Sa umagang ito na mejo tanghali na wala pa ring nauumpisahang mga gawain na dapat ng tapusin, na parang kinatamarang kumilos siguro dahil sa sobrang aga nagising kaya wala pang gana. Dapat diyan uminom ng strong coffee at kumain ng heavy breakfast ng matanggal ang panglalata ng katawan, kaso baka sa sobrang kabusugan ay antukin naman at matulog. Ay saan ba lalagay? Sana naman ay hindi. +
@Lirabell in July 2021
Late na ang tanghalian kasi nag snack kanina kaya di pa nakaramdam ng gutom. Pero ngayon puede nang kumakain mejo naghahanap na ang ang tiyan. Nagluto si sister ng sinigang na isda na ang pinaka-sahog na gulay ay talbos ng kamote, masarap din siya na medyo maasim asim tamang tama lang ang timpla ok naman ito.
Salamat naman at kumalma na ang kalangitan, Thank you Lord, Ang tindi ng kidlat sobrang malalakas ang dagundong parang ang lapit lang niya. Me ulan pa rin pero mahina na siya. Puede nang mag dinner payapa na di magtatakip ng tainga dahil sa kidlat. Kain na mga friends. Magandang gabi sa lahat.
Late na naman uli, pero ang sarap matulog kagabi umaayon ang cool weather dahil matagal din yung ulan last night. Kaya lang pagbangon kanina ang masaklap masakit ang balikat, frozen shoulder ang sakit igalaw hirap ikilos ang mga braso, nakakairita. sana naman gumaling agad para ok na. Tanghali na eat na lang para matanggal ang stress, ke aga aga problema agad. Gandang umaga beautiful people. ❤
Lunch time na oras na naman uli ng tanghalian. Napuna ko lang ang sarap dito kasi puro pagkain ang naka post, kaya tuloy lagi na lang gutom sa dami ng nakahain na sari sari. : ) Sa ngayon tiyak na marami ang ulam ay ang paborito ng ilan pag friday ang munggo, sabagay favorite ko rin yan, kaya kasali din ako dun. Enjoy na lang natin kung anoman ang nakahain sa hapag dahil good blessings yan sa atin.
Maganda at panatag na sa pakiramdam ang gabing ito, dahil maaliwalas na ang panahon, salamat naman at bumuti na. Kaya lang sa ngayon ang kalagayan naman ng mga tao malapit sa taal volcano mahirap dahil sa sobrang abo na binubuga ng bulkan. Napakahirap talaga pag may kalamidad na sumasapit sa bansa kawawa ang mamamayan. Wala naman magagawa kundi ang manalangin na sana matapos na ito. Magandang gabi at mag-ingat sa sarili.
It's Saturday morning last day of the week. Maliwanag na ang 5am ngayon akala mo tanghali na pero maaga pa, Pero yung mga nag mamadali para pumasok sa work bilisan na lang para di ma-stressed sa pag pasok lalo na sa pagsakay. Bago ang lahat mag breakfast muna pinaka importanteng meal of the day, diyan tayo kukuha ng lakas para sa maghapong pag gawa. Good morning Ingat lang tayo para sa ating sarili at sa family. ❤
Nalibang na muna sa ilang mga bagay na gagawin bago naalala na di pa nag- agahan, kailangan daw masustansiyang almusal sa umaga para sa magandang kalusugan at lakas ng katawan. Totoo naman yan at hindi naman binabalewala, pero sa ngayon ang meron ay rice and fried fish lang ang sa umaga puede na basta food.
Maganda rin naman pag nahuli kang mag lunch, kasi lahat ng tira ay maiiwan sayo, okay naman kasi mejo madami-dami pa rin mahirap ubusin, Kaya lang hindi na maganda yung ibang parts at kahit na present pa ang leeg at back-bone puede na rin masarap naman at ok lang .
Nakakatuwa yung oranges na nabili, parang ang isa original at ang isa fake. pag mejo malambot tapos madaling balatan matamis at juicy original yun, pero ang isa naman pag hawak e matigas at ang hirap balatan kasi nakadikit na sa laman at pag kinain tuyot at matabang yun ang fake kaya dapat maging mapanuri at mapamili sa anomang bagay na bibilhin.😁
Sow good seed and reap good and if what you sow is evil so will you reap. For in everything a person does there is always an equivalent, whether it is good or bad you do. So before deciding on something think it carefully first, lest something go wrong and you will regret it later. Happy Sunday morning everyone. Family bonding... Enjoy your day.❤
Makulimlim na hapon sa lahat. At mainam naman dahil ang kapaligiran ay lumamig. Palatandaan na ang nalalapit na tag ulan. Mahirap man ito para sa ating lahat dahil magiging basa at maputik ang paligid ito ay tiyak na darating, hindi naman natin puedeng idikta sa kalikasan ang gusto natin, kundi siya ang mag-papasya at mag tatakda kung kailan niya papasapitin ang panahon.
Oras na uli ng hapunan, dahil sa gabi na kakatapos lang mag dinner at habang busog pa nood muna sandali kay mareng Jessica, mukhang maganda ang mga topic niya ngayon. Ang hindi lang maganda talaga sa show niya sobrang nakakaumay ang mga commercials ang dami at madali kang ng aantukin sa inip kakaantay sa susunod na topic . Good night na muna sa lahat mga mga friends. Thank you Lord for your wonderful blessings.❤
Sobrang late na nang gabi kailangan nang matulog habang hawak ang fon bigla ko nang mabagsak, mabuti na lang sa unan siya mahulog . Goodnight everyone . God willing magkatagpo tayo uli. Salamat naman sa inyong lahat.
