read.cash Log in Sign up
@Lirabell

@Lirabell in December 2021

@Lirabell

First day na tayo ngayon ng buwan ng December. Masasaya yung mga tatanggap ng 13th month.. sabagay mandatory yan sa mga nagtatrabaho nasa batas hindi puedeng di ibigay ng mga employer. Mapupuno na naman ang mga mall at Divisoria ng mga taong abala sa pamimili ng mga bagay na gusto nila. Sige lang ubusin ninyo ang inyong pera sa pagsa-shopping.. bahala kayo gusto nyo yan. Haha. Wala akong gana magbreakfast kaya kain na lang ako ng 2pcs. ng banana.. ok na yun hanggang di…

@Lirabell

Ay hapon na naman kakatapos lang mag merienda wag daw muna mag coffee.. bawal muna.. yun pa naman ang gusto ko. Ang tagal nawalan ng signal dito, kanina pang tanghali na low batt na lang ako ng kakaikot nya..tulugan ko nga siya.. kainis talaga buti na lang umigi na ngayon. Magandang hapon mga ka noise. Ingat po palagi lalo na sa mga katabi lalo at may bago na naman variant.. kailan kaya matatapos ito lalong dumadami ata.. Pray na lang tayo lagi nang matapos na ito.

@Lirabell

Malapit na naman ang tanghalian.. need nang mag prepare para sa lunch kaunti na lang ang natitirang oras para kumain Ang gulay na lulutuin ngayon ay sauteed munggo sprouts..madali lang naman siyang lutuin dahil gulay nga ang medjo tagal lang ay magpalambot ng pork na halo. Habang inaantay siyang maluto.. kain na muna ng medjo maasim na citrus masarap naman siya nag aagaw ang tamis at asim.. vitamin c rin yan pang boost ng immune system. Let's get ready to eat guys. Enjoy.

@Lirabell

Maaga-agang nakaluto ng uulamin para sa hapunan para mamaya di na raw nagmamadaling magluto sabagay me katwiran totoo naman iyon.. luto na nga pati kanin. Magandang hapon sa lahat.

@Lirabell

Umagang kay ganda sa lahat..wish ko lang happy kayo ngayon Friday kasi bukas weekend na naman. Hehe Kailangan kong bumangon ng maaga kasi naipon na yung maraming dapat kong gawin.. natapos ko naman ngayon agad kasi baka may magalit..xenxia na po mabagal lang talaga akong kumilos. Binibilisan ko na nga pero mabagal pa rin talaga. Mamaya na lang uli mga friends pag may ayuda na uli para sa lahat. Thankful sa Good Blessings na dumarating. May God Bless us all.

@Lirabell

Ay oras na para mag break mga ka noise. Lunch time na po.. ang special na niluto ngayong araw na ito ay pork nilaga. Special daw yaay sana nga totoo hehehe. Madali lang naman ang pag luto niyan ilalaga nga lang muna yung pork wala ngang ka effort effort .. kapag yung pork ay malambot na eh di ilagay na yung mga sangkap na gulay at kung anik anik pang rekado na dapat isahog diyan. Tiyak na masarap yan kasi ako ang nagluto..Toka ko nga ang pagluluto ngayon kaya lang hanggang…

@Lirabell

Isang napakalamig na sabado ng umaga sa lahat. It's a beautiful day and a special one. Yung tipong gusto mo pang mahiga at mamaluktot sa higaan kahit alam mong tanghali na dahil sa tinatamad pa.. pero huwag idahilan yan kasi kailangan na talagang kumilos para sa ating future at ekonomiya. hehehe Di tayo aangat kapag laging nakahiga.. yung tipo bang nabibilang sa angkan ni Juan wag ng itanong kung sino sya lam nyo na un. Sa mga nagmamadali na tawagin si mariposa sana mga…

@Lirabell

Masaganang tanghalian sa lahat. Sana busog na kayong lahat at makakain na. Nakatapos na rin kumain at ganon din heavy na ang tummy dahil full na sya. Ang ulam na niluto ngayon ay chicken adobo masarap naman ang pagkaluto nilagyan ng kaunting sugar kaya nag halo yung tamis at asim ng suka, ok siya magaling ang nagluto.. magaya nga din baka sakali machambahan. Hehe Naranasan nyo na bang kumain ng ice cream tas pag bigay sayo, nag- scoop kana para isubo. kaso nakita mo umuusok…

