read.cash Log in
L@LittleSister

@LittleSister in June 2021

L@LittleSister

Good morning. First day of June. Sana masaya tayong lahat. Kahit maraming di magagandang nangyari satin sana masaya parin. Ano tawag sa ganitong bulaklak po ng gumamela? Doble doble po siya na parang magkakapatong. #Photography

L@LittleSister

The beautiful bougainvillea flower. Kinuha ko sa kapitbahay. Tinalon kopa grabe mamulaklak. Angganda ng kulay. Nakakaattract siya. #JUNE #FIRSTDAY #FLOWERS #Photography

L@LittleSister

Sikat na gulay ng mga ilocanos. Ang (Himbabao) kung tawagin dito sa amin ay (Alukon) Masarap ang talbos po nito isahog SA MGA buto gaya ng munggu at sitaw. Pero mas gusto ko yung solo siya tapos may inihaw na manok na sahog niya haha. Dalawang klase dito saamin ang ganitong puno. May pahaba ang bunga o bulaklak at may pabilog. Kaya naman tinatawag ang mga ito na babae at lalake din. Nakatikim naba kayo ng ulam na may talbos ng alukon? #Photography

L@LittleSister

Good morning. Hindi na ako nakapag online kahapon. Kakauwi lang namin galing lamay. Sobrang higpit din kahit sa lamay bawal walang faceshield at face mask. Yung iba namin kamag-anak hindi makakauwi para makita ang lola namin kahit sa huling sandali. #RandomThoughts

L@LittleSister

Lumang bahay. Sobrang dumi na pinamahayan na ng gagamba, daga. Angdami ng nakatira dito haha. Gagawin nalang siguro tong imbakan ng mga pagkain ng kalabaw. Baka may ahas na din dito sa loob. Kamalig #Photography

L@LittleSister

First time ko makapagbigay ng ganito kalaking heart tip. Half dollar. Angsaya. Sana all talaga. #NoiseCash

L@LittleSister

Bubuka ang bulaklak papasok ang reyna haha. Gumamela ulit. Ganyan nalang sana noh hihi. Angcute pag ganyan. Mamaya pag buka niyan may mga paro paro na. Mine

L@LittleSister

Ganyan talaga ang buhay parang life. Minsan sometimes halimbawa for example ang baby ay sanggol. Kung hindi mo maintindihan you didn't understand. Hahaha. Lt Ctto #Jokes

L@LittleSister

Hindi naman halatang umaambon hihi. Sana lakasan niya umulan para lumamig naman kahit konti. Inaantok pa naman ako pero paano ang init eh. Maligo sana ako kaya lang baka mabasa ako haha. #cagayanriver Photo mine #Photography

L@LittleSister

Yung antok na antok na ako pero hindi makatulog kahit nakahiga na. Bakit kaya ganon? Sumasakit tuloy ulo ko. Gusto ko matulog eh.

L@LittleSister

Flex ko lang ml ko. Pang malakasang miya naman hehe. Puro nga lang classic haha. Main hero ko kasi puro marksman. Layla at miya. #skl #Games

L@LittleSister

Pupunta nanaman kaming lamay ni kuya haha. Ewan ko lang kakayanin ko tong antok ko kung hindi buhat pauwi bagsak ko mamaya hahaha. Bawal pa naman matao don. Walang libangan. Kahit baraha lang sana para pusoy dos haha. Good evening. #NoiseCash

L@LittleSister

Moon moon moon. Angdilim dito sa kalsada. Nakakatakot pero wala naman akong takot haha. Madaling araw na. Nawala antok ko. Kanina antok na antok ako eh. Bawi ako ng tulog bukas. Kayo po ano ginagawa niyo? #Photography

L@LittleSister

Good morning. 10 am na pala. Madaling araw na ako nakatulog. Iba talaga pakiramdam ng puyat kahit kumpleto ang tulog at tanghaliin gumising. Medyo masakit ang ulo, mahapdi ang mata. Tara po kain Tayo. Almusal ko palang. #MyLife