Maligayang araw ng lunes sa lahat. At pagkalooban nawa tayong lahat ng biyaya na nararapat sa ating pangangailangan sa araw-araw. Salamat sa mabuting araw na ito. Sana sa ating pakikitungo sa ating kapwa maging respectful tayo, maging ito man ay bata o matanda. Kasi yung iba napakataas ang tingin sa sarili, self centered and boastful. Good morning guys. ❤
Nakatapos na rin magluto nang para sa tanghalian, pero maaga pa para kumain kaya pwede pang ituloy ang ibang mga gawain, ang maglinis nang kapaligiran dahil sa panahonng ito ay maraming lamok sa kaka-ulan. Snack na lang muna mamaya pa naman ang lunch. I-enjoy na lang natin ang araw na ito ng may mga ngiti sa labi.
Masarap mag merienda ng egg pie at kasabay ng mainit na cafe, mabuti na lang at nakapag-lakad lakad at napadaan sa may bakery at may tinda nga, mainit init pa bagong luto masarap siya at mejo crunchy yung crust niya, perfect combination sa black coffee. Kain na naman, parang ang libangan na lang ay kumain sabagay diyan masaya di sige na lang basta me kakainin enjoy.
Sa mga oldies at mga bagets gabi na kailangan nang mag rest at matulog ng maaga, masama sa mga may idad, ang magpuyat lalo na kung may nararamdaman na sa katawan, gayon din sa mga bata lalo kung may school pa kinabukasan, kailangan fresh ang kaisipan para masagot ng maayos ang mga activities kailangan sa pag- aaral. Goodnight everyone. Sleep tight.
Nahihihimbing kana sa pagtulog at napakanda pa ng iyong panaginip ng bigla kang magising, dahil sa sobrang lakas na buhos ng ulan, eh di sira na yung napaka gandang tulog mo sira na ang moment mo. Pero okay pa rin good blessings naman yan. Tulugan na lang ulit malamig na. Good morning na night pa rin.
New morning new beginning lagi itong dumarating sa ating buhay. Sa bawat pag-mulat ng mata may natatanaw na bagong pag asa. Sabayan lamang ng tamang pananalig upang ito ay makamit...in God's perfect time. At ano mang bagay na ating hinihiling lakipan natin ito ng may pagpasasalamat. Gandang umaga, mag breakfast na bago pumasok sa work. Magmasipag at maging matapat sapaghahanap buhay. And be cheerful always to all. Morning.❤
May swerte akong natanggap mula kay younger brother maliit lang na halaga pero importante sa akin ika nga, It's the thought that counts, kasi yung maalala ka lang ng kapatid mo me kasayahan kanang madarama dun. Thankful ako kay Lord sa pagkakaroon ng mga kapatid na maalalahanin kahit na wala na kaming mga parents.🙏
Ang dilim ng kalangitan nag uumpisa ng bumuhos ang malakas na ulan ngayon. me kasama pang hangin. Bigla bigla naman pati kulog sunod sunod nakakatakot tuloy, sana huwag ng kumidlat, kulog na lang ang kaso meron din magkasunod sila palagi. Sana yung mga nasa labas mag ingat delikado.
Midnight na kailangan nang mag pahinga nasobrahan na ng oras may bukas pa. Thank you Lord sa lahat ng mga bagay. Gandang madaling araw.
Cool weather ang nagdaang magdamag, masarap ang tulog at mahimbing kahit late nang nakatulog kagabi. Kaya lang kailangan bumangon ng mas maaga para naman dumalo ng aming mid-week on line gathering...(food for the spirit) After that puede ng mag breakfast para mag-karoon ng lakas sa mag hapon, kung kaya pa mag work pero kung hindi balik muna uli sa higaan at matulog para makabawi ng power. Gandang umaga sa lahat. ❤
Break time na kailangan nang kumain ng lunch tanghali na. Masarap mag ulam ng fried fish na me kasamang kamatis, simpleng ulam pero gaganahan kang kumain at tiyak sobrang busog ka nyan. Kaya lang mahirap talaga mag prito ng fish masakit ang talsik ng mantika. Pero kung gusto talagang kumain nang maayos pagsikapan itong gawain.
Natapos na ang maghapon at gumabi na naman, mag dinner na at kailangang linisin din at sinupin ang mga pinagkainan. At sana naging mabunga at ligtas ang inyong maghapong nagdaan. Sa mga maghapong nag-hanapbuhay para sa kanilang pamilya, pahinga na para sa kinabukasan ay may panibagong lakas na magagamit. Magandang gabi sa inyong lahat. Stay safe and God bless.
Morning greetings to everyone. Thank you Lord sa araw na ito at sa panibagong blessings na kaloob. Karaniwan na sa tao ang maging mapili sa kung ano ang mabuti at nararapat at sigurado ang gugustuhin ay yung pinaka the best but sometimes they still make mistakes and go wrong. At sana bago gawin ang anomang bagay pagisipan munang maige at pag aralan kung ito ay nararapat o hindi. Masayang umaga para sa lahat.❤
Tapos na naman ang umaga, sa ngayon nasa kinahapunan na at nakakain na rin ng lunch, busog na at nakalinis sa lahat, puede nang magpahinga, mag break na muna sa lahat ng gawa at ng makapag siesta sandali. Mamaya na ituloy ang mga gawain pang naghihintay na tapusin, Pero ang kalangitan parang nag - babadya na naman ng hindi maganda, Sabagay ok lang yan at madidiligan ang mga halaman at ang paligid ay lalamig. Good afternoon guys.