@Lirabell

Mabiyayang araw ng linggo mga ka noise. Family bonding sa mga walang work pero hindi naman lahat kasi yung iba may pasok kahit linggo. I-enjoy na lang ninyo ang inyong mga pag sasama sama. Mahirap din naman pala yung iwanan kang mag isa sa house walang makausap tapos sila nasa galaan sa labas mabuti na lang may Cp. wait ko lang sila kung kailan darating basta may pasalubong okay na at sana yung gusto ko ang dala yaay. Mabuti na lang may nakita ako dito isa na mapapapak hehe…

@Lirabell

Food trip muna para pampa-good vibes sa nakakaantok na hapon. Umpisahan ng magmerienda, yung pasalubong nila sa akin kanina ang aking snack dumaan pala sila sa fast food. Dinalahan nila ako ng sundae, ang flavor ay choco okay naman at nagustuhan ko masarap. Mabuti at hindi na ako inutusan magluto ng ulam kasi me dala na silang chicken galing kay jbee.. hmm ang sarap ng ulam nila.. ako iba ang ulam chicken din naman kaya lang yung tirang adobo kagabi, masaya na ako duon…

@Lirabell

Gumagabi ng masyado mga ka noise.. maiwan ko na muna kayo. Gusto ko nang matulog at medjo masakit na ang aking mga mata kailangan ng ipahinga ko na muna para maging maayos naman ang aking pag tulog ngayon gabi. Maraming salamat kay Lord sa lahat ng mga mabubuting bagay at blessings na kanyang kaloob sa buong araw na ito. God Willing bukas na muli my sweet noise family. Have a great and wonderful evening everyone. Sweet dreams. #Thankful #noise.cash

@Lirabell

Monday morning na.. umpisa na naman uli ng panibagong araw ng pakikipag-baka sa maagang pag pasok sa trabaho ng mga workers, huwag lang sana uminit ang ulo pag di agad makasakay dahil sa nauunahan ng mas mabilis, mas agahan na lang para di maiwan. Good ang weather ngaun kaya lang malamig sobra, medjo takot maligo ng maaga maya maya na lang bago magtanghali talagang di kaya ng power. ahehe Tinanghali na ang breakfast ko, ang pandesal na may scrambled eggs at maiinit na…

@Lirabell

Gabi na muli at lumipas na ang buong maghapon at nakatapos na ring mag hapunan.. salamat naman sa biyayang kaloob. Ang aming inulam sa gabing ito ay simpleng fried fish na may sawsawang suka na nilagyan sibuyas at paminta na may unting sugar masarap naman siya. Pahinga na muna habang maaga pa, at manood na muna ng teleserye. Si Heart ang bidang babae partner nya si Richard Yap na dating taga channel 2, sosyalera ang papel ni Heart ,bagay sa kanya dahil sa totoong buhay ay…

@Lirabell

Hay salamat sa panibagong malamig na umaga. Thank you Lord sa araw na ito. May blessings na muli at naipamahagi ko na sa karamihan.. kaya bangon na mga ka noise puede pang humabol me natitira pang ayuda.. kaya wake up kung gusto pang makahabol sa grasya, kilos na. Maaga akong nagising tungkol sa bagong up date di ko pa siya masyadong ma gets kaya maya na lang pag aralan pa para sure. hehe. Masaganang araw para sa lahat puede nang mag breakfast parang ang aking tiyan ay…

@Lirabell

Ang nilutong ulam kanina ay kalabasa at okra na ginisa sa pork. Hindi na siya puede pang dagdagan ng ibang gulay kasi di na ito mauubos sayang at matatapon lang. Ang mas una pang nauubos sa niutong gulay ay ang sahog. Hindi kasi masyado sa gulay ang mga tao sa bahay mas gusto nila ang isda ok kaya ay karne o kaya ay yung mga cured meat na alam mong hindi gaanong maganda sa kalusugan kahit na nga mga instant noodles ay di rin naman healthy na kainin palagi. Dapat lang kahit…

@Lirabell

Malapit nang mag lunch break di pa naman luto ang ulam kaya snack na muna habang nagpapahinga pagoda pa kasi galing sa galaan may nilakad lang na importante di na kasi puede ipag paliban dahil over due na. last month pa kasi dapat yun kaso wala eh, ngayon naabutan ko na eh di done na. Pagtapos pasok ako dun sa lugar na maraming food na pagpipilian kaya lang yung kaya lang ang dapat kunin kasi me bayad yun di libre hehe. Kaya kinuha ko lang yung kayang bayaran wala kasi sa…