L@LittleSister

Sa buwan na to wala parin nagbabago sa price ni bch. Tignan natin sa kalagitnaan ng june hanggang july. Gusto ko pa naman sana magcash out. Kaso sayang talaga eh. Halos kalahati ang binaba sa ipon ko. #CryptoTrading

L@LittleSister

Manggang kalabaw. Trip ko talaga kumain ng mangga. Mas favorite ko ito sa lahat ng mangga. Tawag namin dito pag may medyo dilaw na ang laman (mara-itlog). Mas masarap na kasi kainin. Kamanggaan. Galing pa pong bundok yan. #NoiseCash

L@LittleSister

Tignan niyo po itong cactus ng kapatid ko. Napaka-cute angliit pero angdami niya pong tumubo na sanga sanga ba niya yan? Angkapal na na niya. Dati straight lang siya eh pero after 1 year na siguro nagkaganito na siya. Lalo gumanda. Pero sana mamulaklak siya. Namumulaklak po ba ito? Photo is mine #Photography

L@LittleSister

(Patani)(Lima beans) pinitas ko kanina don sa may bakod. Hiningi ko sa kapitbahay. Panghalo ko sa talbos ng kamote mamaya. Photo is mine #NoiseCash

L@LittleSister

Anong puno po ito? Anglalaki ng mga dahon. Ito ba yung tinatawag na (pakak) na yung bunga ay parang langka? Yung masarap po sa gata. Photo is mine #Photography

L@LittleSister

Nandito ako ngayon sa tabing ilog (cagayan river) napasarap po ng paglalaro ko sa ml. Madilim na pala. Angganda pag nag-aagaw ang liwanag at dilim. May asul na kulay. Pag-uwi ko magluluto pa ako. Kailangan kona umuwi. Kayo din po magluto na.

L@LittleSister

Kung pakiramdam mo nag-iisa kana. Subukan mong patawanin sarili mo. Pilitin mong alalahanin yung mga masasayang oras niyo. Wag sa jowa ah. Alam kong ayaw mong maalala yun haha. Joke. Gandang madaling araw po sa atin. Matutulog palang ako. #NoiseCash

L@LittleSister

Natutuwa ako dito sa tuta kagabi. Around 3:30 am kaninang madaling araw nakita ko itong tuta. Humiwalay sa mga kapatid niya habang dumedede sila. Ito naman nakatihaya haahaha. Naiinitan siya. Angsarap ng tulog niya habang nakatihaya. Hindi pa yan nakakadilat ang mata. Wala pa silang one month. Photo is mine

L@LittleSister

Gagawa daw kama si kuya para may mahigaan kami sa dito sa labas haha. (Katre). Bukod sa malamig sa likod ang kawayan fresh pa pakiramdam pag nakahiga ka dito. Lumulusot sa baba yung hangin. Mapapasarap tulog ko dito pag tapos na hehe. Kainan na po tanghali na.

L@LittleSister

Try to find new friends and leave the rest that don't really need you. English pa self hahhhah.

L@LittleSister

Hindi naman mahalaga kung gaano karami ang kasalanan ng isang tao. Wala yan sa bilang. Ang mahalaga ay yung nagbalik loob ka sa panginoong diyos. Gandang hapon po. Godbless us.

L@LittleSister

Hindi ko alam kung ano to pero buto to o bunga ng punong kahoy. Search via google lens pagong naman yung lumabas hahaha. #NoiseCash

L@LittleSister

Naglalaro yung mga kalabaw langoy pababa. Sinusundan nila yung agos ng tubig kasama anak niya. Nakawala sila hihi. Mainit kahit mahangin dito sa tabing ilog. PCTM #Photography

L@LittleSister

Noong nakaraang buwan bilang lang yung bunga niya eh. Ngayon angdami na pala. (DALANDAN) Tatlong puno po ito magkakatabi pero yung dalawa lang ang namumunga. At itong nasa picture lang pinakamarami bunga. Dahil hilaw pa sobrang asim pa niya. Tanim po ng tito ko ito (Photo is mine)

