read.cash Log in
@Macris29

AWIT 119:10-11 Buong puso ang hangad ko na ikaw ay paglingkuran. Sa pagsunod sa utos Mo, huwag mo akong babayaan. 11 Ang banal mong Kautusa'y sa puso ko iingatan, upang hindi magkasala laban sa iyo kailanman. ❤️Buong Puso Ikaw Paglingkuran🤷‍♂️ Indibiduwal ang pagtawag ng Diyos sa atin. Indibiduwal din ang pagsunod sa Diyos. Si haring David ang Diyos ay nalulugod sa kanyang puso. Nawa'y ganon din ang puso mo. KAWIKAAN 2:1 Aking anak, ang mga Salita Ko ay dinggin mo, at ang Aking mga utos, ingatan nga at sundin mo. Habang tayo'y may buhay pa pagsumakitan natin gawin at sumunod sa Diyos ng buong puso. Hindi ang panlabas ng tao ang tinitingnan ng Diyos, kundi ang ating puso. 1 SAM. 16:7...Ang batayan Ko ay di tulad ng tao. Panlabas na anyo ang tinitingnan ng tao ngunit puso ang tinitingnan Ko. Kung nasa atin na, gawin natin ang kalooban ng Diyos mahalin natin S'ya ng Buong PUSO. Paglingkuran ang Diyos ng buong pusong may katapatan. Ito ang hinahanap ng Amang nasa Langit, at kung ito'y nasa iyo at sa akin, "Mapalad ka at ako." AWIT 119:2Mapalad ang Sumusunod sa kaniyang Kautusan, buong puso ang pagsunod sa utos na ibinigay. Kaya may nakakita man 0 wala, paglingkuran natin ang Diyos ng buong puso na may katapatan. Gusto mo ba'ng giginhawa ang buhay mo? Gusto mo ba'ng pagpapalain ka ng Diyos? Gusto mo ba'ng humaba ang buhay mo? Gusto mo ba'ng magamit ang buhay mo? AWIT 128:4 Ang sinuman kung si Yahweh buong pusong SUSUNDIN, buhay niya ay UUNLAD at LAGING PAGPAPALAIN. Amen🙏 Blessed morning everyone ☺️

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.