Naalala ko yung teacher ko ng Grade 5. Masyado akong mahiyain mula pagkabata at may inferiority complex ako. Pero inencourage niya ako. In between classes, may mga sasabihin siyang one-liners at mga paalala na magpapalakas ng loob ko. Di ko na maalala ang lahat ng sinabi niya bukod sa “kaya mo”. I took her words by heart. Nag-take ako ng exams sa science high school kasi sabi ni mam kaya ko. Nakapasa, nakatapos. Nagtake ng scholarship exams sa college kasi sabi ni mam kaya ko. Nakapasa, nakatapos. Hindi madali. Pero mas gumaan kasi may naniwalang kaya ko. Paano kaya kung di siya nag-abalang i-encourage ako. Malaking boost sa akin ang ginawa ng teacher ko. Kaya siguro malaki ang paghanga ko sa naturang propesyon. Wala na akong naaalala sa tinuro niya (lol), pero sa buhay at encouragement na inimpart niya, hindi pwedeng hindi ko siya maalala.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet