 month ago

Di ko maintindihan kung bakit ganto ang aking nararamdaman. Oo simula umpisa ipinapanalangin ko kay Lord na sana dumating ang isang kagaya mo. Pero mali pala ako sa panalangin na yun dahil dapat in the first place binuo at inihanda ko muna sarili ko. Sabi ko kase andito ka na kaya sigurado na akong mabubuo ulit ako pero di ko inakala mas madudurog pala ulit ako. Yung akala kong bubuo sakin, siya pala magiging wrecker. Pinanghawakan ko mga pangako mong walang wagas pero nakalimutan ko pwede nga pala tong mapako. Ang sakit lang kase ako mismo ang humanap ng sakit na ipo pukpok sa ulo ko. Pero salamat kase naging honest ka nung mga panahong tinanong kita kung minahal mo ba ako. Salamat kase sinabe mo yung totoo na isa lang akong rebound. Salamat kase sinabe mo na naghanap ka lang ng libangan sa piling ko habang hinihintay mo ang kanlungan mo. Salamat dahil inamin mo na simula umpisa di mo nakikita ang future mo kasama ako dahil may mga pano ka nang binubuo kasama siya. Aaminin ko sobrang sakit, Di na kaya ng kahit anong ointment at pain reliever ang sakit na dinulot mo. Gusto pa kitang hawakan kase mahal kita pero wala akong choice kundi ang bitawan ka. Yun naman ang gusto mo noh? Nakakatawa lang Kase ako yung sugatan pero ako pa yung gusto manatili sa gyera. Pero trust me, unti-unti rin maghihilom ito.

Araw-araw kong ginapang ang mundo para lang muli akong makabangon. Hindi madali kase sa tuwing magbabalak ako mag-move on , naiisip ko na baka pwede pa nating subukang muli. Baka pwede pang lagyan ng band aid ang mga puso natin. Siguro kulang to sa hilot kaya unti-unting namuo ang lamig sa pagitan nating dalawa. Naaawa ako sa sarili dahil nag-iimagine parin ako ng mga bagay na malabo namang mangyari. Di pa ulit kayo pero alam kong hindi ka susuko para makuha ang ulit ang matamis na oo niya. Tama na ang kalokohang to , kailangan ko nang mag move forward kase sa huli ako lang ang maiiwan sa ating kwento.

Nilunod ang sarili sa mga bagay bagay upang tuluyan kang malimutan. Pinasok ang lahat ng pwedeng pasukin para hindi kita maalala. Lumipas ang ilang taon, unti-unti na akong nakakatayo mula sa lugmok na iyong dinulot. Andito na ako sa bagong yugto ng bagong ako pero aaminin ko minsan bumabalik pa rin ako sa ala-ala ng nakaraan. Hindi dahil gusto ko ulit saktan ang sarili ko kundi dahil gusto kong tumanaw ng pasasalamat sayo dahil ngayon, naging eto ako dahil sayo.

Sa mga nakalipas na mga taon na hindi na tayo nakita ni kahit anino mo wala nang paramdam, di ko inexpect na muli ulit magko krus ang ating landas. Akala ko iiwasan mo ako o ipamumukha mo sa aking masaya ka na kasama siya pero parang bumaliktad ang mundo ko nung bigla mo akong niyakap at sinabing " patawad , pero ikaw pala ang totoong mahal". Gusto kitang tawanan sa mga oras na yun dahil mga sinabe mo pero di ko nagawa bagkus nagawa ko pa ring yakapin ka babalik. Sinabi mo na naguluhan ka lang noon at mali nang iwan mo ako. Nagmakaawa kang bumalik ako sayo. Di ko mahanap ang mga tamang salita na gusto kong ibato sayo. Aaminin ko unti-unti na akong nakabangon pero alam ko rin sa sarili ko na nandito ka pa. Mula noon hanggang ngayon nasa puso pa rin kita. Siguro nalimutan ko na yung sakit pero ikaw na minahal ko , hindi pa. Hindi-hindi dahil nag-iwan ka na ng puwang dito.