@Lirabell

Its merienda time na mga friends at pagabi na naman. My peanut ang aking favorite na kutkutin ko, pero para sa akin mas gusto yung fried siya lalo at sobrang malutong pak na pak talaga. Sabagay kahit ano mang luto jan okay pa rin sa akin. Noong akoy nag aaral pa sabi nila pampatalino daw yung mani kaya pag akoy nag re-review pag may test kain ako ng kain nyan para pumasa sa test.. eh kasi noon mapaniwalain ako sa sabi sabi at masunurin pa, okay naman ang mga grades ko mataas…

@Lirabell

What a lazy and cold Thursday morning. I-enjoy na lang natin ang ganitong weather gang February lang naman ang lamig, kasi ang kapalit niyan sa next ay hot season na mas matindi yun para kang daing na nabibilad sa araw at malamang dahil sa sobrang init magkakaroon pa ng bunga ang katawan at higit sa lahat ang tindi ng putukan daig ang new year ahahay. Kaya jan magagamit ang tindi ng pagliguan. Ai makapag breakfast na muna para mamaya magawa na yung mga importanteng gawain.…

@Lirabell

Nadalaw na naman ang cutie dogie ni younger bro, sobra siyang makulit at ang likot likot panay ang takbo kung saan saan ang hirap talagang sawayin parang may alaga kang maliit na bata.. pero nakakatuwa siya malambing at gustong gusto niya yung laging hinihimas yung parte ng kanyang katawan. Kaya lang hindi siya pwede sa kahit anong pagkain basta yun tamang pagkain lang para sa isang dogie.

@Lirabell

Kagabi ang sarap ng aking tulog kaya lang medjo scary yung aking panaginip may humahabol daw sakin ayokong lumingon nakakatakot yung looks nya parang beast di ko mawari basta ang gawa ko lang takbo ng takbo nung malapit na akong abutan sumigaw ako, tapos ang nangyari.. Blooog laglag ako sa kama.. nagising silang lahat sa bahay kasi nga malakas ang lagabog ng pagkabagsak, tas tinanong nong nangyari, di ba nahulog nagtanong pa. Bawal tumawa upakan ko kyo. Sungit daw ah basta,…

@Lirabell

Late na ang pag upload ng aking lunch. Nakapananghali na rin kanina kaya lang now lang nagkaroon ng time para maka pagpost, happy eating sa mga late ng kumain. Nagluto lang ng chicken adobo para miulam sa tanghalian, simple lang naman ang pagkaluto madali na mabilis pa kaya makakain naman agad di na magaantay pa ng matagal. Dahil hapon na ngayon kaunting pahinga lang puede ng gawin kung ano pa ang gusto, kasi kapag ganitong oras ay hayahay na lang, panood nood sa tv o kaya…

@Lirabell

Mahigit one week na akong nag pavaccine pero parang laging masakit pa rin siya lalo ng umpisa talagang masakit siya at yung bulak medjo marami rami din yung dugo pero sabi ko maaalis din yun kaso nung gabi na nilagnat naman ako, inom naman ako ng paracetamol, umokey naman bale 2times akong uminom, pero yung sakit halos one week na ramdam ko pa rin ang sakit, nung tingnan ko yung parte ng tinusukan may pasa palang malaki kaya hindi naaalis ang sakit, Siguro dumugo sa loob at…

@Lirabell

Food trip tayo ngayon mga ka noise. Type kong gumawa ng dessert na gelatin na may ube condensed milk, sana okay siya at masarap. Maganda naman sa health ang gelatin dahil me sangkap itong collagen na maige sa pampatibay ng hair at sa ating mga bones good for the skin din. Sabagay di lang naman sa gelatin nakukuha ang collagen maging sa gulay at karne lalo na dun sa parteng buto. Hapon na merienda na muna tayo.

@Lirabell

Mag breakfast na muna tayo mga ka noise mejo tanghali na. Maganda ang weather ngayon kainaman lang ang lamig kaya di gaanong namaluktot sa higaan kaya masarap din naman ang pagtulog. Sa mga maglalaba jan umpisahan na ang inyong gawain ng makatapos agad ng mai-relax agad ang katawan dahil sa dami ng nilabhan. Maganda ang sikat ng araw, madali kayong makakatuyo ng damit niyan. Ang breakfast ko ngayon ay nabiling luto na, pansit canton at pandesal na may kasamang mainit na…

@Lirabell

Windy masyado ngayon malamig ang klima maganda sa pakiramdam..Pahinga na muna at nakatapos na rin mag lunch salamat at nabusog na. Manood muna sandali ng all out sunday at pagkatapos ay makapag short nap naman. Idadaan na lang sa tulog ang munting ewan ngayon, konting emote lang at sana maige na maya paggising. hehehe. Masayang hapon sa lahat.

