Ano ang buwa sa mga kababaihan?

7 7452
Avatar for Lyn2x
Written by
3 years ago

Maiba naman tayo sa ating article ngayon, dahil marami parin kasi sa mga katulad ko o mga kababaihan ang hindi alam to hanggang madiskubre nalang kong aksidenteng nasilip sa baba.

Ito yung meron ako ngayon ganyan talaga nakasilip na sa pwerta

Based on my experience
*ito nga nung una kasi akala ko talaga dahil bagong nanganak lang ako kaya may ganyan. So akala ko naman  normal kasi nga diba hindi yan sinasabi ng doktor o midwife.
Makalipas ang ilang buwan nagtaka uli ako kung ano tong nakaharang sa harapan ng puwerta ko tas nakakapa kopa, although hindi naman ganun kalawak siya kumbaga parang sumilip lang siya sa pwerta ko, yung nakaharang talaga siya pag nasilip mo private part mo. So ayun binalewala kona naman siya at nitong nakaraang linggo lang which is mahigit 1 year konang bi alewala at sa sobrang curious ko na talaga dahil di talaga siya nawala. Nagsearch ako online at google, at talagang pinahirapan pa ako kung ano tawag nito for almost 30mins nakakahanap kung ano to "buwa o pelvic organ prolapse". At nabasa ko nga na delikado rin pala ito.
Siguro nakuha koto nung pinanganak ko bunso ko kasi panay ere ako nung pinanganak ko siya eh halos maubos na talaga lakas ko sa pag ere kasi halos 20mins akong umiire para lang lumabas siya. So baka dahil nga dun at nadagdagan pa na lagi ako nagbubuhat ng mabigat tsaka nung nanganak kasi ako hindi ako nagpahiya kundi lakad ako ng lakad pababa at paakyat kasi wala ako kasama nun sa ospital as in ako lang talaga dahil nga 1st baby ko o panganay ko ayaw paiwan kaya yung partner ko nagbantay kaya kahit discharge ako nag asikaso kaya unang araw palang ng panganak ko nabinat naku.

Para sa karagdagang kaalaman patungkol sa buwa pakibasa nalang yang nasa baba

Source:Bulgaronline.com

  • Ang buwa o Pelvic Organ Prolapse ay ang pagbaba ng pantog, matres, o rectum sa vagina. Kung iisipin nating isang bahay ang vagina, sa bubong nito ay nakapatong ang urinary bladder o pantog, isa sa mga dingding ay ang matres, at nasa ilalim ng sahig ay ang rectum o daanan ng dumi.

  • Lahat ng tatlong organ (pantog, matres at rectum) ay maaaring pumasok sa vagina at kung sobra na ay labasan ng puwerta (vaginal opening) o sa pinto at lalawit na. ‘Yan na ang buwa — ang pagdungaw ng alin o lahat sa tatlong organ na pantog, matres, o rectum.

  • Ang buwa ay luslos ng babae ng pantog, matres, o rectum na siyang pumapasok sa vagina at lumuluwa. Huwag sanang magbubuhat ng mabigat o gumawa ng anumang mapapairi nang malakas.

Paano mawawala ang buwa?

Walang gamot sa buwa. Puwedeng mag-pelvic floor exercise kung wala pa sa hymen o magpa-opera kung lagpas na ng hymen.

Kapag bumaba na ang pantog, matres, o rectum ay ibig sabihin ay napunit ang mga litid na sumusuporta rito. Para ring bahay na may bubong na bumigay at lumulundo na. Maganda ay tahiin ang mga punit upang maibalik ang suporta sa pantog, matres at rectum.

Sa pamamagitan ng pagpaplano ng pamilya at mahusay na pangangalaga ng buntis at nanganganak, maiiwasan ang:
bukana ng puwerta ng babae na lumalabas ang matris at cervix
Buwa (prolapse). Kung sobrang dami na ang pagbubuntis ng babae, o nagkaroon ng mga mahabang pag-labor, o masyadong maagang umiri sa pag-labor, maaaring humina ang kalamnan at litid na sumusuporta sa matris. Kapag nangyari ito, maaaring malaglag ang matris sa puwerta nang bahagi o buo. Buwa o prolapse ang tawag dito.