Ngayon handa na akong sabihin ang gusto kong sabihin . Suyuin mo man ako , ligawan ulit , buo na Ang desisyon ko." Mahal Kita pero kahit pwede pa , huwag na lang". Ayoko na dumating ulit sa punto na kapag nakahanap ka na ulit ng unan na yayakap sayo ay iwan mo ulit ako. Ayoko nang mamaluktot sa kinot dahil sa sobrang lamig na pinaparamdam mo sakin. Hindi ako unli promo na pwede mong gamitin hanggang gusto mo. Tandaan mo may expiration date din ako. " Ikaw pa rin pero malabo nang maging tayo" dahil natuto na ako. Nalaman ko na Ang pagkakaiba ng salitang mahal sa wala nang choice. Tanggap ko na na Hindi lahat ng kwento ay deserve ng happy ending, at isa ang love story natin dito. Kaya kahit pwede pa , huwag na lang kase ngayon ito na ang choice ko, ang palayain ka at bumuo ng bagong pahina ng wala nang ikaw.


Author's Note!!

Magandang gabi sa inyo!! Actually kahit ako hindi ko alam kung saang lupalop ko nakuha ang paksang ito, siguro dahil na rin sa puro masasakit ang nababasa mo ngayon dito haha. O siguro I'm deeply in love na broken hearted right now. Char haha. I'm pertaining to something not to someone though. Basta tandaan nyo lang na kapag sobrang sakit na , bitaw na. Huwag nating i- settle ang mga sarili natin sa hindi natin deserve. Hindi tayo pinanganak to settle with something less and to stay to someone that is unworthy.


Hi dreamers πŸ‘‹πŸ‘‹ I just want to say thank you for all of you who still supports me and for giving me a motivation to continue this journey of mine. Hope that everyone can reach our success soon. πŸ€—πŸ€—

8
$ 4.02
$ 3.92 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Ruffa
$ 0.05 from @GarrethGrey07
Sponsors of Mayiee
empty
empty
Avatar for Mayiee
Written by Β Β 71
1 month ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Awwwww, Pano if siya talaga ang para sayo? Pero dahil sa nawalan kana ng tiwala di ka nag bigay ng chance, pinalampas mo yong talagang naka tadhana para sayo? Everyone deserves a second chance, pero dahil takot ka - di mo binigay dahil??? Chorrrrrr ahahahaha don't mind me. Mapanakit tong isang to ha 🀧

$ 0.01
1 month ago

Everyone deserves a second chance pero naubos na ako ate. Kung kami talaga sa huli, kita na lang kami sa finish line hahahaha. Don't mind me rin ate, di ko rin kase talaga alam gagawin ko if ako nasa posisyon nyan hahhaha, maybe magpapaka single na lang ako forever para iwas sakit🀣

$ 0.00
1 month ago

Ang sakit sakit naman niyan sis. 😩 Sa una kong jowa nagpakatanga ako kahit masakit na. Pero buti na lang nagisip isip, brineak ko siya dahil madami pang iba dyan. 😊

$ 0.01
1 month ago

Minsan di talaga natin maiiwasang magpakatanga pero dapat lagi pa ring may limitations sa lahat

$ 0.00
1 month ago

Ang sakit namn po..pero tama po kayo na wag po nating ipilit ung mga bagay na hindi pwede..

$ 0.01
1 month ago

Ramdam ko young sakit! Yung timing kasi saktong-sakto. Hanggang ngayon hinihintay ko yung tao na bumalik sa 'kin at sabihin nya na ako talaga yung mahal nya. Kahit gaano ako nasaktan, alam ko sa sarili ko na sya pa rin ang bubuo sa akin. Alam kong mali pero, doon ako sasaya. Imposible pero naghihintay pa rin ako :(

$ 0.01
1 month ago

Awts. Ang sakit naman nung naghihintay ka kahit parang wala nang pag-asa. Kung babalik man sana siya sayo, hoping na for the better na talaga

$ 0.00
1 month ago

Sana Mayiee. Sana πŸ™

$ 0.00
1 month ago

Ang sakit naman nito Mayie.πŸ’” May mga bagay talaga na kahit gusto pa natin ay pipiliin parin natin ang umiwas kasi natuto na tayo sa mga past experiences natin.

I know sobrang sakit pero kailangan mo gawin para sa sarili mo. Masakit yung akala mo nagbago na pero expectation lang naman pala yun.πŸ’”

$ 0.01
1 month ago

Ang sakit naman nito sis pero baka nga pwede pa wag mong bitawan malay mo siya yung destiny mo hihi kaninong kwento ba to sissy?

$ 0.01
1 month ago