L@LittleSister

Nakakamiss yung pagkain na (arrarawan) isang uri ng insekto na nasa ilalim ng lupa. Malinamnam. Para kasing may gatas yun sobrang sarap. Love love ❤️ #PadulasNaMaligalig

L@LittleSister

Noong Thursday June 3 2021. Nanood kaba ng ang probinsyano sa cinemo channel 36? Nag react din ba kayo nung tinamaan ni Cardo si Diego? Dito sa bahay halos lahat nagreact. Si mama nga Sabi (ayon tinamaan si Diego) #FPJAP #Philippines

L@LittleSister

Stick to 32k talaga siya. Naghihintay sa pagtaas niya. Parang yung jowa mo. Minsan malaki pagmamahal at pagtitiwala mo sa kanya. Minsan hindi. Parang bch pag lumipad iiwan kana. Pupunta na siya sa moon hahah. ❤️ #CryptoTrading

L@LittleSister

Hello noisemates. Tulungan niyo ko magputol ng alambre hehe. Masakit pala sa kamay haha. Di ako sanay eh. Si kuya kasi. #Club1Bch

L@LittleSister

Hindi siguro ako makaka online ngayon hapon. Busy na ang inday. Kailangan ko muna tumulong. Ingat kayo ❤️. Miryenda na muna kayo.

L@LittleSister

Magagandang pakinggan yung mga kanta na may story ang dating. Kagaya ng mga kanta ni Freddie Aguilar. May kwento na habang pinapakinggan mo tumatagos sa damdamin. #DidYouKnow

L@LittleSister

Ramdam ko ang lamig nung bumuhos ang ulan habang tulog ako. Parang tuloy nanaginip ako na nung giniginaw ako kailangan ko ang yakap mo pero iniwan moko. Hahaha charot lang. Good afternoon po. Kagising ko lang napagod yata ako.

L@LittleSister

Balak ko mamasyal sana sa Sierra madre. Don sa kagubatan. Sabi ni kuya (Hindi ka pwede don. Wag mong susubukan masisira ang buhay mo). Hahha wow duterte ah. Pero may pahabol (skin) pala yun haha. Dami daw linta don na nakakapit sa mga puno. Totoo po ba? Sa gubat yung mga linta sa mga puno tumatalon daw yun pag malapit sayo.

L@LittleSister

Scrambled egg with kuryat. Yan po ay insect sa bukid. Uso ngayon dito sa amin iniilawan nila pag ganitong oras na maraming tao na sa bukid para manguha ng kuryat. Angsarap po nito kaya hinalo kona sa itlog. Yung kalahati pulutan ni kuya tapos yung kalahati papakin kona hahahaha. Super adik po ako sa mga exotic foods kaya kung makakapag asawa ako ng katulad ko mabubuhay na niya ako di gugutumin hahaha. Joke lang po. Malay natin ❤️ Isang baso lang po niyan 50 pesos ang price.…

L@LittleSister

Araw araw gabi gabi halo halong emosyon naman ang nararamdaman natin. Sa loob ng isang araw sa mga nakikita at naririnig natin, nandiyan ang masaya napapatawa ka kinikilig kapa nga eh. Nandiyan din yung lungkot pag nakakakita ka ng nasasaktan at umiiyak pati ikaw nahahawa din na tila gusto mo din maluha at umiyak. Nandiyan din yung pag may nag-aaway nandiyan na yung naawa ka sa isa tapos galit ka naman sa isa kasi sobra na. Marami pa yan hahaha. Walang tao sa mundo ang…

