Kailan matatapos ang paghahanap sa value ng x?
Kailan matatapos ang paghahanap sa value ng x? "Kapag kontento ka na!" "Kapag okay ka na" "Kapag nasagot mo na yung tanong kung bakit?" "Kapag alam mo na ang dahilan kung bakit naging gano'n ang resulta?" Sa matematika, hinahanap lang naman ang value ng x kasi gusto mong malaman kung bakit naging gano'n ang ending ng solusyon, halimbawa 6x = 12, ohhh di 'ba hindi mo alam kung bakit naging 12? So, kailangan natin hanapin ang x para malaman. Ganun din sa pag-ibig, kaya hinahanap o naalala mo yong nakaraan mo ng ex mo kasi may tanong na hindi mo alam kung bakit? tinatanong mo sa sarili mo kung bakit kayo naghiwalay, kung ano ang kulang sayo? Kaya hinahanap mo yung value ng ex mo kasi kailangan mo ng kasagutan sa lahat. Kaya kung tatanungin mo kung kailan matatapos? Depende sayo kapag kontento ka na sa bago mo at kapag alam mong satisfied ka na sa dahilan ng mga pangyayari.
No comments yet