@Lirabell

Monday na naman, another day na nadagdag na muli sa ating mga buhay. The struggle is real.. lalo lalo na sa mga naghahanap buhay sa labas at nasa kani kanilang mga working place. Nakapag morning walk na rin kahit sandali, ang cool ng simoy ng hangin masarap sa pakiramdam nakakaalis ng stress at pagod, at habang naglalakad ay may nakitang mga halaman at damo na magkakasama, magandang pag masdan soothing to the eyes ika nga ang mga kulay berdeng mga tanim. Maganda at…

@Lirabell

Parang may bagyo sobrang malakas ang hangin sana huwag naman.. mahirap din naman kapag panay ang ulan lalo kung lalabas ng bahay at may importante na kailangan gawin. Mag merienda na lang muna sandali ng unting prutas habang nanonood ng teleserye at ng makapag pahinga tas ng nood, dahil sa antok na tulog na lang muna saglit, tamang tama ito sa malamig na panahon.

@Lirabell

Tuesday morning na everyone, ngayon pa lang nagpasyang mag almusal kasi parang nakakaumay na yung araw araw na lang ay pandesal ang breakfast. May natira silang ulam na paksiw na bangus kaya ang ginawa ko ni-recycle ayan prito na siya, syempre pag ako ang nagprito yung malapit na siyang maging uling, yan ang expertise ko sa pagluluto ng prito, ayaw nila ng ganyarn luto sunog daw wala ng vitamins, kealam ba nila eh ako naman ang kakaen, gusto ko yarn lalo at me sawsawang…

@Lirabell

Nakatapos na rin mag lunch pero di pa nakapag linis ng mga ginamit kasi me bisitang pumasok sa loob ng bahay. Dumalaw na naman sa amin yung cute na cute na dogie ng aming neighbor.. puting puti ang kanyang balahibo at napaka-kapal. Kapag pumasok yan alam na niya may tirang food para sa kanya. Kalatog pinggan nga alam niya ang oras ng kainan present lagi at di siya nahuhuli. Mabait naman at laging kawag ng kawag ang buntot. Para rin siya nung pusang gala na kusa na lang…

@Lirabell

Malapit na naman mag tanghalian pero ang weather ngayon hindi maganda sobrang dilim ng langit hindi makalabas si mr sunshine sobrang gloomy, Sana naman pag umulan na huwag masyadong malakas banayad lang.. ay parang pede irequest sana nga. Makapag merienda na muna habang di pa luto ang ulam.. mejo matagal pang maluto yung ulam para sa tanghalian. Kain na muna ng biscuits at banana tas tubig ayos na yan. Ingat kayo mga friends sa papalapit na bagyo, delikado lalo na sa mga…

@Lirabell

Ang tanghalian namin kanina ay di ko alam kung anong pangalan yung nilutong ulam, basta lang niluto siya ng may tomato sauce tapos nilagyan ng livers spread para siyang afritada na parang kagaya din ng minudo. Bahala na kung anong pangalan niya basta nauulam siya at masarap naman.. okay din ang pagkaluto niya, pasado na rin para sakin kahit pa sabihing lutong pacham lang. Masarap mag relax kahit saglit lang hapon na naman puede na.

@Lirabell

Windy Thursday morning.. Okay pa rin ang weather sa ngayon hindi pa aabot dito ang sama ng panahon. Yun lang mahangin pero sumikat naman si mr sunshine kaya mejo nabawasan ng unti ang lamig. Marami rami na rin ang ang nagganap ng kanik-kanilang party sa work nila. At may pa raffle pa buti na lang di baso ang nakuha kundi electric iron pede ng ipangregalo uli sa iba hehehe, kasi di naman maganda magaan, halos plastic na ang kabuoan, ang metal lang ay yung ilalim para uminit.…

