Mema lang muna para may ma post na article
Narito ako sa isang sulok Kung saan nag susumiksik Naaalala ang iyong tinik, Tinik na ako ay winasak. Pilit na gusto kang kalimutan Ngunit paulit ulit paring nababalikan Nababalikan ang mga ala-ala kung paano mo ko iniwan Ala-alang tila akoy ayaw pakawalan Napapagod na ako sa bawat oras na ikay naaalala Pilit kong ikaw ay kalimutan na Ngunit paulit ulit na bumabalik pa Mga mapapait na ala-ala na patuloy kang pinaaalala Kailan mo ba ako lilisanin? Kailan kaba mawawala sa aking isipan? Hanggang kailan mo ako pahihirapan ? Hanggang saan mo ako dadalhin? Hanggang saan? Hanggang sa hininga ko ba ay malagot na? Ako ay napapagod na sa paulit ulit mong pag papaalala kinamumuhian ang sarili bakit hindi ka kayang kalimutan Mapapait na nakaraan na iyong iniwan Na labis akong nasaktan Ngayon ayoko ng masaktan Luha ko ay ubos na puso ko ay durog na ayaw ng gumalaw ng aking katawan nanghihina na ako kaya ako ay mag papaalam na... Mag papaalam na sayo at tuloyan ka nang kakalimutan Ibabaon ko mga mapapait na ala alang iniwan Akoy mag papatuloy na sa bagong yugto kung saan ako nalang mag isa Gagawa ng bagong ala ala at patuloy ka nang lilimutin dahil napagod na ako hindi na kita muling babalikan Aking ituturing na sarili ang bagong umaga Kung saan ako lang , ako lang ang syang mag papatuloy at ikay wala na Patuloy na kitang lilisanin , lilisanin ang sakit na iyong dinulot
5 comments
Fightingggg~
Thank you haha
💖
Hahhaha..go lang
Fighting Hahah kaya yan