Ama
May isang ama na nangarap umasenso, makapagpatayo ng bahay, makapagtapos ng pag-aaral ang mga anak at makapagnegosyo balang araw. Dahil sadyang mahirap ang buhay dito sa Pilipinas, naisip niyang mag-abroad na lang. Hulyo 2018, Nakita niya sa fb na hiring ang South Korea, pero dapat mag-aral muna ng hangul. Dahil desidido siya na makapag-abroad, ang kalahati sa suweldo niya ay ibinayad niya para makapag-aral ng hangul. Kahit mahirap, pinagsabay niya ang pag-aaral, pagtatrabaho at paglaan ng oras sa mga anak at sa asawa niya. Hindi naging madali ang pag-aaral niya, dahil talagang mahirap pag-aralan ang lenggwahe ng mga Koreano. Isa pa sa nakakapagpababa ng kumpiyansa niya ay ang mga negatibong sinasabi ng ibang kamag-anak at kaibigan niya. Pero naisip niya, Bakit siya magpapaapekto sa mga sinasabi ng iba? May pamilya siyang sumusuporta sa kanya. Sapat na dahilan na yun para pagsikapan pa lalo ang pag-aaral niya at para mapatunayan din sa iba na tama ang desisyon niya. Hunyo 2019, Dumating ang araw na mag iexam na sila sa Poea, kailangan maipasa nila ito para makapagpatuloy pa sila sa tinatawag na Skills test, doon ay kakausapin sila ng mga Koreano. Naipasa niya ang unang exam, sulit ang tatlong araw na hindi niya pagpasok sa trabaho. At dahil dito, kailangan pa lalo tutukan ang pangalawang exam, ang Skills Test. Mas mahirap ito dahil may assemble na gagawin, pagpapakilala sa sarili sa salitang hangul, interbyu ng Koreano atbp. Salamat sa tulong ng Paaralan dahil tinutulungan sila sa mga kailangan nilang gawin. Bago ang Skills Test, siya ay nagpaalam sa pinagtatrabahuan niya na liliban siya ng isang linggo upang mapaghandaan ang exam. Oktubre 2019, Kabado siya nung araw na yun dahil hindi biro ang mga katanungan na natapat sa kanya, meron siya di nasagot sa interbyu, at meron din siyang mali sa assemble. Bawat mali ay may nababawas na puntos, kaya ang nasa isip niya ay di na siya papasa. Kaya kinagabihan, dinaan niya sa pag inum ng alak at iniyakan niya talaga dahil ang akala niya ay bagsak na siya. Nung araw na naglabas na ng anunsiyo ang Poea kung sino ang nakapasa ay sobra ang kaba niya. Alam niyang bagsak na siya kaya ang asawa niya ang pinatingnan niya ng iskor niya sa exam. Natuwa ang asawa niya sa nakita, at sinabi sa kanya, "Pasado ka Dadhie!!" Sa sobrang tuwa niya, napatalon siya at napayakap sa asawa at mga anak niya. Dahil sa wakas matutupad na din ang isa sa pangarap niya. Mabilis ang naging proseso sa kanya dahil isa siya sa napili ng employer sa Korea. Nobyembre 2019, nagdesisyon siyang magresign sa trabaho para asikasuhin ang mga kailangang dokumento sa Poea. Isang buwan lang naka iskedyul na siyang lumipad patungong South Korea. Disyembre 04, 2019 nakarating siya sa Korea. At laking pasasalamat niya sa Panginoon dahil maganda at maayos ang kumpanyang napasukan niya. Patuloy pa rin ang komunikasyon niya sa asawa at mga anak niya, araw araw nakakausap niya ang mga ito. Kahit malayo siya, alam niyang may patutunguhan ang pagsusumikap niya. Makakaipon na siya at mabibigay niya na ang pangangailangan ng pamilya niya. At unti unti, makakaahon din sila sa hirap at matutupad din ang mga pangarap niya para sa kinabukasan ng pamilya niya. Para sa lahat ng mga Haligi ng Tahanan, Happy Father's Day sa inyo!! Maraming Salamat po sa makakabasa nito. Ingat po tayong lahat ๐๐
28 comments
ayun ang ganda gaw. sana mabasa to ni lei.