Nagluluto na ng pang hapunan yung aking best ever sister friend naki usyoso lang sa kanyang ginagawa, okay naman daw at nakaluto na siya ng ulam paksiw na isda at yung sinaing ay luto na rin. Mag aantay na lang ng kaunting sandali at maagang makaka-kain. Sana okay yung paksiw di gaanong maasim.
Maraming salamat sa lahat na nakasama sa buong maghapong ito na nagdaan. Happy ako at na enjoy ko itong mabuti. Goodnight my dear sweet noise friends. Have a great evening . God Bless us all always.
Gising na kahit late ng natulog kagabi hindi puedeng di sundin, me obligation kaya tiis tiis lang natapos din naman ng maayos kahit panay na ang tango sa sobrang antok kagabi. Wala pang gaanong ganap ngayon dahil maaga pa pati sa weather nating unpredictable na pa bigla bigla ang dating na akala mo anjan na yun pala di naman tutuloy, okay lang basta magdala ng panangga pag nasa labas para sure na ligtas sa sobrang basa. Gandang umaga sa lahat, ingat sa lahat ng bagay. God…
Nakakatuwa naman ang daming naka- post na pagkain dito kung puede lang manghingi sa sobrang dami tiyak na super busog kana nyan. Hehe joke lang po enjoy lang naman kasi akong mag-basa sa mga content at yung mga food na naka post mukhang mga super delicious silang lahat. Enjoy your food guys. Happy eating.❤
Hapunan na pala kakagising lang, nakatulog kasi kanina ng 5pm ng hapon dumiretso inabot na ng 8 pm. Mabuti na lang may nanggising para kumain, pero okay sa pakiramdam yung mahabang tulog nawala yung sakit ng katawan, nasobrahan kasi ng puyat kagabi salamat at nakabawi rin ng lakas. Magandang gabi sa lahat. Thank you Lord. ❤
Mabiyaya at maaliwalas na umaga sa ating lahat mga friends. Sa araw araw na dumarating sa ating buhay nakikita natin ang ibat-ibang klase ng buhay na kung ikukumpara sa ating sarili masasabi mong mapalad ka pala at napag kalooban ng isang mabuting pagkakataon sa iyong buhay na dapat na linangin at pahalagahan, dahil naibigay sayo ang mga bagay na higit na mabuti at maayos. At ito ay di nararapat na gawing daan upang humamak ng mga nasa mababang kalagayan at mga walang anoman…
Dahil tanghali na at gusto nang maka- kain ng tanghalian, nag prito na lang ng daing , ang sarap kumain nakakagana lalo at ang sawsawan ay suka na may sibuyas at bawang, busog talaga. Favorite ko talaga ang daing na i-ulam ewan ko ba pag ganyan ang ulam di ko talaga tatanggihan. Kain na rin kayo para makapag relax at maka pahinga muna.
Hindi ko gustong mang iwan pero gusto ko na talaga, hindi ko na kayang tiisin ito bahala na... Sobrang antok ko na po kaya ngayon matutulog na ako for sure : ) Goodnight noise buddies, salamat sa inyong kabaitan. Enjoy your night noise family.
Napaaga ang gising ko ngayon di ko naman alam kung bakit ayaw na uli akong patulugin, three am pa lang gising na nauna pa ako sa manok, ngayon pa lang sila nag- sisitilaok. Kanina pa ako nagbabasa ng mga content ng mga ka-noise baka sakaling antukin uli kaso wa-effect din. Sunday morning na, family bonding ng mga walang work pero ang iba kahit linggo me pasok, kalimitan naman yan sa mga store lagi silang open lalo at mga essentials ang product. Magandang umaga sa lahat. Be…
Malapit na ang tanghalian kakauwi palang galing sa Mall, nabali yung face shield ko baka di ako papasukin sa loob, mabuti naman at may nakita yung Sister ko na nagtitinda sa labas at nakabili rin bago pumasok,Yun naman hindit pala gaano mahigpit sa loob kahit di nakasuot. Pero pag pasok sa loob ng grocery kailangan me suot kasi naninita na okay lang naman kasi protocol yun para sa kaligtasan ng lahat. At sa wakas naka uwi rin ng maayos, Salamat. Gutom na ako gusto ko nang…
Kanina nag message yung friend ko nangangamusta sabi ko mabuti nmn, Tinanong niya kung nagpa vaccine na ako, sabi ko hindi pa kasi takot pa. Sabi niya huwag daw matakot kasi di naman daw masakit kaunti lang, Sa braso mejo manhid ng kaunti. Tapos na daw siya 'gang 2nd dose. Sabi ko cge pag-iisipan ko ng isang libong beses sabi niya bakit ang daming beses, Syempre sabi ko one day at a time kong pag iisipan less than 3yrs. yun, siguro sa oras na yun wala ng covid eh di ligtas…
Isang mabiyayang araw para sa ating lahat, na sana ay makamit natin sa buong maghapong darating, at ligtas sa lahat ng kapahamakan sa anomang paraan. At sana makagawa din tayo ng mga bagay na kaaya-aya at kapaki- pakinabang sa kapwa upang maging mabuting halimbawa na puedeng tularan ng iba sa ikabubuti ng mga nakakakita. Magandang lunes ng umaga sa lahat. Ingat po.
