Ugh, hirap magpakabanal. Nakabasa ako ng anonymous post, nakikiapid sa ka-officemate. Kadiri mga adulterer pero mali nga pala ang ganyang thinking. Jesus became man to save us from our sins and teach us how to love our neighbors. Ang mas dapat gawin imbes pandirian pala yung mga makasalanan is ipagdasal na lang sila. Haysss. Alam naman nilang mali ginagawa pa rin nila. Oo mahirap tlga labanan ang temptation lalo na kung mahina ang pananampalataya kay God. Usually pag ganun mas gugustuhin pa ung kasalanan kesa ang Diyos. Anyway, si Jesus noon ang mga kasama nya mga makasalanan sabi sa Bible di ba. Naiisip ko kung sakaling buhay sya now malamang tatambay nga naman siya sa mga bahay o lugar ng mga taong makasalanan. Aguyyy. Iba kasi yun dahil Diyos sya at mas marami siyang alam kesa ordinaryong tao. Pero the fact na ganun nga ginawa nya, God's mercy to sinners is overflowing. If only we can all accept it and change and become better people, Godly people. Sana lang madali maging banal tlga. Pero lahat ng masama malalabanan basta palaging magdasal sa Diyos, magsimba, magkomunyon at magkumpisal ng madalas. Wag kalimutan ang pagrorosaryo na rin. Ang kulang na lang is ung action. To do good works, works of mercy. Madali lang magdasal pero ang actions, ang mga kilos natin... yun tlga ang challenging. Anyway di ako marunong mag-preach and I am not a preacher or cathechist. My words are still direct and harsh. I do not think I can qualify even as one like that. Haha. Oh well. Wala lang. Share ko lang mga ka-noise. Gandang hapon sa inyong lahat. 😁 (Image from Pixabay).
2 comments
The reason why we need to grow spiritually. Ang best teacher sa lahat ay ang Ama at ang anak. Si Jesus natuto sa ama niya kaya mahusay itong magturo. Bilang hindi perpektong tao para maitama ang kaisipan natin, paniniwala at paraan ng pamumuhay lahat ng sangkap para lumago ay kailangang ginagawa natin. Regular na pananalangin, personal Bible study, pagdalo sa mga pulong at pagkakapit sa mga naririnig natin. Ang daming hamon ngayon para hindi ito gawin sa hirap ng buhay at maraming panggambala kaya kailangan ng pagsisikap.
Ay di ko nabasa agad ito. Hehe. Tama masyadong maraming panggulo sa mundo ngayon dahil sa modern technology. Kaya need tlga kumapit lalo sa Diyos. 👍