L@LittleSister

Napapansin ko dito sa noise marami yung nawawalan ng pag-asa at di nasisiyahan sa new update ni noise. Noong 2020 nandito na ako. Noon? Para sabihin ko kinikita ko sa isang araw 5 pesos. Mas mahirap kumita non kesa ngayon. Pinakamalaking nakukuha ko noon? 12 pesos. Halos kulang pa sa pinanloload kong 50 pesos every 3 days. Pero ok lang. Atleast konti lang kulang. Kumbaga konti lang hihingiin ko sa mama ko noon na pandagdag. Ngayon mas mataas halos maabot niyo 1 dollars sa…

L@LittleSister

Goodnight Philippines. Goodnight world. Goodnight to all of us. Tulog na po ako. Napuyat na ako kakaisip sa crush ko. Sana all haha. Kakatapos ko lang manood ng girls from nowhere. Angganda ng tawa ni nanno noh? Gayahin ko sana baka mabatukan nanaman ako kay kuya. Hahaha ❤️

L@LittleSister

Grabe napuyat ako kagabi. Naranasan niyo ba yung angsarap ng tulog tapos bigla biglang para kang nahulog? Pero hindi naman. Mapapabalikwas ka lang. Nasuntok ko tuloy panga ni kuya hahaha. Pati siya nagising haha. Tagal ko ulit nakuha antok ko. #RandomThoughts

L@LittleSister

Done na ipatayo tatlong poste 😍. Isa po ako sa naghalo niyan hahahaha. Kaya ko ata mag work ng construction. Kunin niyo na ko haha. Pakonti konti lang matatapos ka ding bahay ka. Sunod pader naman hehe. #bahay #NoiseCash

L@LittleSister

Kawawa naman ang halaman na to. Natutuyot na sa init. Nadidililigan naman siya pero hindi sapat. Mahina ba talaga siya sa araw? Kailangan naisisilong siya? Hindi naman yan mamamatay pero sira na yung dahon niya. Photo is mine

L@LittleSister

Gabi nanaman. Malamig ang hangin. Fresh. Pwede na ulit maligo para matanggal yung libag maghapon haha. Masaya ba buong araw niyo? Ako masaya kahit pagod. Magluto na po kayo ❤️.

L@LittleSister

Sarap pakinggan yung kantang to sa mga nakainom. Lt yung tune sabay tawanan hahaha. (Palayupuy a kalalamiisan Sabsabung a kababangluwan Oh ading, ipul-uy mo man ditoy pusok barukong ko't mabang-aran) Tapos sasabihan akong "hoy ading kadalaga mo nandito ka sa inuman uwi kana" hahaha luh di naman ako nakikiharap eh nakikinig lang naman ako ng kanta nila saka binabantayan ko kaya kuya ko baka maligaw pag lasing hahaha. Ilocano songs. May ilocano po ba dito? Ganda diba?

L@LittleSister

Hindi ko alam kung anong meron ang pag-uugali ng bawat isa sa atin pero ang mandiri ka sa nagbibigay ng buhay sa karamihan ay hindi pwede yan. Katulad ng nagshare sa post na ito sa facebook. Mas nakakadiri pa ang ugali. Ok ganito, sabihin na natin troll lang ang post na ito. Pero ang pagkain kahit kailan hindi kailangan pandirian. Kung ayaw mo o hindi kapa nakakaranas makatikim niyan kasi mapera ka eh sarilihin mona lang. Wag mona pandirihan at idamay ang pagkain ng isang…

L@LittleSister

12:01 am. Gising pa ko. Pero time to sleep na kasi inaantok na ako. Bukas kasi excited ako sasama daw ako ni kuya mangisda hahaha. Pero sana hindi na maulit yung kagabi na angsarap ng tulog ko para akong nahulog. Sa gulat ko nasuntok ko sa panga ang kuya ko hahaha. Buti nalang di gumanti haha. Cute ko daw kasi maganda pa 😍. Good night friends. Tulog na din po kayo. #RandomThoughts

L@LittleSister

Sa wakas nakapag layout na din sila ng hollowblocks ❤️. Kahit apat lang kami hahahhha. Masakit pala sa kamay sobrang hard nung hollowblocks 😂. PCTM. bahay namin. #NoiseCash

