Mabilis Ang Karma

19 41
Avatar for LykeLyca
2 years ago
Topics: Random, Fiction, Filipino

Minsan sinasabi natin na hindi patas ang buhay. Palagi natin tinatanong sarili natin kung bakit na lang tayo naghihirap, habang ang iba ay lagi na lang nabubuhay sa karangyaan? Kung bakit nang galing ako sa mahirap na pamilya at hanggang ngayon ay naghihirap pa rin? 

Sabagay, ganun naman talaga tayo, binabato natin sa tadhana ang mga pangyayari, hindi natin naiiisip na tayo lang naman talaga gumagawa ng tadhana natin. Lahat tayo ay may sariling desisyon na ginawa sa buhay natin, maging tama man o mali, ang lahat ay nangyari dahil na rin sa mga paninindigan at naging desisyon natin. 

May isang palabas sa telebisyon na kinagigiliwan ko ngayon sa dahilan na marami ka dito na mapupulot na aral tungkol sa ating ordinaryong buhay. Sa isang punto ng palabas, ibinahagi dito ang buhay ng tatlong magkaibigan na nanunumpa sa isa’t isa na kung may mananalo sa kanila sa lotto ay kanila ito’ng paghahati-hatiin ng patas sa kanilang tatlo. 

Ang swerte naman ay hindi mailap sa tatlong magkaibigan, dahil isang gabi habang pinapanood nila sa telebisyon ang resulta ng lotto sa araw na yon, isa sa magkaibigan, si Pepe, ay nanalo ng jackpot, at naiyak na lang sa tuwa ang tatlo.

Ngunit, di nila inakala na si Pepe ay mag tatraydor pala sa kanila. Nang makuha ni Pepe ang pera, bigla nya’ng sinabihan ang dalawa na wala na man daw silang ginawang sumpaan tungkol sa hatian.

Si Juan, isa sa dalawang nalungkot dahil hindi nahatian ng panalo nila, ay sumangguni sa isang abogado tungkol sa nangyari. Ang magkaibigan ang nagharap sa korte ng dahil sa panalo nila, at kahit na wala silang matibay na patunay tungkol sa sumpaan ay napanalo pa rin ni Juan ang kaso dahil sa testimonya ng isang babae na barista na nakarinig sa usapan nilang magkabigan ng gabi na yon. 

Tuwang-tuwa si Juan, sa wakas ay nakuha na niya ang kanyang parte sa jackpot na higit sa isang milyong dolyar. Ngunit si Juan ay biglang nagbago din ng napasakamay na nya ang pera, araw2x na niya’ng inaaway ang asawa nito dahil ayaw niyang mag ipon sa isang “trust fund” para ma sigurado ang pag-aaral ng dalawa nitong anak. Ayaw din nya e-invest ang pera para sa sarili nilang bahay at negosyo. 

Ang pagmamaktol pala ni Juan ay dahil gusto niyang takasan ang responsibilidad nya sa pamilya nya. Si Juan at ang babaeng barista na testigo nila sa korte ay patagong may relasyon pala, kaya pinipilit na ngayon ni Juan na makipag hiwalay ng legal sa kanyang asawa at ma solo ang pera. 

Habang gulong gulo na ang kwento ng buhay nila mag-asawa dahil sa hiwalayan, si Juan naman ay nabuhay ng marangya, bumili pa ito ng mamahaling sasakyan. 

Ngunit isang araw, habang kinukulit ni Juan ang kanyang asawa na pirmahan ang divorce papers, tumakbo ang asawa palayo sa lalaki para iwasan ito. Sumakay naman si Juan sa bagong sasakyan niya para habulin ang babae, at dahil sa pagmamadali ay hindi niya namalayan na may malaking trak pala na mabilis ang takbo sa kanyang direksyon at biglang naararo ng malakas ang kotse ni Juan.

Si Juan ay namatay dahil sa aksidente na yon. Ang asawa at dalawang anak nila ay namana ang natirang pera ni Juan na nasa isang milyong dolyar pa rin, kasali na ang binipisyo na makukuha ng pamilya galing sa insurance ni Juan.

Uu nga naman, sino mag aakala ng dahil sa mga maling desisyon ni Juan sa buhay nya pagkatapos nya'ng makamit ang pinakamalaking swerte nito ay hindi rin pala nito matikman ang maayos na buhay. Minsan naiisip ko na siguro hindi para kay Juan ang pera, nagiging instrumento lang sya para mabigyan ng maayos na buhay ang kanyang pamilya. Pero kung nanatiling tapat si Juan sa pamilya niya, siguro may happy ending rin sa kwento ni Juan. Sayang.


Tada! At last! Nakapagsulat rin ng isang artikulo na sa wikang Filipino, bago man lang matapos ang Buwan ng Wika na ginugunita sa buwan ng Agosto.

