read.cash Log in

@Lovehurts

Joined 17 February 2022 · 48 posts

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

L@Lovehurts

•Angas yarn flexing my son• Nung matuto syang mag tricycle eleven years old pa lang sya,tapos now twelve years old na sya,nuong una ayaw ko talaga sya matuto kasi alam ko naman madami na aksidente sa pagmomotor kaso sadyang gusto nya talaga hanggang sa natuto nga sya,kanina naubusan kami ng mineral water kaya sya ang inutusan natutuwa ako kasi sanay na syang tunay. sabi ko na lang di baleng mabagal lang saka need naka focus sa pag drive.. Minsan nag try akong umangkas para malaman if pwde na syang pabayaan sa pag drive base naman sa pamantayan ko sanay na sya talaga pero hindi ko naman pinapayagan lagi at lalayo dito dito lang sya pwede.. Ganyan din ba ang anak nyo guys kapag gusto talagang ipursige nya? #noisypeople #maritea #angas

L@Lovehurts

•Experiment food for tonight• Actually kanina ko pang lunch niluto yan bago ako matengga ng husto sa pagbabantay ng asong nanganganak bale umiral ang aking katakawan so nag experiment ako ng kakain ko bale reebs sya ng baboy pinakuluan ko muna sya particularly kasi alam naman natin na ang baboy is matigas den nung malambot na sya duon kona sya sinangkapan ng oyster sauce,kamatis,bawang,onion,at baby potatoes at saka pala bbq marinade hinayaan ko lang sya matuyo at ayan nga ang itsura nya,kanina ko lang nakain kasi naka-focus ako sa aso at nalimutan kona kumain hindi na ako nagkanin yan lang kinain ko isang piraso kasi binigay ko kay junanak yung isa ang sarap nya next time uulitin ko ulit.. Update sa aso dinala sa vet kasi ang inunan nya still hindi pa lumalabas delikado rin kasi yun kaya dinala na nila to check narin if May baby pa sya sa tummy.. By the way this is my last post for today,tired talaga ako wait ko na lang sila bumalik at papahinga talaga ako.. #marites #noisypeople #tired

L@Lovehurts

•Shuzuka give birth• After kong makaluto kanina bigla akong tinawag ng mommy nya sabi bantay ko saglit at kakain sya not knowing on labor na sya,di naging cooking inang bantay na naman ako ,tapos pansin ko hindi na sya makali tapos para syang naire na ewan hinayaan ko lang tapos nawiwi sya pero nilick nya so sabi ko baka yung tubig na kapag manganganak na ilang oras pa kami nagwait ang tingin ko kasi hindi sya sanay umire kaya decide na ang mommy nya punta na sa vet clinic para ipa CS ang mahal pala nuon 11-15 k daw sabi ko hanoo?at umalis na nga sila pero after 20 minute bumalik na at ayun nanganak na sa kanyang first baby,den mga minuto May kasunod na ulit tapos kanina lang yung pang tatlo feeling ko meron pa kasi balisa pa sya at hindi pa nalalabas yung berdeng kulay na bahay tuta daw yun hahaha may second part pa mamaya ko na lang ikwento mahaba na hahaha.. Hapon na at pagabi na naman ano na naman ang uulanin ng aking mga kaingay? #noisypeople #marites

L@Lovehurts

°Chicken Adobo° Luto na ang chicken adobo na ni request mo my lodskie @mrpeelai haha pakikuha na dito akala mo huh hahaha char, talagang magluluto ako ng adobo today kasi all time favorite ng mga costumer yarn kahit nauugmay na ako hahaha,everyday puro ulam ba naman kaharap ko eh,huwag mo akong pagsasaingin nako po nalimutan kona hahaha puro sa ulam ako nakatoka sila sa kanin 5 years na hindi ako nagsasaing... Share ko lang yung nasa tiktok video Kumain ka ng sitaw para matuto kang bumitaw sa taong ang MAHAL ay hindi IKAW Boom!mapanakit pero May tama naman sya wahahaha.. Happy myerkuletsss ,stay safe mga kaingay ko dito.. #noisypeople #marites #mrapron

L@Lovehurts

•New Baby• Dahil nahiram ang shih tzu ni nanay na lalaki at ginawang breeder ng kakilala ang usapan ay bibigyan ng isang tuta kapag nakapanganak na,kaya nung isang araw nagdala ng isang tuta,wala pang naibibigay na pangalan ang cute cute kulay black sya kita naman diba May bagong baby na naman sila ako si sana all na lang lagi,hahaha taga alaga lang ang peg ni cooking ina as always.. Gabi na naman ano ba ang ganap sa inyo mga kaingay ko nakapag pahinga na ang cooking ina nyo hahahahaha.. Ano kaya ang magandang panooring kdrama? #noisypeople #marites

L@Lovehurts

•Mapapasharon Cuneta kang talaga• As of this moment I'm still busy omg hangdami ko ng pagod hindi na natapos may request pa kasing Shanghai hindi tuloy makakulit ng malupit well after siguro nito saka tayo magkwentuhan ng bonggang bongga pasensya na kayo kay cooking ina,ito kasi ay para sa ekonomiya hahaha. Hapon na naman kay bilis sadya ng araw ano po ang meryenda nyo guys pakipukol po ako haha napakainit pero bet kong magkape.. Of katulong nagbabalot ng Shanghai hahaha Natapos kona nga pala ang ghost doctor super ganda highly recommended po watch nyo guys.. Nag iisip ano kaya next na panonoorin any recommendations? #marites #noisypeople

L@Lovehurts

°Mini pool° Sabi ng second son ko mama ligo tayo mamaya,sabi ko hindi pwede at ako'y mapasma,kami na lang nila apple si( kulot) nako lubayan mo huwag kang mangahas na sinasama sa kabilang bahay para maligo sa pool baka hindi mo mapansin malunod kapatid mo,bakit ba kasi ayaw mong maligo duon mama pwede naman,sagot ulit ako habang naghahalo ng caldereta hindi nga pwede mapasma ako,kasi ikaw mama nagparebond kapa ayan hindi ka nakaligo sa pool,haha ang lukong bata napaka kulit sadya kapag kako ako nagluto hindi pwedeng maligo kagad gusto mong maaga kang maulila?at sumagot pang sadya huwag kana mama maligo kahit ikaw ay bumaho^_^ tawa ako ng tawa super sa kulit aguy,swerte ko talaga malas ng papa nya hindi nya naramdaman ang araw araw kong karanasan sa pag-aalaga ng kanyang mga anak kahit madalas ako na stress sa kanya lang naman lalaki kasi super sa kalokohan hayts tsk.. Busy muna ang cooking ina guys babalik ako mamaya at mangungulit hahaha.. #marites #noisypeople #cookingina

L@Lovehurts

°Goodnight° Dahil ako ay talagang antok na at nalalaglag na ang celphone sa mukha, ako'y mag papaalam na good night sa inyong lahat ng nakaingay ko dito bukas ulit tayo ay magmaritesan hahahahah .. Oh paano mga kaingay tara na tulog na as a friend hahaha sweet dreams sa mga patulog na at sa mga gising pa fighting makukuha mo rin sya char.. Now listening to WALANG LABEL by :bigshock https://youtu.be/5Fc0QAAcWPI

L@Lovehurts

•Bantay Aso• Magandang hapon mga kaingay ko ito po si cooking ina bantay aso lang ang peg umalis ang kanyang mommy kaya iniwan mo na sa akin keep an eye to shuzuka sabi pa kasi malapit na sya manganak kung hindi ngaun sa mga susunod na dalawang araw daw,nakita kanina sa ultrasound na nagdadalang apat na tuta sya pero hindi pa sure kasi hindi daw gaano makita sa ultrasound kaya hindi sya maiwan baka mamaya biglang manganak delikado rin kasi first time nya ito,wala sa plano nadale lang hahaha.. Nagmiryenda na po ba ang lahat?ako'y tamang kape while nood parin ng ghost doctor sinusulit ko dahil nakiki wifi kanina l hahaha dl kona lahat nparag eps na hindi ko pa napanood para deretso ang panonood ko.. Nag drop by lang ako hahaa hindi makakilos gawa ng busy si ako brb later.. #marites #noisypeople

L@Lovehurts

°Doreamon @nd Novita° Ang dalawang bata ay nag aabang sa kanilang mommy and daddy pina ultrasound kasi si susuka gawa ng nayari ni Novita hahahha hindi namin kasi alam kelan nangyari tapos nagulat kami malaki na tiyan ni susuka bale apat sila na husky si bell hindi ko napic pati si susuka tiwala naman ang daddy nila dahil kapon yung isa nilang askal pati si Doraemon,hindi nila expect kasi bata pa naman si Novita pero ang plano dahil nakabuntis sya eh papakapon na din sya.. Nakakawala lang sila labas masok sa bahay ng mga daddy nila kapag sumigaw na ang kanilang daddy tiyak may kasalanang ginawa ang isa sa kanila sobrang hyper kasi nila kaya ayaw paramihin ayaw naman ibenta Sya nga pala si Doraemon is yung kulay black at si Novita naman ay kulay brown. Magandang araw mga kaingay ko medyo nabusy late na naman nakapag-post. May god bless you all from cooking ina hahaha naisingit pa talaga.^_^ #noisypeople #marites #mrapron

L@Lovehurts

•Pabebe gurl• Kanina umuwi ako dito kina josawa dahil two days akong hindi umuwi masyadong nahaling kay ghost doctor at eps 11 na ako haha adik na toh,balik kay josawa nung makita nya kami bakit ba hindi ka umuwi ?para namiss mo ako hahahaha sabay sabi bhelat tara inom tayo,ayaw daw nya so ang cooking ina nagdamdam na wari, hindi ako umimik haha,maya maya sabi nya lutuin mona fishball kukuha lang ako ng mangga oh diba nagtagumpay ang pagiging pabebe ko haha.. Ang ending nalasing alas siete na nagising buti andito kila biyenan ginising ako kasi kakain na sanaols paminsan lang naman kaya hayahay talaga ako.. Mamaya baka manood ako gusto ko talaga malaman ang ending haha. Magandang gabi mga kaingay kayo ano ganap sa inyong Linggo? #marites #noisypeople

L@Lovehurts

•Putok Batok• Isa sa niluto ko today's is si putok batok bakit ba putok batok siguro dahil kapag nasobrahan ka sa pagkain nito eh sasakit batok mo,actually ginawa ko syang sisig pero hindi ko na napic haha natanghali kasi ako kanina,nakatulog ako mahigit 4 am na tapos nagising ako mag seven na hahaha sa tulong ng aking ama ginising ako at tanghali na tulog pa ako,kaka ghost doctor mo yan,sabi ko kay self nag toothbrush lang ako punas tapos timpla kape ayun balat ng sibuyas bawang nagsalang ako ng baboy sa pressure cooker hadalian na kasi hahaha aligaga si Inday kaya heto late post si ako.. Hindi naman ako madamot kaya sa'yong sayo na ako hahaa char.. Magandang tanghaling pahapon mula sa inyong cooking ina.. Be safe enjoy the Sunday.. #noisypeople #marites

L@Lovehurts

°Ghost Doctor° Oh my oh my hahaha ako'y nahumaling kay oppa rain,at heto nga episode 8 na ang cooking ina, usually kapag nanood ako at nagagandahan ako gusto ko tapusin kagad ang kaso yung mata ko kusang pumipikit katulad kanina nasa episode 7 ako nakatulog na ako hahaha dala ng maagang gising late na tulog pero nakapag charge ako baka matapos ko until episode 10 hahaha na excite ako ano mangyayari eh.. Akala ko ghost doctor is nakakatakot hindi pala super ganda nya recommended talagang panoorin sana maganda ang kanyang ending.. Magandang gabi mga kaingay ko,kamusta ang Saturday night nyo? #noisypeople #marites

L@Lovehurts

°COCO MAMA GATA° Iflex ko lang si cocomama gata Dahil sa layo namin sa bayan need meron akong gata na nakastock,minsan bumili si madam nanay ng tunay na niyog kaso ang tagal ko bago matapos magkudkud mano mano kasi sabi ko mudra nauubos ang oras ko sa pagkayod saka kako nahihirapan ako dahil ang dami kong niluluto until bumili sya na ready to use minsan powder pero hindi ko bet ang lasa lumapot lang kasi pero walang lasang gata kaya sabi ko hanap ng iba den ayan nga nakabile sya ng cocomama ang sarap ng lasa bukod sa hindi sya powder talagang ibuhos mo na lang sya try nyo mga ka cooking ina ko legit po lasang gata talaga sya^_^. Medyo antok pa pero need bumangon ng maaga sobrang ganda kasi ng ghost doctor nasa episode 6 na ako nag start ako ng 5 ng hapon yesterday lang kaya ayaw ko mag uumpisa gusto ko tapusin ka agad eh.. Magandang araw mga ka cooking ina ko,at sa mga gwapo magagandang kaingay ko be safe po at have a bless day to all of us.. #noisy #marites #ghostdoctor

L@Lovehurts

°Chicken Afritada° Ito na naman po ang inyong Cooking Ina Flex ko lang ang aking chicken afritada, huwag sanang Maumay sa mga virtual ulam na aking ishinishare sa inyo mga ka cooking ina.. May nagtanong sa akin kung ano ang pagkakaiba ng menudo sa afritada well ang maaaring pagkakaiba nya is ang afritada mostly gawa sya sa manok or manok ang pinaka pangunahing sangkap nya,while sa menudo is baboy naman,ang afritada hinahaluan ng suka para medyo may asim bukod sa tomato sauce or kamatis.. Tips:kung ang ulam ay may suka huwag munang hahaluin kung kalalagay lang ng suka may tendency kasi na mahilaw ang suka.. Happy Friday to all ka cooking ina ko wish you all a wonderful day ahead.. #noisypeople #marites (Four)

L@Lovehurts

°Huhu HUMBA° Nagbabalik ang inyong cooking ina,na super sa ingay sorry kaagad duon sa maingay Share ko lang si huhuHumba request naman ni madam mudra,after kong mataga sa desire na laki akin na itong hinugasan mabuti nilagay sa kaldero tinimplahan nang toyo,suka,asukal,paminta,oregano,star anis,dahon ng laurel,at pampalasa saka ko isinalang sa kalan kataong lumalambot sya anduon na lahat ng flavor nya,kapag nakuluaan na dagdagan ng water para hindi matuyo ang sabaw kapag malambot na tikman at dagdagan ng sahog kung kulang pa at hayaan kusang lumapot ng kaunti ang sabaw or sarsa ganyan ako magluto ng humba guys kayo po ba paano magluto ng humba? Mamaya magbabalik ang inyong kacooking ina busy muna luluto muna he-he-he Tips:kung nakaluto kana magtabi Kana agad ng ulam mo,kasi pag nagkasarapan wala kang matikman hahaha #noisypeople #marites

L@Lovehurts

°Okoy ba kayo dyan?° Nagluto ako ng okoy (karamba) Ito yung kalabasa na ang hiwa ay pahabahaba Naka prepared na nahiwa na ng anak ko kahapon kaya ang gagawin ko na lang ay timplahan tapos saka ko iluluto.. Naglagay ako ng sibuyas,bawang,celery syempre kailangan pino sila,tapos nilagyan ko din ng harina isang pirasong egg,paminta salt at kunting pampalasa saka ko sya hinalo muna bago lagyan ng tubig tapos nung mahalo kona add water na unti unti lang kasi baka masyadong malabnaw hindi sya mabubuo at nung nakita kong ayos na akin ng pinirito kada isa ang nakalagay na hipon dalawa or tatlo kasi 20 pesos each lang ang benta namin.. Tips: sa pagluluto kailangan nakalubog sya sa oil para maganda ang pagkaluto nya hindi sunog at painitin muna ang oil bago ipirito.. Magandang araw mga kamarites ng cooking ina nyo^_^ #noisy #marites

L@Lovehurts

What's up madlang kaingay Nagbabalik ang cooking ina nyong kaingay Kung gusto mo ng jowang hot,humanap ka ng may lagnat hahaha akin lang nadinig Yun. Hindi ako hot pero sa lutuan ng ulam ako ay papalag. Hindi ko hilig ang magluto pero dahil para sa ekonomiya go lang si ako haha para sa family kasi iyun noh. Pakiusap ko sayo huwag ka nang magbabalik dahil ang puso kong ito meron ng ibang iniibig. Have a good day sa lahat Sana ay lagi kayong mag-iingat.. #mrapron #noisy #marites