Beautiful Friday everyone!!! It's Friday bilis talaga Ng araw bukas sabado na at mamaya pa marso na. Share ko lang po itong photo galing KC! umuuhay na Ang aming palay lapit na mag tag Ani. Sana Naman tumaas na presyo Ng palay. Isa ito sa mga pinanalangin naming mga mag sasaka Ang tumaas Naman kahit konti Ang presyo Ng palay KC talo talaga pag mababa presyo. Yung kahit maganda Ang Ani mo mababa Naman presyo minsan talo ka pa Rin. Ang hirap pa Naman Ng mga mag sasaka. Pero Lalo silang pinahirapan kapag mababa Ang kanilang produkto. Kaya Sana Yung mga maluluklok sa pamahalaan Yung talagang may pag mamahal sa kanyang mamamayan. Yung pahahalagahan Ang pag hihirap Ng mga mag sasaka at Ng mga iba pang mang gagawa Ng bansa. Happy Friday Po sa lahat.
No comments yet