read.cash Log in
@Marty27 more from that month

Malapit na ko mamental haha

Finally, kakauwi ko lang at ako ay malungkot pa din. Hindi ko talaga alam ang dahilan siguro kasi nabobored lang ako at di ako masaya ngayong araw na ito. Niyayaya ako ng asawa ko na uminom pero wala ako sa mood para sabayan siya. Nakapag luto na din siya ng pulutan. Pero paano ko sasabihin sa kanya na ayaw ko na nun kasi nasusuka ako. Haha 😂 gusto ko ding sabihin sa kanya na gusto ko munang mapag isa at ayaw ko ng kausap sa mga ganitong sitwasyon na nababalisa ako ng walang dahilan.

Gusto ko kasing pumunta sa malayo at mag isip isip ng mga bagay bagay na gusto kong gawin. mga interesting ideas na gusto kong isipin para magawa ko na hindi ko naman nakikita sa kanya. Sa totoo lang nayayabangan ako sa kanya kung paminsan minsan dahil sa mga salitaan niya. No wonder na sa unang tingin pala daw sa kanya ay nayayabangan na ang mga tao sa kanya haha kaya pala. Pero di ko iniinda yun. Mga simpleng bagay lang naman kasi ang niyayabang niya. Kung paminsan minsan naiinis siya sa may mga sasakyan na magaganda dahil ang pangit daw ng sakay. Natatawa na lang ako sa kanya eh. pero kadalasan ay totoo naman na mapanget talaga ang nakasakay hahaha.. madalas niyang sabihin na swap na lang tayo ako dyan mas bagay daw sa kanya ang may sasakyan. Minsan gusto ko na lang sabihin sa kanya na bumili na kasi siya ng sasakyan niya yung malaki para siya mismo ang mag. Customize ng desenyo niya mismo. Kakaloka!

ako nga may sasakyan pero di ako ganyan na tao oo nag pipintas ako pero yung totoo lang. eh kung siya nga eh. Ang papanget ng mga naging x niya bakit di yun ang mga pintasan niya hahaha natatawa talaga ako ng lubusan. Pero mabait naman si lorna kaya lang. syempre may iba iba tayong attitude. Mabuti na nga lang ay nauso itong si readcash at dito ko nailalagay ang mga saloobin ko! Syempre kung sa fb account ko ay nakakahiya na ilantad ang ugali niya hehe. oo mayaman siya. Eh kung mayaman siya bakit di siya bumili ng sasakyan niya diba? Para di na siya nakakapag isip ng kung anu-ano. Hmmpft di ko na nga lang siya pinapatulan sa mga attitude niya minsan eh. Bahala na siya. Kung saan siya liligaya. Naiisip ko din na ibigay na lang sa kanya yung sasakyan ko.. aasikasuhin ko pag naibigay na yung sched ko sa LTO gamit lang naman yun. Money come and go. siya na lang ang gumamit at bibigyan ko siya ng letter na oh ayan! May sasakyan kana siguro naman keri mo na iyan 😜😆 at di kana mamimintas na kung sino ang nakasakay dyan. Kung gusto mo mag upgrade ibenta mo para maging fortuner!! LOL 😂 brand new iyan at maganda ang model na chevrolet sa tingin ko di kana makakapag salita ng kung anu ano hahaha 😂 sasakyan lang naman yun kayang kaya ko makabili ulit at pagsisikapan ko. Kung sabagay naging maayos lang naman sila dahil sa sipag ng nanay at tatay niya eh 👍🏻 Kung wala ang magulang niya malamang wala siyang mga properties na kung anong merun siya ngayon. pero yung sariling kanya ay wala naman siyang pundar. Hahaha whatever! pero yung asawa ko hindi naman siya madamot minsan attituDera lang talaga hahaha 😆 ang dami niyang hilig na mga bagay pero di naman niya ginagawa eh. Kung gusto niya nun edi bumili siya diba? Ganun lang naman kadali hahaha 😂 anyway. Sa mga naiisip at pinagsasabi ko laughtrip tuloy ako! Nyahahaha unti unti na ata akong nababaliw dahil sa pagkabagot ko lol 😆

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.