Kakatapos lang mag lunch tapos na rin ang lunch break ng mga nag- wo-work, umpisa na uli ng trabaho para sa pangangailangan nila at sa family na rin, Sa bahay naman rest din ng kaunti at short nap. Kaya lang ang kalangitan mukhang nag- babadya na naman ng ulan dumilim masyado, mabuti kung matuloy siya para malamig ang paligid at madiligan ng husto ang mga halaman.
Handa na ang kakainin para sa dinner at nakahain na, Kain na mga galing sa work, na pagod sa mag- hapong pag-hahanap buhay. Sana sila ay laging malakas at malusog upang magawa nila ng maayos ang kanilang mga gawain sa araw araw. Salamat naman at naging mabiyaya at masaya ang araw na ito, na ligtas sa masama at kapahamakan. Magandang gabi, na sana ay maging mapayapa ang gabing ito sa inyong lahat. Goodnight.
Nakagala rin ngayon, mejo di gaanong ma-traffic at nakarating agad sa pupuntahan at ganon din sa pag uwi. Sana laging ganoon para hindi hassle ang pag bibiyahe kapag me importanteng lalakarin. Ang weather naman okay rin di gaanong mainit tolerable naman siya. Ang hindi lang okay ay aking tiyan kailangan nang lagyan ng laman at mag mirienda na dahil siguro napagod na din. Let's eat buddies snack tayo maaga pa kasi para mag lunch. Morning.
Mauna na muna akong mag out sa inyo mga friendship hindi talaga maganda ang pakiramdam siguro kailangan na munang mag rest na for now. I have this terrible headache pati mata napapaluha baka dahil ito sa migraine, hindi talaga siya okay. Till tomorrow na lang ulit, God Willing. Goodnight my dear sweet friends. Thanks.
Pag may bagong umaga mayroon din naman na panibagong pag asa. Sa araw araw na pag dilat ng mga mata. Maging hopeful palagi, at iwasan ang pagiging hopeless sa buhay, dahil hindi na yan makakabuti sa isang pagkatao, at nagiging mahina ang loob at malungkutin na lagi na lng nagmumuk-mok. Maging masigla at magisip ng mga bagay na makabubuti sa sarili at tanggapin ang anomang mga bagay na dumating sa buhay maging ito man ay masama o mabuti. At higit sa lahat ng bagay dumalangin…
Perfect timing ang hapon na ito umuulan ng malakas, nakakaantok at ang sarap mag relax at matulog muna habang pumapatak ang napaka lakas na ulan. Sana lang huwag naman mag baha sa ibang lugar na mabababa kawawa naman, at baka sila malubog sa tubig. Thank you Lord sa araw na ito at pinalamig mo ang paligid.
Night time na uli at tapos na rin ang maghapong pag gawa kaya siguro, stop na muna for now. Salamat sa lahat ng mga bagay na natanggap sa buong maghapon na naging masaya para sa akin, Gayon din sa aking mga sweet at mababait na noise friends. Good evening guys, thanks and God Bless. ❤
Ang kagandahan lang sa pag gising sa umaga ay ang agad na pumapasok sa isip ng tao ay ang pagkain. At palagi naman na bago yan ay ang uunahin muna ang mga morning routines kasama na yung sa personal hygiene na importanteng gawain,doon na susunod ang pagkain ng hearty breakfast...at tiyak na masaya ang tao pag nabubusog, nagiging masigla sa pag ganap ng kanilang mga tungkulin lalo na sa kanilang pag hahanap buhay. Magandang umaga sa lahat. Enjoy your day guys and keep safe…
Dahil past twelve na ng tanghali need na munang mag break from work at mag- lunch na muna para lumakas. Me of course kakain na rin, mejo kumakalam na rin ang tiyan ko at parang me nag aaway na sa loob, kailangan nang pakalmahin sila para walang gulo. Heto na ang ulam ko kasya na yan sakin, hindi naman ako malakas kumain mabilis lang mabusog, mahilig lng ako mag nibble ng food. Tara let's eat na.
