May pinasasagutan sa aming activity. Kunwari sasagutin namin sa POV ng mga magulang namin. So basically, ang sagot namin ay kung paano namin nakikilala ang laman ng puso ng mga magulang namin. One question goes like this: “Ang isa sa pinagsisihan at ikinalulungkot ko bilang ina/ama ni ______________ (pangalan mo) ay….” Ang hirap niyang sagutin sa totoo lang. Iniisip ko, ano kaya ang mga regrets ng parents ko tungkol sa akin? Marahil may mga unspoken dreams pa rin sila na hanggang ngayon hindi pa rin naisasakatuparan. So habang sumusulat ako ng sagot (na hindi ko na ise-share syempre), halos maluha-luha ako. Ang hirap sigurong maging magulang. Mas lalo ko silang na-appreciate huhu.
1 comment
Maging ate nga super hirap....maging MAGULANG pa kaya.. your siblings expecting you to be a model to them...a supporter and a protector..what more nalang mga magulang...?their children expecting so much from them...tapos yung ibang children naman di marunong umintindi or umunawa sa feelings ng parents nila...feeling nila lageng merun kahit walang-wala na...