read.cash Log in
@Marinela2525

"Maskarang ngiti"

Maskara ang syang aking sandigan uoang ikubli aking tunay na nadarama Maskarang lagi kong suot sa tuwing sila ay kaharap Sapagkat natatakot na mahusgahan at kaawaan ng iba dahil sa akimg hinaharap Hinaharap na mga problema ay ayaw kong ipakita kayat akoy nag kukubli sa aking maskarang ngiti Ngiti na sumisimbulo na ako ay okay lang, oo okay lang ako, okay lang ako sa paningin nyo dahil iyong ang inyong nakikita Maskarang ngiti na nag kukubli nang aking tunay na nararamdaman. Tanging nakikita ay masayang mukha, ngunit sa likod ng maskarang ngiti nakatago ang sakit, pait at kalungkotan na pilit na lamang inaaliw ang sarili upang maibsan ng panandalian ang sakit. Sa tuwing huhubarin ang maskara doon nag sisimula, nag sisimulang bumalik ang lahat, ako ay mag isa pilit na nilalabanan sakit at kalungkotan na hindi ko alam kung paano matatakasan. Dahil sa pag hubad ng maskarang ngiti mga luha ay unti unting pumapatak , mga luhang dulot ng kalungkotan Kalungkotan na dulot ng pag iisa, pag iisa dahil natatakot ipakita ang tunay na kahinaan , sapagkat takot na kaawan pilit na pinapakitang malakas uoang ikubli na ako ay nadudurog na.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.