Di ako umabot sa Fishermall sa pagod ko. Haha. Tambay n lng sa Jolibee. Mahirap pa sumakay kaya mamaya n lng ako uuwi. On second thought, malapit pala Santo Domingo church dito! Aba makasimba nga muna. Haha. Ang saklap kasi pag perstaym tlga ang daming mali. Haha. Kelangan pla tlga ng social case study (SCS) bago makakuha ng guarantee letter sa DSWD, atbp. Luh. So panibagong kuha n nmn ako ng sked nyan. Dapat pala kumuha na ako kanina nung andun ako bago umalis. Babalik na nmn ako dun ang layu-layo. Haysss. So pumunta muna ako sa local district office namin para kumuha ng SCS. Tapos need pa magpa-lab test na naman na isa pa. Walang katapusan na yata ito. Hahaha. Hay naku buhay maysakit sa mundong ibabaw. Ewan ko na lang, kasalanan ko rin siguro kc panay puyat ako at abuso sa katawan. Ayan... hayssss.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
11 comments
Laban lang girl 🙏💕
Tama. Nakakapagod pero 💪 💪 💪 .
Ano ba kasing sakit mo? Pano bang puyat hinawa mo noon?
Ha? Pano'ng hawa? Basta wag ntin abusuhin katawan ntin, di ntin alam anong klaseng sakit lalabas pagtagal. D ko nmn sinasabing pagpupuyat lng dahilan pero kahit mga call center agent may mga sakit sa kaka-night shift.
Anong ginawa mo ba noon kako. Natypo po sorry haha.
Ah ok gawa pala un hehe.
Yup! Naccurious tuloy ako sa narramdaman mo
D p ako ready to reveal. Haha
Nagagamot nmn db?
Oo naman. Bahala na si Lord basta ginagawa ko nmn mga magagawa ko.
Mainam nmn na nagagamot pala.