Nakatapos na rin ng hapunan. Salamat sa mabiyayang maghapong ito at kahit paano ay nairaos na maayos. Masaya at may isang mabait na nag- bigay ng napakatamis na favorite kong dark chocolate at saka isang supot ng malutong na peanuts, pareho ko yan na paborito. Salamat po. Parang di nagparamdam ang ulan ngayon pero panay naman ang kulog lang, maalinsangan pa naman ngayon. Good evening sa lahat. Noise.cash family ❤
Napakaganda ang pag-gising sa umaga kapag sa pag mulat ng mata ay matatanaw ang isang maaliwas na kapaligiran, maayos at malinis hindi magulo. At sa pagkain ng breakfast tiyak na gaganahan ka pa kasi wala kang makikita na eye sore sa paligid. At kung pagkatapos ng lahat ng mga iyan, makikita mo naman ang alagang halaman ay may bulaklak kahit na maliit lang at pagdating ng katanghalianay lanta na agad kasi nga pang morning lang talaga ang buhay niya, maganda siya at malamig…
Dahil maraming tirang kanin kagabi kasi yung iba ayaw mag-rice kakain na lang daw ng noodles kaya marami talagang left over. Sinubukan kong gawing fried rice nilagyan ko pa ng maraming toasted na bawang dahil masarap yun, naluto naman ng maayos ang problema sobrang alat nadamihan pala ang lagay ng asin ang hirap kainin kahit lagyan ng sabaw, bandang huli binigay na lang kay dogie ayaw din niya kainin at panay ang tahol parang humihingi ng ibang pagkain, Kakahiya naman sa aso…
Dinner time na naman uli sa oras na ito. Salamat naman at sumapit na muli ang gabing ito. Naalala ko last night habang nag scroll ako ng aking CP hindi ko namalayan nakatulog ako at naka open pa siya. Yung pamangkin lumapit pala sabi nya tita tulog na tulog ka me nabasa ako sa fon mo, sabi ko ano? Sinabi niya kung ano nagulat ako dahil totoo yun, alam ko kasi na off ko di pala, Sabi ko patay buking na nalaman na nya. Nainis ako talaga kasi engot ako at careless pa. Kaya next…
Maagang gumising dahil kailangan at me dadaluhang on line religious meeting at kakatapos lang. Thanks God sa good blessings na ito. Mamaya late in the afternoon me isa pa. Napakasaya ang umagang ito para sa akin, kahit na me na-unang pang kapalpakan na naganap, okay lang at napalampas na at di na iisipin. Magandang umaga sa ating lahat. Weekend na Saturday pay day ng ibang nag ta-trabaho lalo na yung sa mga factory ang work. Enjoy your day. Mag breakfast na muna po tayo.❤
Dahil weekend ngayon at siempre family bonding pa dapat konting special ang ulam kahit na halos lagi itong niluluto sa bahay. Ang chicken ay medyo mura-murang nabibili kaysa sa fork o beef. Simple at napakadaling lutuin ang tinola, masarap higupin ang sabaw na mainit init lalo na kung may lagnat o kaya ay may sipon, maigi siyang gamot sa may mga dinaramdam sa katawan... Kain na ng tinolang manok.
Tapos na mag dinner kaunting pahinga lang puede na. Mauna na muna akong mag log out sa inyo, me iba pa kasi akong gagawin. Maraming salamat sa lahat na mabubuting bagay na natanggap kahit hindi man. Maiwan ko na muna kayo my sweet dearest friends. Goodnight and thank you. God Bless. ❤
Sunday morning and I have nothing to do just for now feeling tamad lang. Pero mahirap naman pangatawanan yan sa buong maghapon lalo at di sanay na hayahay lang sa buhay. Nalimutan ko kanina na sunday pala ngayon panay pa nmn ang gising ko kay sister baka malate siya sa work, ayaw bumangon sabi pa istorbo ako. Yaay totoo nga sunday pala eh, Me memory gap na ako matanda na. : ) Special mention pala sa aking generous at kind hearted na noise mate, wala na akong masasabi pa.…
Nakatapos na rin kumain ng tanghalian. At sana ay gayon din kayo, Nang magkaroon tayo ng sigla at lakas na kailangan nang ating katawan. Upang sa ganoon magampanan na maayos ang mga tungkuling naiatang na sinupin. Gawin laging malusog at masaya ang ating pangangatawan, at sa tuwina pagsikapang laging maganda ang pananaw sa buhay. Bawal ang laging nakasimangot nakaka papangit ng buhay. I-enjoy lang ang mga araw na dumarating sa buhay ano pa man iyon. Magandang hapon sa lahat.…
Banana kain tayo into palagi, pang himagas bago kumain o puede din pagkatapos, rich in vitamins lalo na kung kulang sa potassium at lagi pang present sa pamilihan all year round. Hindi nawawalan kaya lang sa panahon ngayon medyo me kamahalan na ang kilo dati kasi ang bentahan per piece ngayon per kilo na at nag mahal pa. Salamat naman at lumipas na ang pagka busog kaya puede nang mag ready na sa tulugan habang nanonood pa ng TV. Salamat sa lahat. Goodnight ❤
Monday morning na first working day of the week. Ingat sa pag bibiyahe mejo umuulan ulan madulas ang kalsada at magdala rin naman ng panangga sa ulan at baka kayo magkasakit pag nabasa ng ulan delikado pa naman ang panahon ngayon may covid pa rin naman di pa nawawala. Ingat kayo sa lahat ng bagay. Magandang araw sa ating lahat. God Bless ❤
Gulay ang uulamin, ginisang pechay. Mabuti sa kalusugan ang mga berdeng gulay, kahit ang iba ay ayaw kumain nito sana naman ay sanayin natin ang ating sarili na tikman ito. Sapagkat may mga masasarap na pagkain pero nakasasama naman sa kalusugan at mayroon namang hindi masarap sa panlasa pero napaka-inam naman na sa kalusugan. Sumubok lang na kumain ng mga gulay tiyak na magugustuhan ninyo ito kahit ano pa man ang lasa. Tanghalian na kain tayo mga ka noise.❤
Tag ulan na yata talaga ngayon di na humihinto sabagay maganda naman una lumamig ang paligid at pangalawa hindi kana magdidilig ng halaman libre na tipid na sa bayad ng water bill at higit sa lahat gagaling na rin ang skin rashes dahil sa sobrang init nagkakaroon ka ng itchy itchy sa katawan bungang araw in short, yan ang advantage ng may ulan. Pero mayroon din naman disadvantage marami rami rin kaya lang huwag ng banggitin pa kasi hahaba pa basta hanggang jan na lang muna…
Holiday ba talaga ngayon di ko ata alam, ano ba yan tanghali na wala pa rin sa sarili siguro epekto ng kakagising lang uli, kumain naman ako kanina bago nakatulog ng di sinasadya kaya di gutom. Kung minsan kasi parang na lo-lost track ka, ewan kung bakit, ako lang naman ang nakaramdam nyan kanina. Kalimutan na nga yan at harapin na lang ang makabubuting bagay na dapat mapakinabangan sa araw na ito. Gagala na lang muna sandali at may bibilhing importanteng bagay na kailangan…
Malapit na naman gumabi matatapos na uli ang maghapon na parang walang nangyari maliban sa malungkot na panahon, gloomy siya talaga. Mainam na lang ang ganyan basta wala lang problemang mabigat, Maging masaya na lang tayo anoman ang dumating at tanggapin na lang ito na may kasiyahan sa puso. Parang nagustuhan kong kumain ng mainit init na noodles kahit late ng mag merienda, matagal-tagal pa naman ang hapunan kaya pwede pa.
