Happy weekend Saturday na naman hmm mejo rest day na ng iba. Tapos na rin mag lunch at ang aming inulam ay salted eggs na hinaluan ng fresh tomatoes.. kaya lang parang nasobrahan yata ng alat yung eggs yay. π First day na ng April sabi nila april fools day daw, ewan lang kung bakit ganoon ang tawag nila haha.. care ko ba ai.
@Lirabell in April 2023
Happy Sunday everyone.. masarap sana magpunta sa mall ngayon para mag palamig.. kaso nakakatamad naman sobrang init ng weather ngayon mag chillax na lang sa house at matulog haha.. tas may ready nang pang snack na suman.. nabili lang yan sa naglalako.. masarap yan at madaling makabusog.. hmm lapit na ang holy week long vacation din yan.
Happy Tuesday folks.. hmm lunch time, kain na.. may nabili si sis sa market ng watermelon.. ang cute ng kulay nya yellow haha.. at di sya bilog pahaba ang looks nya.. akala ko matabang pero ang tamis nya lalo na nung palamigin.. ai sya okay na okay.. yun lang ang daling makabusog.. pede ng di mag lunch full ka agad.
Happy Wednesday everyone.. lenten season na mejo tahinik ang paligid ah.. hmm yung iba nag out of town bakasyon na kasi. Me bago na naman kaming alagain 3 months old na puppy.. ai ang cute nya ang haba ng tainga nya at mabait pa, bigay lang ng friend ni bro. Ai sya gang dito na lang.. Ingats na lang sa biyahe mga guys.
Good evening guys.. dumating si brother kanina galing sa work nya, holiday eh dala yung alaga nyang chicken.. galing daw yan sa peria nabunot nya, me kulay pa nga raw nung chick pa yan.. ngayon ayan na sya after 3months rooster na sya at gagawing tinola na ni sis.. haha yari si chicken wawa naman yay.
Holiday season mahaba habang vacation.. marami ang nasa mga pasyalan paramaka bonding ang pamilya at kaibigan.. hmm enjoy lang guys at ingat na rin. Share ko lang itong magandang view ng pag sikat ng araw.. napakagandang tanawin sa umaga na mag bibigay ng paninagong pagasa sa buhay ng mga tao.
Happy weekend guys.. hmm Saturday na naman enjoy na enjoy yung iba sa mahaba habang nilang vacation. Share ko lang itong tree frog na nakadikit sa puno ng guyabano.. mejo katakot sya baka bigla kang talunan at mang ihi nyayayay.. sabi nila nang iihi daw yan, ewan lang kung totoo.. ai ayaw pa naman nya umalis.. aww bahala nga sya dyan..mahirap ng lumapit, buti na lang si brother ang kumuha ng picture, haha ayus.
Happy Easter π sa lahat.. hmm matatapos na ang holiday season pero bukas holiday pa rin daw kaya martes na ang talagang regular na pasok. Yay lunch time kain na muna.. my favorite ulam chicken adobo sarap yarn. Magandang hapon Po.
Hmm Tuesday na.. ang bilis talaga lumipas ng panahon ang hirap sabayan parang laging nagmamadali ai ewan ba. Kahapon kahit napakainit ng weather nagkayaan pumunta ng fastfood.. me bagong bukas na burger king malapit lang dito sa amin lugar.. ai pagkakain ng burger ay di daw masarap.. di raw kagaya ang lasa ng Jbee.. ai sya me angal pa libre na nga lang. π
Happy Wednesday everyone.. mid week na uli tayo, hmmm napaka gloomy ng weather ngayon.. summer na summer me bagyo ayus lang para lumamig ang paligid at madagdagan yung tubig ng dam para di na magkaroon ng water interruptions. Ai post ko uli yung selfie ni miming namin ang cute niya jan, sobrang likot at napaka hyper ng aming baby meow. πΊπ tanghali na.. lunch time.
