"Susulat"
Susulat, susulat ako Susulat ako ng ating kwento Kung saan, kailan at paano Kung paano mo napaniwala ang tulad ko Tulad ko na naging tanga sayo Susulat ko, isusulat ko kung saan natin ito sinimulan Sa paanong paraan nga ba ? Sa paanong paraan, kailan ba tayong nagsimulang maglokohan Naaalala mo paba ? Para tayong mga bata na walang pagsidlan ang ating kaligayahan Tanging nais lamang ay laging magkasama Tila tayong dalawa lamang at walang pakialam sa iba Tila ba'y hindi nagkakasawaan sa isat-isa Tanging nais lamang ay laging kapiling ka Ngunit isang araw nagising sa katotohanan Ang lahat pala ay isa lamang kalokohan Kung saan ako lang pala ang syang tunay na naliligayahan Dahil sa pagmulat ng aking mga mata Nagising ako sa isang kathang isip na ako mismo ang may gawa Nakalimot ako, nakalimot ako na "Oo nga pala ang lahat ay isa lamang ilusyon, ilusyon na ang akala ko ay maaaring maging totoo, ngunit nakalimot ako, nakalimot ako na hindi pala ako ang iyong gusto Aamin, aaminin ko sayo nasaktan ako Pero ikaw ba ay aking masisisi? Ikaw ba ay aking masisisi kung sa simula palang ay alam ko na, alam ko na, na WALANG TAYO Oo waalang tayo pero, bakit ganon ? Bakit ganon na lamang kung ako ay itrato Ikaw ba ay nanadya ? Ito ba ay iyong sinadya, dahil sa umpisa palamang ay alam mo na, alam mo na ako ay baliw sayo Ako ba ay sadyang pinagmukang tanga na bumuo ng isang ilusyon na tayong dalawa ay magkaroon ng TAYO Susulat ako, isusulat ko, sumulat ako, sumulat ako ng ating kwento na akala ko ay totoo Na akala ko ay tayong dalawa hanggang dulo, tayong dalawa hanggang dulo pero, ito palang isinulat kong kwento ay isa lamang ilusyon, ilusyon kung saan ako lang pala talaga ang syang tauhan, tauhan sa kwentong aking binuo na akala ko ay kasama ka hanggang sa magwakas ito Ako lang pala ang maiiwan hanggang dulo, hanggang sa dulo ako lang, ako lang ang syang nasasaktan, ako lang ang syang nasasaktan sa kwentong aking sinulat na walang katotohanan dahil, dahil sa simula pa lamang ng ating kwento na aking isinulat ikaw ay lumisan na Ngayon, ngayon ay aking wawakasan na ang sulat na ito dahil, dahil alam kong hindi na babalik ang karakter mo dito sa kwentong ito Alam kong ako lang, ako lang din ang syang makakasama ko hanggang sa wakas ng kwentong ilusyon na aking ginawa Tapos na, tapos na ang kwento, ang kwento ko Oo, ang kwento ko, kwento ko dahil wala ng ikaw, wala naman pala talagang ikaw sa simula palang dahil, ako lamang ang bumuo sa aking imahinsayon na ikaw ay aking kasama dito sa aking kwento hanggang dulo
8 comments
Goodjob poo π keep up you doings lang pooo.
Thank you
You're welcome pooo. Here to support
sana nga ay kwento lang ito at bunga ng iyong malikhaing kaisipan. Pro kung ang lahat ng ito ay katutuhanan, wag ka sana mawalan ng pag-asa napakasarap mag mahal at mahalin...keep safe! π
Thank you π
Binasa ko binasa ko.. At sana hindi yan totoo.. Pero kung sakali manatiling magmahal At ang kakigtasan lagi ipagdasal.. Pa subscribe po idol.. π
Para bang pakiramdam ko sa malikot na imahinasyon na ito ay may nakakubling katotohanan na meron talagang kalungkutan. You got me with your article. Nice. Keep it comingππ
Thank you π