L@LittleSister

Sakit ng muscles ko pati balakang ko kakapala ng semento at buhangin matapos lang yung bahay hahaha. Baka magmuka akong lalake sa lagay na to abaaaaaa matatakot na mga manliligaw ko 😔. Haha. Good afternoon po. Kakapagod. Tara kape po 😍

L@LittleSister

Nasa pagsisikap ang ginhawa. Hindi yung kain tulog ka. Kung titignan mo ang gawaing mahirap hindi mopa nasusubukan suko kana agad. Paano na ang buhay mo? Bakit ko naitanong? Paano na kapag mag-isa kana lang sa buhay sino tutulong sayo? Maraming kasagutan yan kung iisipin mo. Don mo marerealize na kailangan kong magsikap para sa kinabukasan ko o kinabukasan ng mahal mo sa buhay. Pananaw ko lang naman po just sharing.

L@LittleSister

Laugh trip si kuya hahaha. Uutusan ako bumili ng gin (bilog). Sabi ko (ikaw na sakit na nga balakang ko eh). Sagot niya (sige na bilhan kita jowa mo bukas may kasama pang date sa river side haha. Umay bahala siya. Sila iinom eh sila bumili hahaha. Corny ng joke 😂. #RandomThoughts

L@LittleSister

Kahit gaano pala tayo kagaling mag ingat kung pera na usapan nalilinlang parin. #NoiseCash

L@LittleSister

Baka may balak kapang bumaba hanggang 10k bch. Nahiya kapa eh haha. Don't be shy haha. #CryptoTrading

L@LittleSister

Tapos na rin. Makakapagpahinga na ako haha. Mabuti nalang may alam ako konti kahit maghalo lang 😂. Pwede na po ba ako magwork sa construction? Kahit 150 nalang daily para hindi pabigat hahaha. #NoiseCash

L@LittleSister

Kawawa naman kalabaw ng kuya ko. Nagtitiis araw araw sa tuyong balat ng mais. Wala na kasing mapagkuhanan ng sariwang damo. Natuyot na lahat. Malawak naman sana sa bukid pero natractor na lahat. Sobrang linis. Nakakalungkot naman. Naaawa ako. PCTM.

L@LittleSister

Napasarap tulog ko sa duyan kahit sandali lang. Inaantok parin ako. Dahil siguro sa pagod ito. Kakain na ko. Kumain na din kayo po. Good evening. #NoiseCash

L@LittleSister

Thank you lord umulan na rin. Sulit na ang paghihintay namin sa ulan. Anglakas may kulog pa. Lumamig na rin sa wakas. Nadiligin mona ang uhaw na lupa. PCTM

L@LittleSister

Nagagandahan ako kay lia sa ang probinsyano haha. Ewan ko lang crush ko ata siya 😂. Baka natotomboy na ako. #watchingFPJAP #RandomThoughts

L@LittleSister

Niyaya ko pumunta ng panciteria si kuya para kumain ng pancit batil patong. Hala ayaw haha. Diko daw nauubos yung isang order. Paano eh diko na kaya ubusin angdami naman kasi. Nagugutom ako ng pancit haha. Sana samahan niya ako. #RandomThoughts

L@LittleSister

Yung bata nakita tong sirang takuri. Hinihingi. Tinanong ko anong gagawin. Sagot niya bebenta ko. Tinanong ko saan? Sagot niya yun oh bumibili ng bote saka bakal (sabay turo sa namotor na may sidecar). Eh iisa yan magkano lang naman bayad niyan wala pang 5 ata yan eh. Tapos nakita ni mama inabutan ng 10 pesos. Tumakbo na yung bata iniwan na yung takuri hahahaha. PTCM. Dumiretso na pala ng tindahan. Bumili na ng chichirya haha. #Photography

