Iba na ang may alam.. para sa mga mommies
Exluton o daphne pills ba ang gamit mo?
Nagwowory kaba kung bakit hindi ka nireregla habang ito ang gamit mong contraceptive?
Alisin na ang worries mo!ito ang explanation kung bakit hindi ka nireregla habang exluton o daphne pills ang gamit mo..
Alam mo ba momshie na karamihan sa mga pills ay may taglay na dalawang hormones(Progesterone at Estrogen) ito ay tinatawag na Combined Oral Contraceptive
Ang Exluton at daphne naman ay kabilang sa Progestin-only pills(ibig sabihin ay iisang hormones lang meron ito). At dahil wala itong taglay na Estrogen na responsable sa pagreregla,karamihan sa mga babaeng gumagamit nito ay hindi nireregla
🤔Tanong:Sino ba ang pwedeng uminom nito?
🙋♀️Sagot:
👉Mga babaeng nagpapasuso
👉Mga babaeng ayaw reglahin
👉Mga babaeng walang hypertension
👉Mga babaeng walang varicose veins
🤔Tanong:Ilang tablets ba meron ang Exluton at Daphne pills?
🙋♀️Sagot:
👉28 pills
🤔Tanong: paano ba ito iniinom?
🙋♀️Sagot:
👉Iinumin araw-araw sa parehong oras ng walang palya
👉Pagkatapos maubos ang isang paketeng pills,simulan uli ng panibagong pakete may regala man o wala.
👉Kung first time user ka, iinum muna sa loob ng pitong araw(7days) ng walang palya bago ito magiging effective o masasabing safe ka na sa pakikipagtalik.
❗Tandaan:
🔴bawal makalimot sa paginom ng pills dahil madali kang mabubuntis.
✅Gumamit muna ng condom ang mga first time user sa loob ng pitong araw(7days)kung hindi mapigilang makipagtalik.
🤔Tanong: Paano ba ito gumagana sa katawan ng babae?
🙋♀️Sagot:
👉Pinipigilan nito ang paglabas ng hinog na itlog(no ovulation will accur)
👉Pinapakapal nito ang mucus sa cevix upang magsilbing barrier o harang sa similya sa panahin ng pakikipagtalik
👉Pinapanatili nitong manipis ang uterine wall o dingding ng matres na dahilan kung bakit hindi nireregla ang babae.
Ayan momshie, ngayon alam mo na, na sa pag inom ng progestin-only pills na gaya na Exluton at Daphne ay hindi ka rereglahin dahil pinapanatili nitong manipis ang iyong uterine wall o dingding ng matres. Normal lamang po ito at taliwas sa haka-haka na ang babaeng hindi nireregla ay may mabubuong tumor o hindi mailalabas ang maruming dugo.
❗Tandaan:
✅Ang regla ay hindi maruming dugo,ito ay ang napilas lamang na uterine wall o dingding ng matres.Kung ikaw ay naka Exluton o Daphne, hindi po ito kakapal kaya hindi ka rereglahin
✅Meron dung mga babae na gumagamit nito na nireregla parin. Normal lang po ito. Iba-iba kase ang response ng katawan ng babae. Hindi ito pare-pareho.
🤚Paalala:
✅Inirerekomendang magpakonsulta muna sa inyong pinaka malapit na health center o private OB bago gumamit ng contraceptive na ito.
Maraming salamat mga ka pinoy!..😊😊😊
Early pregnancy
Isa ako sa mga kababaihang maagang nagkaanak... marami akong pinagdaanan masakit na pangyayari sa buhay ko nung akaoy nag buntis sa aking panganay na anak,18 years old lang ako nun at bago palang nag tatrabaho..
Sobrang natakot talaga ko nun bukod sa hindi ko alam kung pano sasabihin sa magulang ko dumagdag pa ang isipin na kaya ko nabang maging isa ina,kaya ko bang magpalaki ng isang bata..dahil yung lalaking dapat kasama ko sa panahong namomoblema ako ehh iniwan lang ako sa ere,.kaya hindi ko alam nun kung papano ko haharapin ang lahat..
