Actually isa itong halimbawa na wag tayo pakampante, kasi tingnan naman natin ang nangyari ngayon sa India diba nakakakaba. Kaya dito satin sa pilipinas sumunod po tayo sa implementing rules and regulations ng ating gobyerno. Kasi para satin rin naman yun eh. Kaya nga sabi ni Sec. Duque na pwede mangyari satin ang nangyari sa India kung di tayo sumunod at magmamatigas ng ulo.
Kasi ah kung nangyari nga yun sa India satin paba kaya? Syempre kung hindi tayo susunod malamang lulubo ang cases ng Covid sa ating bansa. Alalahanin po natin na ang covid ay traydor at nakakamatay. Kung sinasabi ng iba na "ah wala yang covid nayan malakas kami, virus kalang", wow huh nagawa nyo pang magjoke. Paano kung natamaan ka ng covid tas 50/50 na buhay mo masasabi mo kaya yan?.
Wag tayo matigas ulo. Kaya nga nangyari yan ng biglaan sa India kasi ng Dahil sa religious festival nila, tas may party pa, at ibang dumogan ng tao ang nangyari at higit sa lahat HINDI NAKASUOT NG FACEMASK AT FACESHIELD PLUS WALA PANG SOCIAL DISTANCING!. So ngayon ang resulta ano?! Diba ang bilis within 24hrs lang umabot ng 40k pasyente ang may virus. Diba nakakaiyak na halos sila nababaliw na san kukuha ng oxygen, san pa ililibing ang mga namatay, ang iba hindi na naasikaso namatay nalang.
Isipin nyo po yan kung satin yan mangyayari sa Pinas sa tingin mo o ninyo nakakatuwa? Diba hindi?!. Kaya sumunod po tayo sa health protocol kasi para satin din yan eh. Wag nyo pong intayin na matulad tayo sa India. Kung nanood lang kayo sa news sa ibang bansa na balita talagang nakakaiyak ang nangyayari sa India, mapapaluha ka rin. Gusto mong tumulong pero di. Mo magawa. Kaya sana noh maging aware tayo wag natin hayaan na umiral satin ang pagiging STUBBORN FILIPINOS. Be a good netizen to your own country and be the one to lead of the people in your city to spread an awareness. Care them and everyone can be in safety and live.