You Were My Home. Before..

0 13
Avatar for Marty27
4 years ago

Losing someone who felt like home is a different kind of heartache..

The right person will never get tired of loving you.

Yes, he/she will never get tired of loving you but it doesn't mean that he/she will stay no matter what happens. Lahat tayo may kanya-kanyang ugali na kinakayang intindihin ng partner natin. Andyan na yung nagiging toxic na tayo at nagiging sobra na yung mga pagiinarte natin na nauuwi pa minsan sa pisikalan o kaya minsan, nakakasambit ka na din ng masasakit na salita.

Lahat tayo may hangganan. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay iintindihin ka na lang ng partner mo. Pwedeng mahal ka niya ngayon pero baka bukas, hindi na kasi napagod na sa kakaintindi sa'yo. Yes, he/she may be the right person for you pero kung ramdam niyang hindi na siya binibigyan ng halaga, tingin mo mananatili pa rin siya?

Problema kasi minsan, may mga tao din na kahit andyan na yung right person for them, they are still looking for somebody na makahihigit sa current partner nila o magagawa yung pagkukulang ng partner nila. Hindi naman magawang iwan ang isa kung lalandi sa iba. Ang kakapal ng mukha. Mga isa't kalahating gago pa. Temptation is everywhere, choice mo kung magch-cheat ka ba o hindi. Basta kung nag-cheat at nahuli ka, don't you ever say na hindi mo sinasadyang lumandi. Uulitin ko, may choices ka noong una pero mas pinili mong lumandi at magkamali kaysa makuntento sa partner mo.

Kung sa tingin mo nasa tamang tao ka na, sana huwag mong tangkain na hanapin sa iba ang pagkukulang niya. Sana huwag mo siyang sayangin at balewalain. Sana kung nasa tamang tao ka na, maging tamang tao ka din para sa kanya. Tandaan mo, mananatiling kayo hanggang dulo basta may give and take na ganap.

The right person will never get tired of loving you if you're doing the same way too..

Kaya nababanggit na natin ang salitang

“papalayain na kita kung gusto mo?”

Hays.. mainit na mema sa panahong napakainit din! Ay ewan! 😬

1
$ 0.00
Avatar for Marty27
4 years ago

Comments