read.cash Log in
@Lucystephanieseller

Nakakatawa talaga sa Pilipinas. Pag responsable yung tao pinagtatawanan at kinukutya lalo. Haha. Umamin na nga na nagkamali at nag-apologize. Nag-take responsibility tapos tatawanan? Ibang klase tlaga ugali nating mga Pinoy. Ibang-iba na tlga wala nang paggalang kahit kanino. Hayssss. Mabuti nga yung ginawa nya, humingi ng tawad at inako tlga yung responsibilidad dahil nagkamali sya. Mga reaction ng mga tao sa FB puro tawa. Luh. E yung iba dyan, yung ibang mga opisyal ng gobyerno? Lantaran panloloko at panggagago ginagawa di man lang manghingi ng dispensa. Di man lang umamin na gumagawa talaga ng mali. Di man lang i-correct yung mga ginawa o ginagawang kamalian. Tapos sila pa yung gustung-gusto ng mga tao. Ano'ng klase ba namang ugali at utak yan Pilipinas? Di ko sya kilala and now ko lang nalaman na may posisyon pala sya sa gobyerno. Pero if ganyan na marunong umako ng kamalian e hindi dapat pinagtatawanan, bagkus pinapasalamatan at ginagaya.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.