Sa totoo lang hindi ko alam pero mas malakas pa ang pakiramdam ng tatay ko kaysa sa nanay ko,.. sya ang unang nakaramdam na parang may mali sakin sinabihan nya ang nanay ko kaya kinausap ako ni nanay at sinabi ko na hindi pa nga ako dinadatnan,alam nila na may bf ako nun, kaya sila na mismo ang bumili ng p.t para masigurado at ayun nga nag positive nga, sobrang nahihiya ako sa magulang ko,nung una ayaw ng tatay ko na matuloy pagbubuntis ko kase daw magiging tampulan ako sa chismis, sobrang natakot ako kase nung gabi sabi ng tatay ko maaga sila aalis ni nanay kinabukasan para humanap ng gamot pang palaglag.. kahit na takot ako sa kahihinatnan ng ginawa ko ni minsan hindi sumagi sa isip ko na magpalaglag kase alam ko na kasalanan sa Dyos yun,. Buti nalang talaga malawak ang pang unawa at pag intindi ng nanay ko, pinaliwanagan nya si tatay na mali yung naiisip nya na walang kasalanan ang bata sa sinapupunan ko,.. sinabi pa nya na pano kung mapainom nila ko non tapos hindi nalaglag at nagka deperensya sila din ang masisisi at makokonsenya,..narinig ko ung pag uusap nila ng ndi nila alam dahil akala nila tulug nako nun,. nakinig naman si tatay kinaumagahan nga kinausap nila ko na tatanggapin nila ko at pinagbubuntis ko dahil kahit anong mangyare daw eh anak parin nila ako..at wala ngang kasalaan pati ang bata sa tyan ko,alam din nila na ndi ako pinanagutan ng tatay ng anak ko, akala ko magiging ok na ang lahat..
Dahil nga sa buntis ako marami akong pinaglilihian at marami akong gustong kainin pero hindi ko magawang mabili at makain dahil wala akong pera kase nga nabuntis ako kaya tumigil ako sa pag wowork,sobrang hirap pero tiniis ko para sa anak ko at alam ko din naman na kasalanan ko at ginusto ko ang mga nangyare,.
Habang lumalaki ang tyan ko nag tyatyaga akong mag tuhog ng sampaguita dto samen para kahit papano may kitain ako at may maipambili ng gamit ni baby bago ako manganak, lahat ng gawaing bahay ako gumagawa kahit ang hirap kumilos para man lang makabawe ako sa parents ko,naiinis lang ako sa kapatid kong bunso na babae kase kahit alam nya na hirap nako ay hindi nya man lang ako matulungan sa gawain kahit wala naman sya ginagawa sa bahay namen, matanda lang ako skanya ng dalawang taon, pero hindi ko naman sya mapag sabihan kase nahihiya ako sa parents ko,. Linis dito linis doon,laba dto laba duon,luto dito luto duon,ang mahirap pa sa kahoy lang kame ngluluto nung mga time na un..
Lumalaki ang tyan ko,.unti-unti kong nararamdaman na hindi talaga tanggap ng tatay ko yung pinagbubuntis ko, sa tuwing uuwi kase sya galing trabaho nya pag naabutan nya ko nakaupo sa upuan namen nagagalit sya lagi daw ako paharang harang para daw ako akong butete,tapos pinapalayas nya ko sa kinauupuan ko,kya ako syempre tahimik nalang na aalis at iiyak mag isa, kaya naging routine ko na pag alam kong oras na dadating na tatay ko nag tatago nako sa loob ng kwarto duon ako umiiyak mag isa..isang beses nakita ako ng nanay ko na umiiyak sa sulok ng kwarto kinomfort nya ko at sinabi na intindihin ko nalang si tatay pagud lang sya,at wag nako umiyak dahil ramdam ni baby un,..
Araw-araw ganun ang gawa ko,pag dadating si tatay mag tatago ako, ang nanay ko sobrang thankful ako kase napaka maunawain nya sobra sakin,sya lage umaalalay sakin pag may pera sya binibili nya ko ng gusto kainin kya skanya lang talaga ko kumakapit,napaka swerte ko talaga sa nanay ko,.. minsan may time na umuulan dahil ndi na maayos ang bubong namen sa likod kung san kame nagluluto nababasa talaga ko ng ulan ngpapayong nalang ako pero natalsik talaga sakin,pero need ko padin mag luto kahit naualan kase wala kame kakainin.. umiiyak nalang ako habang nagluluto kase hindi manlang nag alala ang tatay ko na baka nababasa nako,pero kaylangan ko tiisin kase kasalanan ko naman ehh, may time pa na nag aalok ang tita ko ng mga damit ng bata pabenta daw ng kapit bahay nila, sobrang sakit nung sinabi ng tatay ko na hindi kaylangan ng baby ko yun tama na daw sako kase demonyo naman daw ang ama kaya demonyo din ang magiging anak..parang dinurog ang puso ko nun sobrang bigat gusto ko umiyak pero pinigil ko kase nahihiya ako sa mga tita ko at sa tatay ko,.. kaya nagdahilan nalang ako na naiihi ako pangiti-ngiti pako para hindi mahalata, sa cr ko iniyak ng impit ang lahat..kase sana kahit ako nalang parusahan wag lang yung anak ko,..
