Madalas akong magising sa umaga na gusto ko ng bumitaw.. na gusto ko ng umalis sa piling ng asawa ko. Marahil yun ay hindi na ako masaya.
madami siyang plano.. dahil ako ang nag bukas ng isipan niya sa lahat ng bagay na kahit kailan sa buong buhay niya ay di niya ginawa. Ako lang ang nagpaintindi sa kanya ng lahat.
pero habang tinuturo ko sa kanya ang mga bagay na yun ay nahihirapan ako.
mahal niya ako at mahal ko din siya. Pinipilit niyang maging masaya kami pareho. Pero alam ko sa sarili ko na hindi na maibabalik pa ang kahapong sobra ko siyang minamahal, siguro kasi sa sobrang dami na ngyare noon. Binigyan ko siya ng pagkakataon pero bigo pa din ako.
inuulit ulit niya lang ang mga bagay na hindi ko gusto. Siguro kasi ay talagang ganun siya.
marami siyang plano. Isa na doon ang lumipat kami ng bansa. Sa canada dahil residente na siya doon. Pero hindi ko gusto ang makasama siya. Oo alam kong mabuti ang ganun na plano. Pero nawalan na ako ng gana sa lahat dahil hindi ko na siya gustong makasama kagaya ng dati. Marahil ay binigo niya ako ng ilang beses kaya ganito ang epekto nito sa akin. Sa twing kakausapin ko siya tungkol sa nararamdaman ko mag aaway lang kame at hindi niya pakikinggan ang mga gusto ko. Feel ko, hindi na ako ang nag dedesisyon sa buhay ko. Which is, yun na nga talaga..
nararamdaman ko din sa sarili ko na hindi na ako gaya ng dati, masayahin.. ngayon kahit di ako malungkot pero lungkot ang nangingibabaw sa puso ko.
sa ngayon humahanap ako ng tyempo para iwan siya ng walang bakas. Mas makakabuti kasi iyon.
ayaw kong maging magulo pa ang mga sitwasyon kapag dumating ang araw na iyon.
kahit kailan hindi na ako lilingon sa kung ano man ang nakaraan ko. Gusto ko ng mabago ang lahat.. gusto ko ng magkaroon ulit ng bagong buhay. Malayong malayo sa kung anong merun ako ngayon.
gusto kong maging malaya.