Haysss grabe nakakagalit yung sitwasyon kanina. May umorder sa akin tapos idedeliver dapat today. Ang kaso imbes ipadeliver ng 2 pm inabot na ng 5:30 ng hapon saka lang sinabi i-book ko na. Tapos pinadala sa akin ang payment para ako na magbayad kaso wla nmn ako cash dito. Tapos ang problema sa Lalamove di mgamit ang debit card ko. Nireject amf. So lumipat ako sa Grab, ok sana kaso nung ginamit ko ung Maya para mag-book, wala naman kumuha ng booking! 6 pm n nun ha, dami siguro kasabay na delivery or watever. Haysss. Ang ending, Grab na nag-cancel mismo ng booking kc wlang kumuha. Kaso yung naka-hold na booking money sa Maya di naman ni-release ng system nila automatically. Parang ewan. 🙄😤 Gigil ako knina. Paano mare-rebook ulit sa Grab kung di i-release pambayad? Bihira ko n nga gamitin ang Grab tas palpak pa. Tsk tsk. 🤬 Chat support lang meron sila sa app, kaso until 6 pm lang! Tpos wlang landline na matawagan. Luh. Chinat ko sa FB ambagal din sumagot. Buti na lang yung Maya, kahit bot ang ginamit ko pang-submit ng ticket abt sa problema naayos kaagad at nabalik yung pera. Nakngtinapa kung hindi eh. Tlga nmn sobrang kagigil. So bukas n lng daw ipadala ung order. O di wow. At least malinaw, wla ako kasalanan kung di napadala today. Ang tahimik ng buhay ko eh biglang may pampahayblad na pangyayari kakalokah. 😩💀
No comments yet