So regarding ShopeePay at kung paano ko siya ginagamit sa bills: Activate niyo lang yung ShopeePay niyo, much better if verified. Then you link your bank account or GCash para pondohan. Ginagamit ko siya usually para magbayad ng utilities like tubig, kuryente at internet, kasi pwedeng hatiin ang bills sa buong buwan tapos may cashback pa thru coins. So here's what I do: Claim lagi ng vouchers na coins cashback. Tapos bayaran ang kalahati ng bill (ex. PLDT), apply voucher tapos ilang araw lang yan, makukuha mo na ang coins cashback mo. Usually hanggang 60 pesos, 100 pesos, 150. Kapag new users nga minsan may discount up to 200 pa e. Yung kalahati ng bill babayaran mo lang kapag nakuha mo na ang coins cashback mo. Tapos iaapply mo yun sa bill para mabawasan ang payable mo. Pwede mong ipunin muna ang mga coins mo para bigtime discount, ikaw bahala. Dahil paulit-ulit ko itong ginagawa sa mga bills ko, I save as much as 200-300 sa bills ko dahil sa coins cashback. Laking tulong din! Basta sipat sipat lang sa mga vouchers. Kapag nakakita ka, kunin mo agad kahit di mo pa agad magagamit. Abang din lagi sa mga 10.10, 11.11, 12.12 sale at payday sale, usually naglalabas sila sa mga ganyang araw. Kaya malaking tulong talaga ang ShopeePay. Ayun. Sana nakatulong kahit paulit-ulit lang ako haha!
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
Wla po ba silang fee for bills payment? Ma try ko nga rin to since malaki rin pala ma sasave