Kaya sa mga kaibigan kung hindi nakakaintindi sa language na ito ay alam nyo na ang inyong gagawin para ito ay masalin sa wikang English. Good luck and enjoy!

Thanks for reading! And, hugs to all for the effort, hehe!


Lead Image by me.

First photo from Patama at Hugot Quotes Facebook Page

Last photo from Tagalog Love Quotes Facebook Page

All Original Content (unless specified otherwise)

08/24/2022

©️ LykeLyca


Write articles and join us! Click read.cash

Make some noise by writing short posts. Click noise.cash

Join us on #Club1BCH Discord Channel


9
$ 2.18
$ 1.99 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Pichi28
$ 0.04 from @DennMarc
+ 4
Avatar for LykeLyca
2 years ago
Topics: Random, Fiction, Filipino

Comments

minsan kasi pag pera na ang isyu nag iiba talaga ang pananaw nang tao...sayang at nasira din pagkakaibigan nila...

sakto ra jud akong desisyon nga di mo taya anang lotto beb

$ 0.00
2 years ago

Oho. Ang ganda talaga kapag Tagalog na ang binabasa ko. Nakakapahinga sa English. Pero ang saklap ng nangyari kay Juan pero ganon talaga, nalabas ang totoong kulay ng tao.

$ 0.01
2 years ago

Last year din na Buwan na Wika nkapagsulat din ako ng isang Filipino article haha! Magiging yearly na cguro toh...

$ 0.00
2 years ago

Oo nga mabilis talaga ang karma. Kaya yung iba na sobra makapang-api, hindi man lang nila inisip na mangyayari din sakali ang ginawa nila sa kapwa at ilang folds pa. Kaya ako kahit galit na, gusto ko pa rin pag-isipan ang mga gagawing hakbang dahil mahirap na makasakit at siguro babalik din sa akin kung ano man gagawin sa kapwa ko.

$ 0.00
2 years ago

Totoo yan. At kung maayos din tayo makitungo sa kapwa natin ay may good karma din na babalik kaya mas maganda talaga.

$ 0.00
2 years ago

Extraordinary Attorney Woo? Ahahha fave ko din Yan biting nga e. And yes I do believe in Karma imbes na stressing ko sarili ko sa mga taong gumawa sakin ng masama pinapasadyos ko nalang sila

$ 0.00
2 years ago

God is just, kaya mas okay na pinapasadyos lang talaga.

$ 0.00
2 years ago

Sa bawat maling gawi na sinadya ng tao at hindi hiningan ng kapatawaran may kapalit na kaparusahan. Sa karma simple lang ang batas . Kung ano ang ginawa mo masama man o mabuti , yun din mismo ang babalik sayo.

$ 0.00
2 years ago

So true!

$ 0.00
2 years ago

Ang galing. Isang makata! 🥰 Ako ate naniniwala ako na may karma talaga. Hindi man mabilis dumating minsan, darating at darating yan.

$ 0.00
2 years ago

Hahah! Medyo mahirap din pala gumawa ng legit tagalog na article hehe!

$ 0.00
2 years ago

OMG I am on this part na sa Extraordinary Attorney Woo. Ito ba yon? Luhh na spoil na ako hahaha. Pero ang karma talaga ay btch, kaya if ayaw ming madapuan nyan wag gumawa ng masama lagim

$ 0.01
2 years ago

Hahah! Nkapanood ka na bah? Gustong gusto ko palabas na toh compare sa Good Doctor na about autism din..

$ 0.00
2 years ago

Kaya dapat talaga natin piliin na maging mabuting tao palagi ma'am lyca. May mga tao kasing umahon lang sa hirap nag iiba na yung ugali. Dapat maging mabuting tao at humble.

$ 0.01
2 years ago

Tama ka sis.

$ 0.00
2 years ago

Oo ma'am lyca. Dapat be kind always.

$ 0.00
2 years ago

Hah! Lingid sa aking akala na pang Buwan ng wika pala ang storyang ito. Nalibang na lamang ako sa kwento pero aminadong dinahan dahan ang pagbasa para tama ang intindi.

Sayang nga. Edi sana naranasan pa ni Juan ang kanyang kayamanan kasama ng kanyang tunay na pamilya...

Pero kamo tingin ko .. yung nagmamaneho ng sasakyang nakapatay kay Juan ay karelasyon din nung misis niya.

Ahhahhah. Hahabol ng ibang anggulo. Ahhaha..

Magandang gabi /umaga dok sis! Nakiliti tuloy imahinasyon ko.

$ 0.01
2 years ago

Aba may plano pa maging director sa palabas ah, plano pa gawan ng additional episode haha!

$ 0.00
2 years ago

Hahaaa diba nakiliti imahinasyon ko eh

$ 0.00
2 years ago