Pero ok na din kase nung nanganak ako si tatay din tumulong sakin at tuwang tuwa sya dahil pati nasunod ang gusto nya na maging lalake ang babay ko, sakanila pa nga ng nanay ko lumaki ang anak ko ehh sila na nag alaga simula 3 months kase nga nag trabaho nako..
Pasensya na napahaba 😁😁
Slamat sa pag babasa..😊😊😊
Mommy's life 008 Home schooling
Marami sigurong makaka relate sakin lalo na yung may sa anak na nag aaral at mag aaral palang pag dating sa magiging new normal na home schooling.. hindi ko talaga alam kung pano ko ba matuturuan ang mga anak ko pag dating sa ganyan, dalawa na kase magiging estudyante ko isang mag grade 6 at mag kinder, isama pa ang mga pamangkin ko na mag grade 2 at grade 3,hindi ko alam kung pano ko sila magagabayan sa pag aaral nila lalot may maliit pako na anak.. yung mga parent kase ng mga pamangkin ko eh nag tatrabaho at wala ibang aasahan na tutulong sa home schooling nila kundi ako..ung mag grade 3 ko kase pamangkin anak ng kuya ko na matagal ng pumanaw kaya single mom na ang hipag ko kaya sya ang nagtatrabaho para sakanila ng anak nya, ung mag grade 2 ko naman na pamangkin anak ng kapatid kong bunso sa pagka dalaga tapos nag wowork sya now kaya wala talaga iba aasahan kundi ako kase tatlo lang kame magkakapatid.. ang hirap isipin ko palang..😁😁 pero anu nga ba magagawa ko para sakanila din naman yun mas mahirap pag nahawa sila pang sa school talaga papasok.. kaya humihingi talaga ko ng guidance kay God na makayanan ko lahat ng to para sa mga anak ko at mga pamangkin..😊😊🙏🙏 kaya ko to..😁😁😁
Mommy's life 007
Hi mga ka pinoy,nag luch naba kayo,kame ou.. ulam namen ginataang pusit..😊😊 at syempre ako ang cook..😁😁
Kmusta naman kayo ,ako eto after ko nga magluto kumain na kame.. tapos kinalbo ng hubby ko ang baby namen kase 1year na sya nung may 30, hindi kase pwede mapagupitan sa barber shop dahil sa virus,.. ok din naman kinalabasan😁😁😁 after nun pinaliguan ko na sya at syempre pg katapos gutom nanaman sya kaya dede portion nanaman..hehe nakatulog sya kanina,pero now gising nanaman..dede nanaman😅😅😂😂 sabi nila stop ko na sa breastfeed kase nga nangangat na minsan yung tipong mapapasigaw at mapapaiyak ka nalang sa sakit..😅😅 pero ayos lang kase bukod sa tipid sa gatas ehh sobrang masustansya ang gatas ng ina mas may panlaban sya kontra sa sakit diba.. atska bonding nadin namen mag ina,.. dis advantage lang hirap kumilos kase pag gutom sya at may ginagawa ako magwawala talaga sya..😅😅😅, pero ayos lang kinakaya naman..😊😊 eto nanaman sya ngayon nangungulit nang gising sa lolo nyang natutulog😂😂😂😂🤣🤣
Mommy's life 006
Good morning mga ka pinoy.. kamusta naman kayo?,
Panibagong araw nanaman,.. wag kakalimutang magpasalamat lagi kay God sa lahat ng biyaya at panibagong araw na binibigay nya ok,😊🙏lagi po sana tayo mag pray,kase yan ang pinakamalakas na sandata naten lalo na ngayong may pandemic at kahit wala man na virus pray padin tayo kase si God lang ang lubos na makakaintindi at makakatulong stin..kaya put God in your heart mga ka pinoy😊😊😊
mommies duty nanaman.. buti nlang tulog pa ang mga junakis ko at si hubby restday nya now kaya may time kame mamaya para sa isat-isa..😁😁😁
Kape muna tau mga pinoy..☕☕
Mommy's life 005
Good eve mga ka pinoy,.. so ayun na nga diba kanina problemado ako sa uulamin namen ng dinner, buti nalang may savior ako😁😁 dahil kasama namen sa bahay ang tatay ko at may work naman sya at ang maganda pa dun sahod nga pala nya kanina kaya pag uwe may dalang pang ulam,,hihihi... kaya po ang ulam nmen ngayon ay sinigang na baboy..😊😊😊😊 kaya lang hindi ko na napicturan kase mga super gutom na😂😂😂 pero masarap po yun kase luto ko ehh..😅😅😅 atska naubos nila.. ulam naman bukas ang iisipin..
