Alaala
Nung ako ay Bata Naka Tira kami sa QC pero dahil sa trabaho ng mama at papa ko lumipat kami ng olongapo. Pero kahit na hindi kami sanay sa pamumuhay sa probinsya nakasanayan na din namin.Lalo na at mababait ang mga Tao Don tapos malapit Lang ang bahay namin sa simbahan Kaya tuwing araw ng linggo ay di ako pumapalya Pati sa mga pag baba ng mama Meri. Kaya Lalo namin naging kaibigan ang mga taga Doon. Tapos pag sabado at lingo bago ako sasama sa ilog sa mama ko Para mag laba sasama muna ako sa kaibigan ko mag titinda kami ng pandesal. Pag napapaubos namin Yung dala namin bibigyan kami ng may ari ng pandesal ng 10 peso Hati Kami ng kaibigan ko dati limang peso Lang masaya na kami. Pag tapos namin magtinda Saka ako pupunta sa ilog Para tulungan si mama maglaba. Pag tapos namin maglaba Saka Kami maliligo ang Saya Lang ng simpleng buhay noon. Pero dumating Yung araw na kaylangan din namin umalis Don at bumalik sa bahay namin sa QC dahil Doon ulit ang trabaho ng mama at papa ko. Ngayon isang magandang alaala na Lang ang mga magagandang nangyari sa amin Doon pero Sana balang araw makabalik ulit kami Don at mulling makita ang napaka gandang lugar ng Gordon's highs.
No comments yet