@Lirabell

Nakapag lunch na rin kahit mejo late na nakakain. Nag prito lang ng chicken tagal lang unti pero sulit naman kasi nga nakakain na.. di lang gaanong type ni sister yung pagka fried kasi daw tuwing lulunukin nya yung ulam nagagasgas daw yung lalamunan nya sobra daw kasi tigas sana daw di ganoon na kahirap kainin. Sana nga daw nagtinola na lang para malambot. Ou nga sana ganon na nga lang, pero tiisin na niya yan ngaun, kasi one time lang yan di na sa uulitin. Pero sarap siya…

@Lirabell

Mabuti naman at natapos na rin ang bad weather. Kawawa naman yung sa mga parteng nadaanan ng bagyo sa ilang lugar ng Visayas at Mindanao sila ang sobrang naapektuhan at nalubog sa baha..marami rami rin ang nasirang mga kabahayan sa sobrang lakas ng hangin. Sana makabangon muli sila sa tulong at awa, at maibalik na uli ang mga nawala sa kanilang mga kabuhayan. Mabuti na lang at di umabot dito sa NCR ang bagyo mahangin lang at sobrang kulimlim pero kahit papaano ay umaaraw rin…

@Lirabell

Tanghalian na at nakaluto na ng food kaya kain na mga ka noise. As usual ang ulam chicken pa rin, lagi na lang ganoon favorite nila kasi yun.. baka kaya unti na lang malapit ng magkaroon ng pakpak ang mga tao dito, kasi mas mura mura ng kaunti yarn, kaya yan na lang daw, pero bakit kaya di nag sasawa kahit halos everyday yun na na ang ulam, sabagay iba ibang luto naman ang ginagawa.. kagaya ngaun ang niluto chicken curry ang gusto ko jan ay yung sabaw favorite ko yan. Kain…

@Lirabell

Saturday na tayo ngayon mga ka noise. Napakaganda ang sikat ng araw maaliwalas at nakangiti si mr sunshine na akala mo walang nangyaring kalamidad sa maraming lugar sa mga provinces. Pero dito sa Metro Manila ayos lang hindi apekatado dahil walang dumaan na bagyo normal lang parang ordinary day lang siya, Salamat at naligtas sa masamang panahon. Thank you Lord. Nasa 18th day na ng December unti na lang tapos na ang kasalukuyang taon at parating na ang panibago, Sana ay…

@Lirabell

Nagluto ng chicken adobo para sa tanghalian as usual typical dish na walang ka effort effort na lutuin. Isangkap lang lahat ng rekado tas imarinate lang ng ilang sandali at saka isalang di magtatagal more or less to one hour lang luto na siya. Pede na siyang ihain sabay ng mainit init na kanin, pede rin naman siyang samahan ng itlog na nilaga o kaya pineapple chunks para lang mejo maiba ang lasa sa karaniwan, ika nga adobo with a twist. Pede nyong I try baka sakaling…

@Lirabell

Gloomy and cool ang weather ngayon, umuulan pero banayad lang siya sapat naman para madiligan ng libre ang mga halaman, happy and blessed pa rin ang araw na ito. Happy Sunday everyone. Mejo tanghali na kain na muna ng breakfast kahit feeling tamad pa rin dahil sa panahonng ito na maulan kahit tapos na ang bad weather late na ang dating ng ulan, nagpatikim lng. Ayos tamang tama kakain na lang, may bread na at lutong scrambled eggs nagtimpla na lang ng coffee. Happy eating na…

@Lirabell

Sa ganitong tipo ng panahon ang masarap na iulam ngayon oras na ng pananghalian ay yung sabaw na mainit, nilagang buto buto ng baboy na sinahugan ng bunga ng gabi, may kasama ring labanos at talbos ng kamote ang mga sinahog na gulay. Masarap isabaw sa kanin hindi siya nakakasawa dahil sa maasim asim na timpla nito. Hala kain na muna bago pa lumamig ang sabaw. Masayang tanghalian sa lahat.

@Lirabell

Ayy malapit na naman gumabi at kakagising lang ang sarap talagang mamaluktot pagkaganito ang panahon. Pagka bangon may naamoy akong mabangong bulaklak, banayad lang ang halimuyak nya hindi nakakairita kagaya ng ibang bulaklak, yun ay ang bulaklak ng camia meron pala siyang bagong sibol ang sarap langhapin. Bagong dilig ng ulan kaya sumariwa. Hmm malapit nang maghapunan mag luto na kayo mga friendship pagabi na.