Still gloomy weather pa rin ngayon kasabay ng ulan pero di naman kalakasan kaya okay lang, masarap sa pakiramdam di dama ang init. Panahon ngayon ng mangga maraming tinda sa market pero mas okay yung bigay lang kasi di na bibili pa kahit sabihing hilaw sya at nakakangiwi ng fez kapag kinain mo.. haha libre lang naman kaya dapat na ipagpasalamat dahil naalala kang bigyan kahit na mukasim. π₯΄
Happy Friday everyone.. Mejo okay na ang weather ngayon nagpakita na rin ang araw kaya lang talo pa rin sya kasi gloomy pa rin ang kalangitan. Snack time na.. yung aking favorite na merienda hopia.. bet ko yarn masarap, ube hopia. let's eat guys.
Saturday na.. happy weekend everyone.. maganda na ang weather ngayon balik init na. Dumating na yung inorder kong sleeper sa Lazada.. okay sana kaya lang parang di ko bet mejo mahirap syang suutin mabigat ng kaunti..at saka tumutupi yung harap kapag lumakad pedeng matapilok.. hmm ala ng magawa anjan na sya kundi tyagain na lang isuot o kaya palitan na lang ng iba yung sakto sa paa.
Chocolates π«π« Ohh wow chocolates di ba sarap yarn kahit nu pang brand yan okay lang tanggap agad.. alang tanggi kahit pa sabihing galit kapag nakakita nyan ayos mapapangiting bigla yay ang babaw ah haha syempre sweet eh.. me magnetic power yata sya ai.π€
Monday afternoon.. Ang weather βοΈ ngayon di na talaga maintindihan kanina sobrang init ngayon naman ang lakas ng ulan hmm. Share ko lang itong white corn na nabili namin dito sa naglalako kaya lang di ko alam kung mura sya o mahal kasi yung 4pieces ay 70 pesos pero okay lang masarap naman yan pag naluto na.. favorite ko yang white corn kasi malagkit sya.. at masarap kainin.
Happy day sa lahat.. Share ko lang itong stray cat ππΊ na laging nakatambay dito sa haws abangers yan sa mga tirang food para makakain.. hawig sya ng aming miming pati nga sa kulay.. kaya lang sobrang dungis nya parang kung saan saan lumulusot haha .. ganoon nga talaga siguro kapag pusang gala alang may ari.
Hmmm Friyey na naman enjoy your day guys. Share ko lang itong aming tanim na clitoria ternatea or aparajita flower.. mamulaklak na ulit kaya lang lagi akong nauunahan ni neighbor sa pagpitas ginagawa niya kasing tea eh.. pero okay lang naman nagpapaalam naman bago kumuha.. ang bad ay kung di nagpapaalam di ba haha.. pero ngayon me tirang isang piraso ayan sya ang cute pa ng kulay.
Happy Sunday everyone.. Masarap sana gumala magpalanig sa mall kaya lang kakatamad sobrang init ng panahon.. ai mag palipas na lang ng oras sa haws less gastos pa at kumain na lang ng tirang food. Share ko lang sa inyo may nag chat na afam sa tg ko.. ai grabe kaloka talaga nose bleed akey.. pero in fairness wafo talaga sa picture.
Happy Tuesday folks.. lapit na ang oras ng merienda kaya bili kami sa McDo lapit lang naman.. sakay lang ng motor andoon na.. bili ng burger.. yung akin ay fries at coke float lang.. kaya lang di kayang ubusin nakakalunod pa yung drinks ang dami kaya dapat ishare sa iba. Kung minsan kakainis talaga yung taong nagsisinungaling.. kahit alam mo na yung totoo pilit pa ring itatanggi.. ayaw umamin.π
Share ko lang itong bananas na bigay kay sister ng friend nya mag wa-one week na di pa nahihinog yay parang mura pa sya.. kasi maliit lang yung puno tas yung bunga mahaba ang buwig.. nabigatan ng todo kaya nabuwal inani na nila.. sana di mabulok at mahinog na lang.. sayang kasi.
Happy Friday everyone.. hmmm weekend na naman ang kasunod. Share ko lang itong magandang bulaklak na pang pa good vibes sa malungkot na umaga.. buti pa sya walang problem bakit kaya ang tao magkaroon pa ng ganoon.. hmmm sabagay lilipas naman kaya no problem at all na rin.. morning everyone.