Auto pass ako Sayo

11 67
Avatar for Mayiee
Written by
2 years ago
Topics: Nonsense, Tagalog

Agad akong napabangon na makita ang pangalan mo sa message ko. It's been a year nung naghiwalay tayo at hindi ko na inaasahan na magte- text ka ulit. Akala ko ipamumukha mo sakin kung gaano ka kasaya sa bago mo. Akala ko sasabihin mo na salamat dahil binitawan mo ako, nahanap ko tuloy ang taong nakatadhana talaga sakin. Sabi ko, ignore ko na lang kesa masaktan pa ulit ako. Pero kahit na ayoko, binuksan ko pa rin message mo.

" Ash, mahal pa rin kita. Balik ka na sakin".

" Ash, ang lungkot ko ngayon. Miss na kita".

Hindi ko alam ang isasagot ko sa text na yun. Delete ko na lang kaya tapos isipin ko na lang na hindi napadpad pangalan mo sa inbox ko. Pero ang hirap eh dahil alam ko sa sarili ko na sa puso ko ,may katiting pa ring pagmamahal para sayo. Gusto ko sanang sabihin sayo na " Sorry Geoff, naka move on na ako sayo from head to toe" pero parang nagsinungaling na rin ako sa sarili ko kase alam kong may kirot pa din. Kaya ito lang nai reply ko sayo

"Bored ka?"

Bigla ka namang nag reply " Hindi pero malungkot ako dahil wala ka sa mga yakap ko".

Hindi ko na napigilan kaya agad ko siyang ti-next , "Malungkot? Pero nagawa mong maging two-timer. Baliw ka ba?" Hindi ko na dapat tinanong ang tanong na yun dahil wala namang matinong lalaki ang pagsasabayin ang dalawang babae. Kung di siya baliw, sa una pa lang hindi na niya ako dapat pinaikot na parang trumpo tapos biglang bitaw.

Tanong ko lang, bakit may mga taong mas pinipiling maging manloloko if mas madali namang magpa ka loyal? Dahil sa tukso? O baka dahil choice mo rin talaga yun. May mga nagsasabe na hindi daw nila namalayan na nahuhulog na sila sa iba, so ano yun instant love ganern? haha. Pero I believe na aware naman talaga tayo sa mga actions natin ,minsan pinipili lang nating maging bulag dahil ayaw nating aminin na may mali tayong nagawa.

Pagkatapos nung mensahe na yun ay agad kong pinatay ang cellphone ko. Ayaw kong makapagbitaw pa ng mas masasakit na salita o baka dumating sa puntong bumigay ulit ako tapos ending ako na naman ang maiiwan. Ang hirap kayang maghabol sa taong hindi ka naman talaga mahal. Ang hirap kayang buuin ang sarili kaya hindi ko na ulit hahayaang mawasak ito ulit.

Kung may gusto man akong bumalik, hindi siya . Masaya na akong balikan paminsan minsan ang mga masasayang ala-ala na hanggang memories na lang talaga. Natatawa ako kapag naaalala ko yung mga panahong halos lumuhod na ako sa pagmamakaawa para lang mabigyan ng oras. Natatawa ako dahil napaka baliw ko rin pala dati. Hinayaan kong maging mundo ang dapat tao lang.

Oo miss ko siya minsan pero it doesn't mean na babalik ulit ako sa kanya. Malabo nang mangyari yun dahil natuto na ako. Mas alam ko na ang dapat gawin, yun ang mas pahalagahan ang sarili na kahit kanino man dahil sa huli, sarili mo lang makakatulong sayo. Kaya kung tatanungin mo ako ulit kung pwede pa , pasensiya na pero " auto pass" na ako sayo. Mas mabuti nang masaktan ako ng dahil sa pagmomove on kesa Naman masaktan ako dahil sumugal ulit ako sa taong kagaya mo. Kaya't kung magkikita man tayo ulit, ngiti na lang maibibigay ko sayo.


Hihi, wala akong magandang maisip na topic ngayon kaya ginawan ko na lang ng article yung nakita Kong tanong sa socmed , " If babalikan ka ng ex mo , anong gagawin mo? Grab the opportunity or Auto-pass ? I'm not an expert to that dahil wala pa akong experience dyan pero for me kung alam mong hindi na worth it balikan, wag mo nang balikan dahil mas masasaktan ka lang diba? Haha nvm. Pero kung kaya mo pang magtake ng risk, ikaw bahala hahaha.


Greetings !!!

Kamusta kayo crazy dreamers of read cash society 👋👋 Nawa'y masaya at nakakapagpahinga muna ako ng maayos. Take some rest and drink some water, sobrang init kasee.

Maraming salamat sa walang sawang suporta at pagbabasa sa aking mga articles even sometimes I can't give you a good one haha. Mahal ko kayo❤️❤️

7
$ 3.64
$ 3.49 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Ruffa
$ 0.03 from @Oikawa
+ 4
Sponsors of Mayiee
empty
empty
empty
Avatar for Mayiee
Written by
2 years ago
Topics: Nonsense, Tagalog

Comments

Auto pass agad yan aba!!! Well everyone deserves a second chance pero mahirap kasi may take ng risk ee lalo na may history na ganyan tsss. Parang gusto ko sing gumawa ng ganitooiii

$ 0.01
2 years ago

Hhahaha. Kalma ate, di na nga po babalikan lol. Gawa ka rin teh, alam kong magaling ka sa mga ganito hehe

$ 0.00
2 years ago

Hahaha abay wag na talaga nakuuu, tatry ko lang hahaha.

$ 0.00
2 years ago

Napaka relatable naman nito Mayieee. Wag na balikan yung mga taong mapanakit. Tama na yung ala-ala na lang pero yung tao, wag na. Masyado nang masakit at napakahirap bymangon ulit sa pagkakadapa. Minsan ng naiwan at hindi magiging imposible na gawin ito muli. Magmahal pero wag hayaang masaktan ng paulit-ulit.

$ 0.01
2 years ago

Tama tama, wag nang bumalik sa tao especially kung sobrang sakit na Yung ipinaranas niya

$ 0.00
2 years ago

Para sa akin hindi ko na babalikan yung taong sinaktan ako kasi dun palang na sinaktan niya ako. Sign na yun hindi siya seryoso kasi pag mahal ka ng tao hinding hindi yan gagawa ng bagay na ikakasakit mo.

Alam natin natin na mya mga taong mas deserve sa pagmamahal natin. Wag natin sayangin mga oras natin sa taong sinaktan lang tayo.

$ 0.01
2 years ago

Louder ate hihi. Tama po, hindi na natin dapat sayangin muli ang ating oras at panahon sa mga taong Hindi tayo pinahalagan nung una palang

$ 0.00
2 years ago

Yes Langga. Wag nating sayangin mga oras natin sa mga taong sinayang lang tayo at sinaktan lang tayo..

$ 0.00
2 years ago

Naalala ko ex ko a. Sana may time machine haha sana hindi ko na lang siya naging jowa haha charot.

$ 0.01
2 years ago

Hahaa why naman ganun.😂 Pero Minsan mapapaisip ka talaga eno ? Hehe

$ 0.00
2 years ago

If I could turn back time, auto pass kasi sobrang nagpakatanga ako sa kanya and it caused me my future and a loved one.

$ 0.01
2 years ago