Wednesday morning pero napakalakas ang buhos ng ulan. Mahirap makapasok sa work kahit me payong di kakayanin mababasa ka talaga. Parang tatagal pa siya kasi napakadilim ng langit. Sana naman makapasok, kung hindi hihinto si ulan absent na sa trabaho, sabagay gusto natin ng ulan kaya lang malapit nang bumaha ang daming tubig, yan ang disadvantage ng ulan nabaha. Ingat na lang sa mga papasok sa work parte na yan ng ating buhay.
Ang lungkot naman, pag ganito ang weather talagang malungkot at nakakaantok pa, kaya lang ayaw ko naman ng puro higa at tulog na lang ang gawin ang sakit kaya sa katawan yung ganon at di ako sanay. Mas gusto ko pa ang kumain na lang nakakasaya sa puso : ) hindi naman sa matakaw pero oras na naman ng merienda kaya okay lang yun, Me tira pang fried rice kanina yun ang aking kakainin at kasabay ang mainit na cafe at meron pang biscuits, tamang tama busog talaga at hayahay na.…
Karaniwan na ang Adobo ang pinaka- sikat na ulam natin, madaling siyang iprepara at lutuin, napaka simple lang. Masarap ilagay ang sarsa niya sa kanin at gaganahan ka talagang kumain. Ang iba pag nagluto niyan nilalagyan nila ito ng nilagang itlog at pineapple, para lalong sumarap, kahit simple lang ang pagluto masarap pa rin at gaganahan kana rin chicken man o karne ng baboy ang gamitin. Tara na kain na tayo, luto na ang adobo.
Maging mabibiya at maaliwas nawa ang ating maghapong ito. Mainam inam na ating panahon bagamat makulim pa puede na rin, maayos na ring makaka- biyahe saan man patungo ang bawat isa. At sana maging maayos at ligtas ang lahat sa kanilang mga gawain. Nakahanda na rin ang lulutuin para sa tanghalian. Dito may dalawang bunga ng sayote, prutas siya pero ginagawang gulay at pang ulam na lalo kung sasahugan ng maraming giniling na karne tiyak napa-kasarap na talaga, Yung gulay kaya…
Gustong lumabas pero ayaw kasi takot mabasa ng ulan, hindi naman asin para matunaw sa tubig, Pupunta sana ng grocery para bumili ng gamit, ipag- paliban na lang at antaying umaraw . Kasi akala ko kanina okay na, di pa pala pabago bago talaga ang panahon. Bed weather talaga siya. Magkulong na lang muna ngayon sa bahay at kumain na dahil oras na ng tanghalian. Enjoy your food friends lunchtime na, mamaya ulit uli. :)
Nakaluto na ng uulamin sa hapunan tortang tuna flakes , kaya lang mejo toasted siya at brownish na ang kulay pero ng tinikman ko ok siya masarap naman at hindi masama ang lasa. Pagtiyagaan na lang gabi naman, lagyan na lang ng catsup para magkaroon ng extra flavor. Kumain na tayo at gumagabi na habang ang ulan ay pumapatak ng walang tigil aalis din naman yan pag katapos. Happy eating na lang mga friends, at pagtapos ay makapag relax na at ng magawa naman ninyo ang iba pang…
Malapit na naman ang weekend Friday na uli, bangon na sa higaan at mag- ligpit na, Yung mga ayaw pang bumangon hayaan na lang silang mahiga at baka tubuan na ng damo ang katawan at doon na sila manginain para di na tumayo hanggang sa gusto nila. Sa mga taong maliksi ang katawan masigla at masipag magtrabaho na po. Ng makarami na ng mga gagawain at pagka natapos ang lahat ng hirap sa pag- hahanap buhay ay ma e-enjoy naman ninyo at ng inyong pamilya ang inyong pinag hirapan sa…
Tanghalian na pala kaya pala nakakaramdam na ng gutom. Nag prito na lang ng beef loaf para madaling lutuin. Bakit kaya pag nakatambay lang sa bahay lagi na lang pagkain ang nasa isip at lagi ring ramdam ang gutom. Sa ulam okay na lang ang ganyang at sabawan na lang ng instant noodles, puede na mabubusog ka na rin kaya lang walang vitamins na makukuha sa ganyang klase ng pagkain kagaya rin yan ng mga junk foods, pero kung paminsan minsan lang naman lalo at gahol na sa oras…
Gabi na ang bilis talaga lumipas ang oras kanina nagme-merienda pa lang at ngayon hapunan naman tapos na rin. At least me nakakain pa rin kahit papaano. Basta magsipag lang ang isang tao tiyak makakakain sa oras ng tama kung di man sobra ay sakto lang. Yung aso dito napansin ko pag panay ang kulog at kidlat takot na takot di malaman kung ano ang gagawin nakakaawang tingnan. Sana naman huminto na para mapalagay na siya.