L@LittleSister

Hindi kopa alam kung calamansi o suha po ito. Kakalakalin ko nalang mamay itatanim ko. Malay ko paglaki maraming bunga 😍. PCTM. #TREE

L@LittleSister

Nagloloko na tong manok namin. Sarili niyang itlog kinakain na niya. Luh nilunok yung shell nagkadurog durog natapon yung laman inunim din. Hahaha. Sayang ulam ko yun eh kinain pa. My chicken

L@LittleSister

Maka isa man ako o hindi ayos lang. Parang yan lang sasama pa loob ko haha. Napakababaw naman ng pananaw ko sa buhay kung yan lang dahilan ng pagka stress ko. Wag na. Ang mahalaga ay importante daw haha. Sayang beauty pag nakasimangot sa walang kakwenta kwentang bagay. Thank you lord. Lunch na kayo #BitcoinCash

L@LittleSister

Cute ng mga bibe ko. Apat ulit. Sinakyan nila yung pinggan na may kanin ubos eh haha. Bantay sarado naman ng nanay nila. PCTM. Anak ng pato namin. #Ducks

L@LittleSister

Dami po panggatong oh. Pangluto ng makukunat na karne hahaha. Pwede din pong pangkasal pero bawal malaking handaan magagalit si kap haha. PCTM. Inanod po yan nung baha naipon dito. #Photography

L@LittleSister

Ligo po tayo 🥰. Dito sa ilog. Lawak po noh? Medyo maalaon mahangin kasi. Tsaka mediyo lumaki konti kasi maulan na kaya nawawala na ang linaw ng tubig. Cagayan valley river. PCTM

L@LittleSister

Sarap sa feeling yung nakatingin ako sa malayo habang inaalala yung masasayang sandali namin ni ex hahaha. Tapos gugulatin ako ng kuya ko sa likod. Ganda ganda ng ngiti ko eh panira 😂

L@LittleSister

Wow new channel. Thank you nakita ko sa newsfeed ko. Kaya nagsub na rin ako. Mabilis lang to dadami ng subs kagaya ng iba. Congratulations. Hello po. Nagsikain na ba kayo?

L@LittleSister

Buti nalang wala pang covid-19 noong nag graduate ako ng highschool. Nakapag marcha pa ako hehe. Nakasayaw pa 😂.

L@LittleSister

Napakadilim ng daan. Wala man lang stree lights. Yung sa liwanag don na bahay namin. Nakabukas pa kasi hinihintay pa kami hahaha. Matutulog na po ako. Sakit na mata ko. Goodnight. Nakarating na ako dito sa bahay. Habang nagtatype naglalakad haha. #RandomThoughts

L@LittleSister

Good evening po. Eto pala yung kinuha namin sa bukid kanina ni kuya. (Kuryat). Inilawan namin yan saka namin dadakmain. Matutulog na sana ako pero sabi niya iluluto niya pa, ayan hinintay ko. Luto na. Papakin kona to habang nanonood ng pelikula ❤️. Love na love po ito ng mga ilocanos ang insect na ito. Photo mine.

L@LittleSister

Patuloy sa pagtaas 😍. Sana nga tuloy tuloy na sa pag angat papunta sa moon. Go bch. Kailangan na kita ilabas pag bumalik sa dati haha. #BitcoinCash

L@LittleSister

Miss kona makakita ng sunsets sa hapon. Madalang na ako makakita kasi ngayon pag hapon na madilim na kalangitan itim ang ang mga ulap. Rainy season na kasi. Photo taken may 8 this year. Noong anihan pa ng mais. Reupload

L@LittleSister

Maikli lang ang buhay. Kaya gamitin mo ito para sa mabuting paraan habang nandito kapa. Gamitin mo ito para hindi lang sa pangsarili mong kapakanan kundi para rin sa mga mahal mo sa buhay. #RandomThoughts

L@LittleSister

Mga favorite kong prutas yung bayabas mangga saging. Yan lang haha. Yan lang kasi meron. Saka na yung iba kapag meron na 😂✌️ #DidYouKnow

L@LittleSister

Sabi ni kuya sakin. Eto tatandaan mo ha, Wag kang mag-asal mayaman. Hindi man tayo mayaman atleast tayoy mahirap. Ano daw? Hahahaha natawa ako don sa last part 😂. Hindi na nga mayaman binanggit pa yung mahirap 😂. Angdami daming pwede idagdag eh haha.

