read.cash Log in
@Marty27 more from that month

Nalulumbay nanaman ako.

Umaga na kay lungkot. Bakit ganun? Palagi ako nakakaramdam ng pagkabalisa. Palagi akong nalulungkot. Hindi ko alam kung bakit. May mga araw na madalas ako ay nakakaramdam ng pag iisa. Pero hindi naman ako nag iisa. Siguro kasi, may mga bagay akong naiisip pero hindi ko magawa. Gusto ko muna kasing lumayo. Ako ay heto nanaman at paglayo nanaman ang nais kong makasama sa ngayon. Wala akong ibang maisip na paraan kundi ang lumayo. Pero alam ko magiging maayos din ang lahat. pipilitin ko na ipikit ang aking mga mata at makatulog ng mapayapa. Sana maging maayos na ang nararamdaman ko. Ayaw ko makaramdam ng ganitong kalungkutan. Sa tuwing madaling araw ako ay nakakaramdam ng pagkabalisa. Hindi ko alam kung bakit. At kahit na isipin ko kung ano ang mga yun. Pangako hindi ko talaga alam. nalulumbay ako sa di ko malamang kadahilanan.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.