read.cash Log in
@Marty27 more from that month

Depresyon

Sa buhay natin. May mga bagay na hindi natin maintindihan. May pagkalito, pagkamuhi, at pagkasadlak. Na nauuwi sa isang malalim na depresyon.. ang salitang depresyon ay hindi nakikita. Kundi, ito ay nasa isipan at nasa damdamin. wala tayong laban sa depresyon. Lahat ng pagkasawi ay pinapasan pasan araw araw, at sa loob ng araw araw. Oras oras na ngyayare ang mga bagay na dumudurog sa ating pagkatao. kaya ang iba ay hindi nakakayanan ito ay natutuloy sa kamatayan. luha at pagdurusa na hindi matakasan sa oras at minutong nabubuhay ang isang tao. Walang katumbas na kalungkutan. may siyam na letra pero mas higit pa sa siyam ang pighating dala. Pinapapasan nito ang kabigatan ng krus na siyang nagpapahina sa ating pakiramdam. ang buhay ay sadyang magulo.. pero dapat nating labanan ang pagdurusang taglay ng depresyon na ito. Palinawin natin ang ating isipan. tulungan natin ang ating sarili upang tayo ay makalabas sa kalungkutan na ating dinadala. Ang buhay ay sadyang mapagbiro minsan. Kailangan nating lagpasan ito sa tulong ng pananapalataya na makakayanan natin ang salot na dulot ng depresyon na ito. kailangan na may pagmamahal sa sarili, at bigyan ng kalayaan ang ating buhay upang makita natin ang liwanag na magbibigay kulay at sigla sa pagbabago ng ating sarili. life is beautiful, some of it are often to see what they have to see. We should believe in faith that builds our personality to lead us in a good ways. Life is full of tragic. You must learn how to get in to each flows that it takes. -Marty

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.