Ang Pagkakamali Ng Magulang ko ay Hindi ko Pagkakamali

2 71
Avatar for Mayiee
Written by
3 years ago

Naniniwala ka pa rin ba sa kasabihang " Kung ano ang puno,siya rin ang bunga"? Masasabi ba nating katanggap- tanggap ito kahit alam na nating iba tayo sa kanila? Paano natin mababago ang nakaraang Hindi natin matakasan?

Hindi natin makakaila na madalas tayong ikumpara sa ating mga magulang. Malimit nating naririnig ang mga salitang

" Kamukha mo ang Papa mo".

"Nagmana ka sa Mama mo".

"Kaya ka matalino Kase matalino rin magulang mo".

Kung ganyan ang mga salitang iyong maririnig ay marahil masabi mo pang nagmana ka talaga sa magulang mo. " Like father like son" ika nga Nila. Pero paano kung ang mga marinig mong salita ay katulad Ng mga ito

" Kaya ka asal kriminal kase kriminal din Tatay mo"

" Mabubuntis rin yan Ng maaga tulad ng Nanay niya"

" Wala yang mararating sa buhay katulad Ng mga magulang niya"

Masakit Diba? Masakit marining ang mga salitang katulad niyan. Hindi mo naman kasalanan kung may nagawang kasalanan ang mga magulang mo sa past niya. Pero kaakibat ng pangalan iyong dala-dala ay ang mga salitang maaari nilang ipambato sayo. Kahit pa sabihin mo sa kanila na " Iba Ako sa kanila" , may ilan pa ring sarado ang utak at ipipilit na katulad ka rin Nila. Hindi naman basehan ng iyong pagkatao ang mga maling nagawa mo o ng iyong mga magulang. Wala namang criteria para masabing mabuting tao ka pero Hindi mo rin maiiwasan na mahusgahan ka pa rin nila.

Ang sakit lang dahil nagmumukha kang anino Ng mga nakaraang nagawa Ng mga magulang mo. Nakakapanlumo Kase kahit anong gawin mong maganda ,Hindi Nila ia-appreciate Kase sa tingin nila tulad ka rin Nila. Pero hindi naman talaga natin kayang i-please Ang lahat Ng taong nakapaligid sa atin. Kahit nga siguro Yung pinakamabait na tao may "bashers" din. Kahit nga Yung pinakasikat may " haters". Kaya siguro kahit paulit-ulit mong ipaintindi sa kanila, Hindi at Hindi pa rin sila makikinig sayo Kase mas may pake sila sa nakikita Ng nakararami kesa sa totoong nangyari .

"Inosente ako"

"WALA AKONG ALAM"

"HINDI AKO SILA"

Yan ang mga salitang gusto mong sabihin sa kanila pero mas pinili mong manahimik Hindi dahil tama sila kundi dahil Ikaw Ang mas nakakaunawa.

" Kung ano ang puno, siya rin ang bunga".

Kung ako ang tatanungin, Hindi na ako naniniwala sa mga katagang Yan. Marahil may mga attributes nga tayo na namana sa ating mga magulang pero tandaan rin natin na " Si Pedro ay iba Kay Juan". Ibig sabihin,Ikaw ay iba sa lahat kahit sa iyong mga magulang. Huwag mong hayaan na i-label ka rin Nila bilang sila Kase dapat i-label ka Nila bilang ikaw.

Final Thought

Sa huli, Ikaw at ikaw pa rin Naman ang nakakakilala sa totoong pagkatao mo. Ikaw pa rin ang tunay na magmahal at iintindi sa mga pagkakamaling nagawa Ng mga magulang mo noon. Walang taong perpekto, lahat nagkakamali. Ang mahalaga ay natuto sila sa mga pagkakamaling iyon upang lalong mas maging mabuti at karapat-dapat na maging magulang mo. Hayaan mo na lang na husgahan ka Ng mga tao hangga't sila na mismo ang mapagod at makakita sa katotohanang Hindi Nila Makita noon. Maikli lang Ang buhay kaya't Hindi dapat sayangin ang ating oras sa kanilang pagkukumpara sayo . Ikaw Yan,iba ka.

2
$ 1.34
$ 1.29 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @ExpertWritter
Sponsors of Mayiee
empty
empty
empty
Avatar for Mayiee
Written by
3 years ago

Comments

Nakakainis lang diba andami ding mga tao na nagsasabi sakin ng ganyan. Like mother like daughter. Lahat ng pagkakamali ko sinusumbat din nila na kasalanan ng Mama or papa ko. Hindi ba nila inisip na may anak din naman sila? Bakit kailangan pang idawit sa mga bagay na ako, sarili ko mismo ang may gusto sa mga desisyon ko sa buhay. Pinalaki at hindi nagkulang sa pang dedesiplina ang aking mga magulang sakin kung meron man tayong ginawa na mali pinili natin yon gawin hindi dahil tinuro satin. Nakakainis lang na may mga tao na ganyan di ba may anak din sila? Kung ako din kaya ang magsasabi ng ganyan sa mga anak nila, ano kaya mararamdaman nila?

$ 0.02
3 years ago

Yun Yung masakit na katotohanan, mas mga tao talaga na mas nakikita ang mali Ng iba kesa Makita ang kamalian Ng kanilang sarili . Puro sila husga at Hindi Nila naiisip na kahit sila nagkakamali rin. Hindi naman porket nagkamali na tayo ay masama na agad tayo. May pagkakataon lang talaga na Hindi natin maiiwasan magkamali ,tao lang tayo Hindi perpekto. Pero Wala eh bulag talaga sila sa katotohanan

$ 0.00
3 years ago