Good morning guys! Maulan na araw nanaman ❤️ Nagising ako dahil sa lakas ng hagupit ng ulan at ako ay naalimpungatan at ngayon ako ay gising na hehe. Magandang weather nanaman ito. Talagang tag ulan na. At for sure may bagyo nanaman ulit. And then, nakapanaginip ako ng isang bagay na imposibleng mangyare. Nakakaloka. Pero bakit kaya ako nanaginip ng ganon? Medyo creepy at hindi kapani-paniwala.. yung dati kong crush na may crush din sa akin na ngayon ay may asawa na. Ay bigla daw na nagpropose sa akin. At palagi niya akong sinusundan sa panaginip ko. Nakakaloka! Ngayon lang ako nanaginip ng ganyan.. sa dami dami kong pwedeng mapanaginipan bakit siya pa? Naku po! Hahaha.. and then, pinagpitas pa daw niya ako ng napakaraming bunga ng prutas at kulay pula! Pinipilit niyang ipakain sa akin ang mga ito atsaka ng propose! Hindi kasya ang singsing at maluwag ito! Pero pinilit niya pa ring ipasok ang singsing.. hays. Ano kaya ibig sabihin non? Hahaha Magandang umaga mga ka read cash!
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet