read.cash Log in

@Louise1478

Joined 8 July 2020 · 61 posts

A profound reader who finds true meaning of things

120 KT

0 KT · 6¢ received · 0 KT given

Posts

@Louise1478

Meryendang Pangkabuhayan Likas sa ating mga Pilipino ang pagkain ng mga minatamis at pagluluto ng mga iba't ibang pagkaing kakanin kagay ng puto, kutsinta, pitchie pitchi at iba pa. Hindi lamang sa mga karatig probinsya at sa ibang rural na lugar, mas madami na rin ang gumagawa ng mga ganyang pagkain dito sa Maynila. Ito ay isa lamang libangan ng ilan, subalit karamihan ay naisipan itong gawing negosyo, lalo na sa mga panahong ito ng pandemya. Isang pamilyang malapit sa akin ang nagsimulang mag negosyo buhat nang mag lock sa kamaynilaan. Volleyball coach ko sya nung ako'y High school pa lang at yan na ang kanyang trabaho hanggang ngayon. Nangamba ang kanyang pamilya na dahil sarado ang mga paaralan, ay lubos na maapektuhaan nag kanyang trabaho. Kung kaya naisipan ng kanyang asawa na magbenta ng kanyang mga lutuing pang meryenda na sa tuwing may handaan lamang sa knila namin natitikman. Tunay na masarap nga naman ang kanyang mga puto at kutsinta. Lalo na ang kanyang biko espesyal at leche flan. Nasubukan kong mag order ng kaunti para lamang sa aming pang meryenda. At hindi nagtagal ay nagpa order na din sila sa knilang mga kapitbahay at mga kakilala. Ito na din ang kanilang ikinabubuhay sa ngayon. Dahil bawal ang mga training ng sports kagaya ng volleybal, ay wala ding kita nag aking coach. Mabuti na lamang at masarap magluto ng biko, puto at iba pang kakanina ang kanyang may bahay. Natutuwa ako na nkakaraos na sila kasama ng kanyang apat na mga anak. Hindi ko nahiligan ang kumain nang kakanin. Pero nung natikaman ko ang best seller nyang biko at pitchi pitchi, napa 'WOW' ako sa sarap. Pwede nyo ding subukan. Hindi kayo magsisisi. Masarap talaga at nakatulong pa kayo sa kapwa. Yan ang meryendang naging pangkabuhayan na nila ngayon.