read.cash Log in
L@Loreign edited more from that month

Ang masungit na boss

Nag masakit ang aking ama ay ako lang ang inaasahan at ng aking kapatid. Kaya kailangan kong kumilos, Ang hirap sa panahon ngayon. Ang hirap mag hanap ng trabaho. Bukas aalis ako at mag hahanap ng trabaho, kailangan ko tulungan ang aking kapatid at tatay na may sakit, Kinabukasan..... "Sana matanggap na ako sa trabaho na ito," tanging hiling ko. "Tsk." Napadilat ako ng mata at napalingon sa lalaking nakatayo sa kabilang balcony. Hindi siya nakatingin sa puwesto ko pero pakiramdam ko kanina pa siya nakikinig sa mga kadramahan ko."Kalalaking tao, napaka-tsismoso." Napatalon ako nang bigla siyang lumingon sa akin. Nagtama ang mata namin pero mabilis din akong napaiwas."Your voice is so loud even when I'm in the bathroom I hear it.""Aba! Hindi ko kasalanan na pinalunok ako ng megaphone ng parents ko." Napakunot naman ang noo niya."Really? Did your parents do that?" Napakurap ako ng ilang beses sa naging tanong niya. Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa sa kaniya. Napakamot ako ng ulo ko at sumandal sa railings ng balcony."Alam mo ba ang joke?" tanong ko. Lumapit siya ng kaunti at nilagay ang kaniyang kamay sa bulsa."Is that edible?" Matatawa na sana ako sa naging sagot niya nang magsalita pa siya. "Of course I know, but the word joke is not in my dictionary, because I'm a serious person." Tinitigan ko naman siya mula ulo hanggang paa at napanguso. "Seryoso raw pero nagagawang magloko," nakangisi kong bulong sa sarili ko nang maalala ko 'yong mga ginawa niya sa mga kasama niyang babae."Coming from you," sagot ko. Magsasalita pa sana siya nang may tumawag sa cellphone niya kaya hindi niya ng makipag-talo sa akin at pumasok sa loob ng room niya. Kahit naman ako hindi rin ako magpapatalo sa kaniya. Hanggang sa. Nag hihintay ako ng tawag ng isang secretary para sa interview... "Hayss gutom na ko. Mukhang marami pa sila. Ang haba pa ng pila" Lumipas ang ilang minuto. Ayan malapit na ako. At sa sandaling iyon ako na nga ang tinawag. "Miss myla!" Tugon ng secretary... Yes mam ako po! Isang lalaki ang nakita ko nakatalikod na tila may kausap sa telepono. At ng mabosesan ko. Sya nga. Sya nag ung aroganteng lalaki kanina. Napasimangot ako. Napaisip na wag sanang sya mag interview sa akin. "Nahihiya kong bulong sa aking sarili" Hanggang sa "miss myla" Yes sir im myla, habang nakatungo ako at nahihiya. Ohhh ikaw. "Yes sir," So nag aaply ka pala. Kailangan po! Tugon ko.... Maraming tanong maraming sagot, hehe siryoso nga syang tao. At di ka pwede mag biro sa kanya. Natapos ang interview ko ng di man lang sya napangiti habnag kausap ko. Miss myla. Ika ng secretary nya. Tawagan ka nalang miss pag natanggap ka. Ok mam. Salamat po. (Myla) To be continued... Mahaba na. Next articles uli guys. Salamat sa pag babasa 👍

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.