@Lirabell

Beautiful Monday morning maganda ang sikat ni haring araw, sana maging good pa rin siya sa buong maghapon para happy at in good mood ang lahat. Nakakalungkot pagmasdan ang mga pangyayaring naganap matapos ang mapaminsalang bagyo na sinapit ng ating mga kababayan sa lugar ng kabisayaan at mindanao.. marami ang nasalanta at may mga buhay rin namang nawala. Helpless talaga ang mga tao kapag ang sakuna ay dumarating at kailanman walang sinoman ang pwedeng makapigil sa tinakda ng…

@Lirabell

Nakatapos na rin maglunch kahit late na. Mix vegetables ang aming inulam sa tanghalian. Ako ay nasarapan sa nilutong gulay kasi maayos ang pagkaluto niya.. tuyo lang siya at walang sabaw at mejo mamantika dahil sa isinahog na pork, first time na naka pagluto ng ganyan kasarap si sister at talagang magustuhan ko, sana ganyan lagi ang luto kahit gulay siya masarap at nabusog ako, salamat. Sana kayo man ay nakapananghalian na rin. Enjoy your day guys and keep safe always.

@Lirabell

A special Tuesday morning kasi masaya at napaka ganda ang sikat ng araw. Maganda ang umaga kapag laging ganyan na maayos ang nakikita para good vibes ang buong araw. Nakapag breakfast na rin kaya okay na ang pakiramdam happy na rin, kahit pa sabihing ang aking inalmusal ay leftover na pizza mejo malamig lang siya, ay siya pede naman initin para nakain nang maayos sabayan na lang ng hot coffee. Hmmm mukhang marami na ang ready sa darating na okasyon, abalang abala na ang…

@Lirabell

Ang hinaing ulam sa aming pananghalian ngayon ay ginisang giniling. Hinaluan siya ni sister ng carrots, potatoes at green peas. Okay ang pagkaluto nya nagustuhan ko naman. Tingin ko parang good na siyang magluto sana laging ganon, para everybody happy pati ang mga junakis nya. Masarap naman talaga ang minudong giniling. Sana naman nakakain na rin kayong lahat ng inyong pananghalian. Just enjoy every moment of your day beautiful people. Have a great day guys.

@Lirabell

Kaunting tulog na lang at ang pinakakaantay na araw ng mga bata ay darating na.. pero sa tingin ko higit yung mga magulang ang mas excited parang di mapalagay panay ang pamili dami datong parang di nauubusan sige enjoy lang. Nakakatuwa yung mga bata na nag- kakaroling laging bungad na kanta ay yung.. saming bahay, imbis na sa may bahay, kahit na i-korek mo ganon pa din ay sige bahala na nga kau hehehe, Pag natapos na sila maghahati hati ng kinita sa may tapat ng ilaw ng…

@Lirabell

Hapon na naman ang bilis namang lumipas ang oras sandali na lang gabi na naman. Oras na naman para mag merienda nakabili na rin ng chicharon yan na lang ang aking merienda para maiba ang sarap isawsaw sa suka mahuli taya ay nubayan parang bata naglaro pa, hehe pero masarap talaga siya kasi sobrang lutong mukhang bagong luto eh, kahit nakasupot na. Nung minsan kasi nakabili ako di na maganda, kasi di na siya masyadong malutong kaya sayang lang pero ngaun okay na okay siya…

@Lirabell

Good ang weather ngayon , maganda ang sikat ng araw di pa naman gaanong mainit okay pa rin malamig . Last day na ng work nila ngayon at may pa-party party na, as in kainan lang daw sabi ni kapatid wala na raw na extra activities pa, tapos nun uwian na. Kaya lang ang hirap sumakay sobrang dami ng tao sa labas lalo at tatlong mall pa naman ang madadaanan nya pauwi. Sabi ko nga ngayon lang naman yan next month wala na. Hehe tiis na lang. Ang aga aga me pasalubong na sweet si…

@Lirabell

Nagluto na uli ng adobo para sa aming tanghalian. Meron kasi kaming visitor na little boy favorite nya kasi ang adobo kaya yun na lang talaga ang niluto para sa kanya. Pero sabi nya di na raw siya little boy kundi big na, kasi manunong na daw siyang magbasa at magsulat, eh di sige ok fine. hehe At dito na raw siya matutulog kasi bukas darating si younger bro at may dalang gift na para sa kanya kaya wait nya raw. Oo nga naman bukas nga pala ay puede na rin ang bigayan ng…