Opo kahit kakakain lang iniisip ko agad anu uulamin sa susunod..😁😁😁 advance ako mag isip ehh...
😘😘😘😘
Mommy's life 004
Hello mga ka pinoy,.. kmusta ang maghapon nyo ako eto nuod muna t.v habang nagpapahinga, buti nlang mabait nagayon ang baby ko nuod din sya ng tv habang naglalaro kala mo naiintindihan nya rin pinapanuod nya ehh,seryoso po sya..😅😅,
hirap talaga mag isip ng uulamin,hanggang ngayon wala parin ako maisip😅😅😅 buhay nanay nga naman..😁😁 hapon nanaman,bilis lang ng oras,,sana matapos na ang pandemic, sana maging ok na ulit ang lahat..
Ingat po tayong lahat palage..😊😊
Mommy's life 004 from single mom to married wife
Hi guyz, eto ulit ako,first of all alam nyo yung feeling na ang haba-haba na ng na itype mo yung tipong konti nalang ma post mo na tapos biglang nawala kase napindot ni baby, lumapit kase para dumede,..hehe😅😅😅
Anywayz,.. gusto ko lang ishare, dati kase akong single mom, akala ko noon wala ng matinong lalake akong makikilala, may iba kaseng mga lalake,hindi ko naman nilalahat, na iba nagiging tingin pag nalaman na single mom ka,.kung hindi man ehh yung magulang ng lalake ang iba ang tingin sayo,. Kaya sobrang thankfull ako na dumating ang asawa ko sa buhay ko,alam nyo yung feeling na hindi mo akalain na may katulad pa pala nya na lalake sa mundo, kung meron man talaga ehh kokonti nalang siguro,.. napaka ganda ng pagpapalaki sakanila ng mommy nila kase sobrang marespeto sila sa iba kahit anu at sino kapa,tinanggap at minahal ako at ang anak ko ng asawa ko, inintindi nya lahat ng flaws at ugali ko,. Nung una natakot ako na baka hindi ako matangap ng pamilya nya pero mali ako kase sobrang welcome ako at ang anak ko skanila,dahil maliit palang ang asawa ko nawalan na sila ng ama kaya ang mommy nalang nila ang nagtaguyod sknila.. sarap sa pakiramdam na tinuturing narin na apo ng byenan ko ang anak kong panganay, kaya sobrang laki ng respeto ko sa kanila..
Kaya sobrang mahal na mahal ko ang asawa ko,kahit na mahirap lang kame hinding hindi ko sya ipagpapalit sa kahit ano pang bagay,. Pag alam nyang hirap nako dto sa bahay tinutulungan nya ko kahit alam kong pagud narin sya hindi mo maririnig sa kanya nag magreklamo,. Sobrang thankfull ako kay God kase sya ang binigay sakin, katulad nga ng lagi ko sinasabi sa kanya kahit magkaroon pa kame ng second life sya parin ang pipiliin ko..
Pasensya na po napahaba,napasarap lang sa pag kwento..😅😅😅
Salamat sa pagbabasa..!😊😊
Be safe always🙏🙏
Mommy's life 003
Hi guyz,..patambay muna mga ka pinoy, sobrang pagod mag laba,..kakatapos ko lang magsampay ng mga nilabhan ko,. Now naman ng papabreast feed ako,.. nakakawala din naman ng pagod ang halik,ngiti at hug ng baby ko, mamaya mag luluto naman ng hapunan,mommies problem nanaman ang pag iisip ng uulamin..😅😅 ng struggle din ako ng sobra jan..buti nalang hindi masyado mapili ang mga anak ko pagdating sa ulam,..katulad nga kninang luch tuyong dilis ang ulam namen at sarap na sarap naman sila😊😊😊,mya share ko kung anong ulam ang lulutuin ko sa dinner namen😁😁😁..