Ahahaha salamat gaw.. Dyahe isend sa kanya, di naman siya member dito hahahaha
ahahahaha....may ginawa ako. gaw,alam na yan ni lei๐คฃ๐คฃ๐คฃ๐คฃ
Wahahahaha hindi nga? Alam na niya?๐๐๐ wala pa binabanggit yun eh ahahaha
hahahaha...alam nya na yan gaw๐คฃ๐คฃ๐คฃpero di ko sinabi na dito mo yan sinulat sa read.cash๐ naproud ako bigla kanina nung nabasa ko article mo,kaya naisipan ko ipabasa sa kanya. haha
Nyahahaha salamat gaw.. Naluha ako ahahah ๐ญ๐ญ masarap sa pakiramdam masabihan ng proud hehehe
hahaha...mas nakakaproud pa nga yung pagiging ina mo sa mga bulilit mo gaw eh. lalo na wala si lei ngayon,mag isa ka lng. ang hirap ng ginagawa mo pero kinakaya mo. masasarap talaga sa pakiramdam yung may taong proud sayo gaw๐
Ano ba yan gaw ang aga mo magpaiyak ๐ญhahahah nagagawa ko na panglalaking gawain dito gaw haha nagiging tubero, karpintero, electrician ako dito sa bahay hahaha๐
haha...magtataka yang mga bulilit dyan gaw,aga aga mo umiyak๐ yan talaga yung mga nakakaproud sa isang ina. sana makita yun ng mga asawang lalaki kung gaano kahirap maiwan sa bahay.
Buti na lang tulog pa mga bata hahaha ๐ Tama gaw, maappreciate man lang sana nila un effort na ginagawa ng mga housewife. May iba kasing mga lalaki ang manhid haha di nakikita mga ginagawa ng asawa para sa kanila.
haha...nakatulogan ko na kagabi mga comments๐ naku! madamu yang mga mister na ganyan gaw,sasabihin pa ang dali lng dw ng trabaho ng mga babae.
Ahahaha naaabutan kasi ng mga mister ung time na nagpapahinga na mga asawa nila, kaya di nila nakikita na tapos mo na mga gawain sa bahay at yun pa lang ang oras na makakapagpahinga ka hehe
hahaha....oo nga gaw,taz pgkadating nila kung mkapag utos pa sa mga asaea nila akala mo sila lng yung pagod. hahaha๐๐๐
Nyahahah ganyan ba ex mo?๐๐ buti sakin may pagkukusa di na pagsisilbihan hahaha ๐
di ko sinasabing ex ko yung ganun gaw. pero parang ganun na nga. hahahaha๐ isa ka sa mga maswerting misis gaw kasi may asawa kang ganyan.
Ahaha buti na lang ex mo na gaw hahaha di na ko gumigising ng madaling araw pag papasok un sya sa work, sya na kusang nag iinit ng tubig, nagkakape, naghahanda ng gamit nya haha taga luto lng ako pag kakaen sya haha
buti nalang talaga gaw ex na. thank you Lord. hahaha.... kaya swerte nyo pareho sa isat isa gaw.
Ahaha buti na lang talaga wala na si Ex hahah ๐๐ kahit mga bata gaw marunong din ๐ kusa din silang kumukuha ng mga gamit nila, di na nagpapababy hehe
hahahaha...buti nlang talaga๐๐๐ nakikita kasi nila sa inyo kung ano ginagawa nyo gaw kaya ginagaya nila. mga bata kasi kung ano yung ginagawa ng mga magulang yun din sinusunod nila.
Kaya nga gaw hehe pagdating sa ganyang gawain independent sila hehe maarte lang sa pagkaen hahaha ๐คฆโโ๐
mabuti yang ganyan gaw,kc pag busy ka di mo na kelangan isipin sila. kc marunong na sila gumawa sa sarili nila. haha...gnyan mga bata gaw,mapili sa pagkain. yung dalawang bulilit ko din. mga pasaway,pag gulay yung ulam,ayaw magsikain kasi damo dw๐๐๐๐
Ahahah mana mana lang gaw, mga takot sa gulay hahaha kilala lnag nila patatas, carrot, sayote, yung mga madalas makita hahah ๐
kaya pala ang tahimik mo sa gruop kanina kasi may pinag iisipan ka. hahaha
Ahahaha bigla ko na lang ito naisip gaw, napakwento na lang ako, kusang gumana utak ko kagabi hahaha iba na natatype ko eh, biglang ganito hahaha ๐๐
hahaha...ganyan yan gaw,at mas mararamdaman din ng mga taong babasa ng article mo kasi halatang galing talaga sa dibdib mo yung kwento eh.
Nainspire ako sa mga post mo eh hehehe ok naman pala nagawa ko, may idudugtong pa sana ko kaso napakahaba na nun haha ipart 2 ko na lang kaya?hehehe
haha....pwde rin may part 2 gaw. haha... gumawa ako nung kwento about kung gaano ako kaswerte ky papa. may idudugtong pa din sana ako nun,kaso naiyak na ako. kaya tinapos ko na din. hahaha
Ahahah ang hirap na magkwento pag naiiyak na eh hehe nagiging emotional na ๐๐