@Lirabell

Oh Friday na naman tayo ngayon, unti na lang talaga at goodbye na sa taong ito kaya ang sunod ay next please. Breakfast na muna para may lakas sa paggawa at pampasigla ng katawan at hindi manghina. Ang aking inalmusal ngayon ay ang kutsinta favorite ko talaga yarn, mabuti na lang at may nagtinda at nakabili sila, yung iba ang gusto ay may niyog pero ako okay na yung wala happy na ako doon hehe. Greetings sa lahat na nagdiriwang sa araw na ito, maligayang araw sa inyong…

@Lirabell

Gloomy weather ngayon pero okay lang. Pero mas ramdam ang antok sa hapong ito, pede namang mawala yan kung mag me-merienda na lang nakakaalis yan ng antok hehe. Sa hapon na ito kain tayo ng pansit canton mainit init pa bagong luto ni madam, hmm masarap naman ang pag kaluto nya tama lang ang timpla. Ayos na ang hapong ito at nabusog na rin. Thank you my good Lord sa blessings sa araw na ito. Happy birthday nga pala sa aking mahal na utol sa araw na ito. Enjoy your day younger…

@Lirabell

Fine ang weather pero ang mood eh not so sure if fine. Happy weekend everyone. Nakapag breakfast na rin, tinapay lang ang gusto ko at coffee. Siguro naman nagsikain na rin kayo mejo tanghali na nga. Kaya lang ang pagkain ngaun ay puro luma kahapon pa yun. No choice kailangan ubusin at initin na lang kasi nga malamig inimbak sa ref.. bawal daw magtapon ng pagkain, ay siya eh di sige na. Ay ang aga-aga ang daming nangangaroling akala ko sa gabi lang, kapag 25 na pala umaga na…

@Lirabell

Happy eating everyone enjoy your meal. lunch time na nga. Marami ang may masaganang handa sa kanilang mga hapag kainan.. I-enjoy nyo na lang ang araw na ito dahil bukas sigurado marami pa kayong tira, ubusin nyong lahat yan wag kayong magtatapon ng pagkain dahil masama ang ganyan. Si little ay big boy na pala daw siya ay nagpauwi na miss na daw nya mama at papa nya pero bago umuwi pinag masdan muna yung mga fish sa aquarium sabi nya bakit daw yung isang fish laging nakadapa…

@Lirabell

Have a Blessed Sunday everyone. Tapos na ang araw ng selebrasyon back to normal na at reality. Dahil bukas ay work work na naman. Kamusta naman ang maligayang araw kahapon ng mga ka noise. Sana na enjoy ninyong maigi lalong lalo ng inyong mga kids at sa mga foods na inyong na-ihanda. Tapos na oras ng breakfast malapit na naman ang tanghalian. Ang ulam na lulutuin ngayon ay ang fishda naman ng maiba siya paksiw na bangus.. at bago ang lahat magmerienda na lang muna sandali…

@Lirabell

Dahil Sunday ngaun at wala pa silang work susubok akong magluto nitong pancake o hotcake , whatever kung ano ang name nya basta may cake sa huli pede na yarn ngaun.. para lang matikman nila ang aking specialty. Ay specialty daw oh hehe, sana nga lang ay huwag maging toasted cake ang labas nito kapag naluto na. Pero sure naman akong tatama ito kasi ilang beses na rin naman akong nakapagluto na nito para lang maiba ang aming merienda sa hapon na ito. Gud luck to me.

@Lirabell

Monday morning first working day of the week. Back to work na naman tapos na ang bakasyon, handa na naman magbanat ng buto buto para sa ekonomiya.. ayos lang yan para sa ikakaganda ng buhay at para na rin sa inyong mahal na pamilya. Kain na muna ng breakfast bago ang lahat para lumakas ang katawan at hindi nanglalata sa paggawa. Ang aking inalmusal ay parehas pa rin ng dati, pritong itlog na nilagyan ng catsup.. mas gusto yung luto na sunny sideup kasabay ng mainit na cafe.…

@Lirabell

Tanghalian na kaya oras na para manood ng eat bulaga, pero ang pinakamahalaga syempre ay kumain dahil sa gutom na. Ang nilutong ulam ay sobrang special masarap na mura pa at hindi na kailangan ang magaling na kusinero dahil kahit nakapikit ka madaling igisa sa bawang at sibuyas, oh di ba kasi sardines yan.. favorite yan ng walang iuulam.. ahayay, Kaya kain na kahit ayaw pa yan ng iba, kasarap kaya nyaan pramis.