Dagdag na impormasyon

  • pampahigpit na ehersisyo

Palatandaan:

di-sinasadyang pagtagas ng ihi
sa malubhang mga kaso, ang cervix ay nakikita na sa bukana ng puwerta
Pag-iwas:
Agwatan ang mga anak ng 2 taon o higit.
Sa pag-labor, umiri lang kapag bukas na nang lubos ang cervix at malakas ang pakiramdam mong napapairi. Huwag pumayag na diinan ang iyong matris para mailabas nang mabilis ang sangol

Tumatagas na ihi mula sa puwerta. Sa pag-labor, kapag sobrang tagal nadiin ang ulo ng sanggol sa dingding ng puwerta, puwedeng mapinsala ang himaymay nito. Dito tatagas ang ihi o dumi.

Pag-iwas:
Hintaying lumaki nang ganap ang katawan bago magbuntis.
Iwasan ang masyadong matagal na pag-labor.
Patlangan ang mga sanggol ng di-bababa sa 2 taon para lumakas muli ang mga kalamnan sa pagitan ng mga pagbubuntis

  • Panghuling kasabihan
    -kumbaga kailangan po talaga natin na 2 years bago mag buntis ulit o higit pa. Kasi on my case nabuntis kasi ako uli nung mag 1 month nalang 2nd bday na ng panganay kong anak. Pero siguro nga talaga dahil sa pag eri ko ito nitong 2nd baby ko o bunso ko.
    Hanggang ngayon hindi pako nakapag pacheck sa buwa ko dahil sa daming inaasikaso sa buhay at pamilya ko. Kaya pati kalusugan ko napabayaan kona. Sa tuwing dinadatnan ako parang feeling ko may mahuhulog sa pwerta ko eh, yun pala ito palang buwa ko ang cause kung bakit ganun nafeel ko.kaya sa mga kababaihan na nagbabasa nito wag niyo po pabayaan mga sis baka matulog kayo sakin at baka malala na nga itong akin eh.

Credit to the owner

4
$ 10.59
$ 10.55 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @LucyStephanie
$ 0.01 from @nadiahensont
Sponsors of Lyn2x
empty
empty
empty
Avatar for Lyn2x
Written by
3 years ago

Comments

Nakakalungkot sabihin na may buwa na din pala ako😔😔kasi nafefeel ko din yung parang may nahuhulog kapag may regla ako.ang hirap kpag wla tayong pera ksi di man lang agad nadadala sa operasyon para di lumalala😭😭si papa god nalang bahala satin may mga buwa.lord plss heal everybody having a buwa.🙏🙏di namin ginusto itong nangyayari samin lord🙏🙏🙏

$ 0.00
1 year ago

Bale dilekado ba talaga yan sisy.. Actually wala pakong anak but na curious lang ako ng makita ko ito😁

$ 0.00
3 years ago

Kaya ako nung nanganak ako hndi ako umiire pag d sinasabi ng doctor natatakot ako .Meron din pala luslos ang babae kala lalaki lang.salamat sa article mo nalaman ko

$ 0.00
3 years ago

Thank you for this educational article po. I think yung pinsan ko may ganito rin, I will let her read your article para mas maintindihan niya po.

$ 0.00
User's avatar Ze
3 years ago

Huhu nakakatakot naman sis parang ayaw ko na manganak pag ganyan. 😅

$ 0.00
3 years ago

Hahahahaha hindi naman lahat sis nakadepende din kasi yan kung grabe ang pagluwal o labor mo sa baby mo. Ako kasi dito sa bunso ko grabe ang ere ko kaya may buwa ako. Akala ko normal lang to yun pala buwa na.

$ 0.00
3 years ago