Hindi pa rin maganda ang weather kahit na lumabas na ng PAR ang bagyong si Fabian, kasi me habagat pa kaya panay pa rin ang ulan at pag- baha delikado pa naman pag lumusong sa baha malamang magkasakit ang tao. Kaya sana doblehin na lang ang pag- iingat lalo doon sa mga lumalabas ng kanilang mga bahay. Masisira talaga ang schedule mo pag umu- ulan, Me importanteng aasikasuhin di matutuloy kasi nga na ca-cansel, Sana maging okay na ang lahat para walang hassle na sa pag lakad.…
Mainam na ang pakiramdam puede na. At nakatapos na rin mag dinner. Salamat sa nagdaang maghapon lalo na mga blessings na natanggap. Thank you Lord. Mauna na ako sa inyong mag out mga ka-noise.. pansamantala hanggang dito na muna. Goodnight my sweet dear friends. ❤
Hindi na happy Sunday kundi very very gloomy siya talaga at ayaw paawat panay ang buhos ng ulan walang patid. Mabuti na lang at walang creek dito sa lugar namin kundi tiyak lunod na ang paligid. Pasalamat na lang sa magandang kapalaran na ito. Dahil linggo ngayon at araw na mag- kakasama ang pamilya mag enjoy na lang kahit nasa loob lang ng bahay at mag salo salo sa hapag anoman ang mayroon kayo. Maging masaya na lang sa bahay kasi napakahirap ang gumala sa panahong ito na…
Masarap pa rin kumain kahit na late ang tanghalian kahit na fish lang at sabaw puede na choosy pa ba sa hirap ng panahon ngayon. Parang ang dami nang kalamidad ang dumarating sa atin siguro naman matatapos din yan sa kalaunan in God's perfect time. Kailangan tiwala lang na may magandang bukas na darating para sa lahat.
Nakatapos na ng hapunan at makaka- pagpahinga na rin at puede nang manood ng i-KMJS mo na yan, maganda ang mga topic ni mareng Jessica ngayon sabagay lagi nmn maganda linggo linggo. Goodnight na muna mga friends medyo inaantok na rin...bukas na lang muli ipag-patuloy kung sakali ipahintulot ng pagkakataon. Magandang gabi mga mahal na mga ka-noise.
Nagising lang bigla sa agang ito di ko alam kung bakit kaya mag- babasa na lang ng mga content ng mga ka noise dito, Sana antukin na uli sobrang napaka aga pa para gumising. Morning na pero night pa rin.
Maaliwalas na ang panahon at nagpakita na rin ang araw, salamat naman at medyo nakapag patuyo na rin ng mga sinampay. Sana naman magpatuloy na ang ganitong araw para hindi na mahirap ang paglakad saan man ang pag-tungo. Magandang hapon sa lahat. Puede na rin munang gumala kahit sandali dahil me pagkakataon na. Mamaya naman makinig tayo ng sona ng ating president last na niya ito ngayon.
Maganda yung last sona ni President Duterte kanina kaya lang napakahaba. Pero di naman nakakainip kasi may kasamang humor kung baga sa pag- kain me palabok hindi boring. One year na lang ang natitira sa term niya at mag e-election na naman. Sana naman makasundo na ng mga activists ang susunod na magiging presidente, O baka dahil sa ang gusto ay sila na ang malagay sa pamumuno, kaya lahat na lang ay kontra sila. Yung di pa nag di-dinner kain na po kayo mejo late na sa gabi…
May pinuntahan ako, at umayon naman ang langit walang ulan kaya maganda ang biyahe wala ring traffic at madali naman nakarating sa lugar na patutu- nguhan. Kaya lang si manong driver kawawa naman walang pasahero ang haba pa naman ng jeep niya. Dalawa lang kami nung ale sa gitna siya ako naman sa dulo sa may pinto, Nang bumaba na ako isa na lang ang natirang pasahero, lugi talaga siya sa gasolina. Sana sa next na ikot niya madami na siyang maisakay.
Ang pangalan ng native delicasy na ito ay muron from Visayas. Kalimitan gawa ito sa province ng Samar. Hindi ako masyadong familiar pero masarap naman ang lasa nang matikman ko. Siguro kung laging matitikman magugustuhan na rin dahil masasanay na ang dila sa pagkain. Tara merienda na at tikman ang muron.
Hindi na talaga kaya pang makipagtitigan kay CP masakit na talaga sa mata, at naluluha na rin. Kaya siguro kailangang mag hiwalay na muna kami ngayon pansamantala, itutuloy na lang muli kung sakali kung puede na. Kaya lang baka di ko matiis mabuksan muli. Sana hindi : ) Stop na muna ako for now mga ka- noise. Ingat lang sa lahat ng bagay. Magandang gabi.