Salamat sa pagbabasa,,😘😘😘
Stay safe tayong lahat!..🙏🙏🙏
Mommy's life 003after matapos maglaba..
..hi guyz..kmsta naman kayo jan, so eto na nga kakatapos ko lang mag laba ng aming mga damit,pahinga muna bago mag sasampay naman mamaya..😁 kapagod..😅😅 pero ayos lang isang yakap at halik lang ng mga junakis ko tanggal na ang pagod ko..😊😊 mabuti nalang may 10 years old na akong anak,lalaki po sya naasahan na sa pag aalaga sa baby namen kahit pano nalilibang nya si baby,.hindi pa diyan natatapos ang mommies juty ko..😅😅😅
Thanks so much sa pagbabasa😊😊😊
Mommy's life 002
Hi po sainyo.. nakatulog narin ang bunso ko, sobrang struggle ko po talaga ngayon kase sobrang habol sakin ng bunso ko 1year na po sya at pure breastfeed po sya kaya siguro ayaw nya malayo sakin minsan,. Sa totoo lang po bago ko matapos yung isang gawaing bahay katakot takot na iyakan muna ang nagaganap..kaya malaking alwan sakin pag tulog na sya, nakakapagod pero kinakaya para sa mga mahal ko..😊 kasama sa buhay nanay ehh,. Thankful parin kay God sa lahat ng blessings..🙏🙏
Mommy's life 002
Hi po sainyo.. nakatulog narin ang bunso ko, sobrang struggle ko po talaga ngayon kase sobrang habol sakin ng bunso ko 1year na po sya at pure breastfeed po sya kaya siguro ayaw nya malayo sakin minsan,. Sa totoo lang po bago ko matapos yung isang gawaing bahay katakot takot na iyakan muna ang nagaganap..kaya malaking alwan sakin pag tulog na sya, nakakapagod pero kinakaya para sa mga mahal ko..😊 kasama sa buhay nanay ehh,. Thankful parin kay God sa lahat ng blessings..🙏🙏
Mommy's life 001
Hi, magandang araw sa inyong lahat,. Ngayong araw schedule ko ng paglalaba..sobrang nakakapagod tignan palang ang mga marurumi na need labhan pero sabi nga nila bilang ina obligasyon natin na maging malinis at mabango ang ating pamilya,. Kahit nakakapagod at parang paulit-ulit nalang ang ginagawa ntin need natin gawin ang mga ito,dahil hindi lang para satin to kundi para sa pamilya din natin,masaya at maswerte din ako kase may asawa ako na mabait at lagi ako tinutulungan sa mga gawain bahay kahit minsan pagod din sya sa work.. kaya mga ka mommy stay positive lang tayo always!..😊😊
Mommy's life 001
Hi, magandang araw sa inyong lahat,. Ngayong araw schedule ko ng paglalaba..sobrang nakakapagod tignan palang ang mga marurumi na need labhan pero sabi nga nila bilang ina obligasyon natin na maging malinis at mabango ang ating pamilya,. Kahit nakakapagod at parang paulit-ulit nalang ang ginagawa ntin need natin gawin ang mga ito,dahil hindi lang para satin to kundi para sa pamilya din natin,masaya at maswerte din ako kase may asawa ako na mabait at lagi ako tinutulungan sa mga gawain bahay kahit minsan pagod din sya sa work.. kaya mga ka mommy stay positive lang tayo always!..😊😊
Mommy's life
Hindi madali ang maging ina lalo na sa 3 chikiting na makukulit😅 mahirap na masaya pero lahat gagawin mo para sakanila para sa ikakabuti nila.. masarap din sa pakiramdam yung makita mo silang masaya at lumalaking mabuting bata.. sabi nga balang araw hahanap-hanapin mo ang gulo at ingay na likha nila pag dumating na ang araw na magkakaron na sila ng sarili nilang pamilya kaya sulitin mo ang mga araw at panahon na bata sila kase minsan lang sila dadaan sa ganyan.. kaya mas gusto kong madalas silang lambingin sobrang nakakawala ng pagod ang mga ngiti nila at pag sinabihan kana ng" i love you" sobrang sarap sa pakiramdam..