L@LittleSister

Mukang uulan ah. Sakto maliligo na ako 🥰. Nandito na ako sa ilog eh. Hindi ako pwedeng abutan ng ulan. Mababasa gamit ko. Anyway yung pinapanood ko kaninang Yamashita treasure gwapo ni rustom padilla don 😍. Photo mine #Photography

L@LittleSister

Look oh. Anong insect kaya to nakunan ko sa jackfruit leaves? Parang uri ng bubuyog din pero maliit. Bumubutas din to sa mga tuyong kahoy eh. Cute ❤️ Photo mine #Photography

L@LittleSister

Hello po coins.ph users. Pwede magcash-out via Palawan kahit 500 pesos lang? Kahit sobrang baba na ng bch magconvert na talaga ako. Kailangan ko kasi eh may babayaran ako haha. #BitcoinCash

L@LittleSister

Sabi ni mama bakit may ulam Naman tayo nak malala kapa sa naglilihi. Trip ko lang kasi saka medyo hinahanap ng dila ko maalat. Yan na po uulamin ko inihaw na tuyo at isang nilagang itlog ng pato. Kinagatan kona yung isang tuyo 😍

L@LittleSister

Kain po tayo ng bugnay o bignay. Ganito talaga ako mahilig sa maasim 😍. Sabi nila nakakabawas daw ng init sa katawan haha. Totoo ba yun? Photo mine

L@LittleSister

Napanood niyo po ba yung movie na (true to life story ni aguinaldo) o (AGI)? (Rodolfo Aguinaldo) na ginanap ni "Lito Lapid" Kaninang hapon pinapanood namin nila mama yun. Sabi ni mama kilala ko yan. Napakabait niyan. Isa ako sa nandyan nung panahon na yan governor siya. (Sa tuguegarao city cagayan malapit sa hotel delfino) Sakto raw na nagkagulo non sa tuguegarao sa hotel delfino non. Sobrang daming tao na talaga naman supporters ni (AGI). Wala ng tao para sakin na katulad…

L@LittleSister

Crypto price today. Mukhang tataas na siya. Baka next month mararamdaman na natin hehe. coins.ph widget #BitcoinCash

L@LittleSister

Yung pinsan kong loko loko binebenta niya kay kuya manok niya 2500 daw hahaha. Sabi ni kuya gawin na nating per kilo yan 200 kada kilo kasama na lahat pati tali haha. Hahaha mga kalokohan na naman to. Ctto: my cousin #PadulasNaMaligalig

L@LittleSister

Napapalibutan kami ng palaka. Dahil malakas ang ulan kanina medyo nagkatubig kaya nagsasaya naman sila. Ang-ingay nila. Magkakaibang huni nila. Makatulog na nga baka sila pa mapanaginipan ko. #RandomThoughts

L@LittleSister

Siguro mga 4 days na pero ok lang. Thank you parin kahit papaano kahit tip back nalang natatanggap ko malaking bagay parin sakin to hehe. Salamat. #BitcoinCash

L@LittleSister

Share ko lang po ito. Since legit naman siya kaya sinubukan ko lang din. XRP po siya. Pwede sa coins.ph at coinbase. Post lang din po ang gagawin. Pandagdag earnings kahit maliit. Eto po link https://pastext.org/reg/2547 #BitcoinCash

L@LittleSister

Nakakamiss din. Hindi ko nabuksan ang account ko ng ilang araw. Kamusta na po? Tuloy parin. Maaga palang mainit nanaman tapos mamayang hapon uulan nanaman. Inuubo na ako. Hahaha