@Lirabell

Still cool December pa, sobra ang lamig tapos windy pa siya ay kaloka, ang hirap bumangon sa higaan dahil sa sobrang lamig tas kapag lalabas ng bahay lalo ka pang giginawin dahil sa lakas ng hangin. Parang nakatapat ka sa naka open na freezer Yung kalangitan sobra ang kulimlim parang uulan pa yata. Yung mga kasama ko sa bahay puro may sipon at ubo, yaay sagutan sila.. panay ang singhutan bakit kaya ayaw ilabas puro patunog lang.. Sana lang huwag nila akong mahawaan..gud luck…

@Lirabell

The good thing now is umaraw na rin siya at nabawasan na ang lamig at yung malakas na hangin ay huminto na ng kaunti.. kaya okay na weather. Nakapag lunch na rin at naka pahinga na kahit sandali at napawi na rin ang kabusugan. Ang inulam namin ngayon ay ginisang ampalaya, maganda yung nabiling ampalaya kasi di siya gaanong mapait masarap naman siya pero mas masarap yung sahog na pork talaga kasi sobra siyang walang kapait pait hehe. . kaya lang yung ampalaya di na kulay…

@Lirabell

Ang ganda naman ng umaga pagkagising mainam ang panahon kalma lang siya walang hanging malamig, friendly ang weather ngayon. Magfood trip muna tayo mga friends magmerienda na. May share akong isang doughnut chocolate ang flavor, kaya lang sweetness overload siya mejo kaumay ang sweetness niya kaya sinabayan ko ng black coffee na walang sweetness para magtugma sila. Hmmm perfect combination talaga. Ilang tulogan na lang tapos na December panibagong pagkakataon na naman ang…

@Lirabell

Hapon na pala napasobra ng nap, now lang nagising nasarapan kasi ng tulog malamig kaya . Mag merienda na lang muna mejo naghahanap na rin ang aking tiyan ng ilalaman. Tamang tama me nahalungkat ako na cheese cake at juice, ayos na siyang pang merienda. Tara kain na tayo mga ka noise.

@Lirabell

Thursday morning pero hindi happy ang mood.. kasi naman pag gising ko yung aking aloe vera plant wasak at bali bali ang mga dahon niya , ay kainis talaga, sana huwag siyang mamatay, sayang naman ang lalaki pa naman yung dahon nya at malusog pa, ang aga aga ko siyang inayos at nilagyan ko ng support para makatayo uli, buti na lang at naayos ko pa pero ang dami ng nabawas. Kasalanan yun ng mga pusang gala dito pa kasi nadayo para lang mag lampungan tuloy nahulog sa lapag yung…

@Lirabell

Ang lamig sobra.. lumabas ako para bumili sa fruit stand malapit lang naman dito sa lugar namin walking distance lang siya, blockbuster yung mga tindang prutas ang daming bumibili swerte talaga ang negosyo nila pag may okasyon hehe kaya lang sinasamantala nila double ang price take it or leave it.. nagmamalaki bawal ang tumawad. bumili lang ako ng banana at half kilo ng grapes kasi nga nag crave ako sa grapes tas si madam naman gusto nya raw ng banana pagbigyan ang request…

@Lirabell

Ay bukas Jan. 1 panibagong taon na naman ang dumarating. Salamat naman at may panibagong pagkakataon at pagasa para sa ating buhay.. sana naman ay bumuti na ang lahat. Nakakatuwa si madam sister may may pamahiin siya na minana sa aming namayapang mahal na tatay na gingawa tuwing bagong taon. Maglalaga ng itlog tas maggigisa at lalagyan ng sotanghon na pinakasabaw. Di ko alam ang ipakihulugan niyon, basta kasi kakain na lang kami. Kahit naman siya di rin nya alam ang…

@Lirabell

Sa panahong ito ngaun na uso ang sipon at ubo dahil sa ang panahon ngayon ay malamig at sobra pang mahangin. Kailangan diyan ay may panlaban ka upang ang sakit ay di gaanong lumala, dapat ay kumain ng mga prutas na maaasim katulad halimbawa ng dalandan na mayaman sa vitamin C, na pang palakas ng ating immune system at nakakabuti rin ito sa ating balat. Subukan kumain ng mga kagaya nito baka makaige ito sa inyong kalusugan. Maging masaya nawa ang inyong maghapon.