Finally nakapag register na rin sa national ID hintayin na lang daw sa bahay at ide-deliver nila. Salamat at nakatapos na rin. Kahit di maganda ang weather ngayon, maayos naman ang pag- paglakad. Pero meron pa akong isang pipilahan di pa ako decided doon, soon na lang pag me lakas na ng loob. Pagsisikapan kong matupad yaon. Happy day.
Ay lumalalim na naman ang gabi. Wala namang gagawin pang iba kundi mag pahinga na at mag ayos ng higaan upang matulog na. Tulugan na lang yung mga kulog na malakas at dumadagundong, na para ba siyang wonderful sound na nakaka gulat, tiis tiis lang dahil pag tulog na, di na maririnig lalo pag bumuhos na ang malakas na ulan. Gandang gabi noise friends. Tulugan na.
Kahit ganyan ang weather okay na rin kaysa magreklamo pa. Pero hindi na talaga tumigil panay na ang pag- patak hindi naman kalakasan banayad lang parang natatamad lang, siguro matatagalan pa yan bago tumila. Ang mahirap lang ay ang paglabas lalo at may importante na kailangang bilihin. Gamot o kaya pagkain. Kaya kung tinatamad ng lumabas pagtiisan na lang muna kung ano ang mayroon sa bahay at saka na lang lumabas kapag huminto na ang ulan at samantalahin ang pamimili na…
Dahil sa panahon ngayon na sobra ang tubig sa kakaulan. Kailangan lang na ang uulamin naman ay masabaw din para ang mga katawan na giniginaw ay mainitan sa ganoon ay pag pawisan ang inyong mga body at hindi antukin dahil maaga pa para mag siesta. Manood na muna ng palabas sa tv at huwag tulog ng tulog baka manasin na sa kaka-idlip.
Na-aprobahan na ni President Duterte yung rekomendasyon ng IATF na ilagay ang NCR Plus area under ECQ with heightened restrictions simula sa August 6 hanggang sa 20 Mejo may kahigpitan na naman ang mga lugar dito sa national capital region Sabagay sa tigas ng ulo ng mga tao mahirap pasunudin kahit sabihing bawal sige pa rin. Mahirap talagang maintindihan kung bakit nangyayari ang ganitong bagay, bahala na lang kay Lord kung ano pang mga bagay ang darating pa, daanin na lang…
Nagising na naman ng sobrang aga 3am pa lang, panira talaga ng moment si kalikasan di mo naman puedeng tanggihan ikaw din ang masisira. Para lang yan yung kanta na ang sabi eh Wala ka nang magagawa kundi sundin ito - hindi naman yuon puso kundi puso-n. Balik na uli sa higaan at piliting matulog kahit ayaw na.
Masayang tanghalian sa lahat. Kakatapos lang mag lunch mejo nabusog na rin, Ang inulam ngayon ay ginisang gulay pampahaba daw ng buhay, mainam ang gulay sa ating kalusugan kahit ang iba ay ayaw kumain nito. Mabuti buti na rin ang weather sa ngayon hindi na siya gaanong malungkot kasi sumikat na rin ang araw kahit papaano. sana matuyo na ang aming mga sinampay. Magandang hapon sa lahat.
Pay day Friday siempre ng mga may work yung mga walang work nganga kasi ayaw kumilos para kumita antay lang ng grasya galing sa iba. Anyway kain na kayo ng dinner whether masarap o hindi ang inyong food okay lang yun grasya pa rin galing kay Lord na dapat lamang ipag-pasalamat ng taos sa puso. Dahil nakakain na ng hapunan at nabusog na nood muna ng teleserye, habang nag re-relax. Masama ang matulog ng busog. Ingat at Magandang gabi sa lahat.
Mapayapa at maaliwalas na umaga sa lahat. Happy weekend everyone. Magiging busy ang maghapong ito para sa akin. Kailangang masimulan na at maraming gawaing na dapat tuparin sa ganoon matapos kaagad. Kaya lang kailangan muna ang pampalakas ng katawan, ang mag breakfast nang sa gayon maging masigla ang ating katawan sa buong maghapon at ng hindi mapagod agad. Sa mga papasok na sa work, ingat at magdala ng mga pananggalan na kakailanganin. God Bless ❤
Malapit na naman ang tanghalian pero bago yan dahil kumakalam na naman ang tiyan at kailangan nang lagyan ng laman bago mag- away yung maliit at malaking intestines, merienda na tayo. Ang hirap lang ng nasasa bahay laging pagkain ang inaabangan. Mabuti pang nasa labas ka di gaanong makakaramdam ng gutom kasi abala sa work. I-enjoy na lang itong food.
Thankful ako sa lahat ng mga bagay na naganap sa buong maghapong ito. Marami rin namang magagandang pangyayari at nakatutuwa din naman. Sa ngayon pansamantala dahil mejo late na rin sa gabi kailangan na munang mag-pahinga at maghanda na sa pag tulog, At ipagpatuloy na lang bukas kung sakali at may magandang pagkakataon na dumating at loobin. Thank you Lord. Gandang gabi sa lahat.
Huh, Sunday morning na at unang araw ng August hopefully maging the best ang month na ito para sa ating lahat. Huwag mawalan ng pag-asa dahil sa bawat araw na dumarating ay may panibagong sorpresang dumarating sa bawat buhay ng tao. Kahit pa naumpisahan na naman ng kung sakali ay panibagong lock down dahil kay delta. Isipin na lang muna natin na sa ngayon ay okay ang lahat at I-enjoy ang maghapong ito. Magandang umaga sa inyong lahat. May God Bless us all always.❤