read.cash Log in
@Lirabell

@Lirabell in June 2021

@Lirabell

Uy first day of the month June na tayo. Nasa kalahatian na ng taon at malapit lapit na ang December, ano ba yan masyado yatang na advance, bonus agad ang naisip ah. Pero masaya naman, naisip lang. Uso pa rin kaya hanggang ngayon ang June bride, para kasing bihira na lalo sa mga celebrity ang nag papakasal ng ganitong buwan, sabagay sila nmn ang masusunod. Umpisa na tayo ng mga gawain na kailangang matapos. Good morning.

@Lirabell

Kakagala late na ang lunch mabuti nmn at may ulam pa, pero talaga naman daw pinag tabihan, eh di thank you nmn po. Makakakain na rin sa wakas medyo gutom na nga. Ang ulam hayan fried at paksiw na bangus na me eggplant on the side. Hindi ko masyadong bet ang bangus kasi matinik hirap akong kainin maliban na lang kung fried o kaya relyeno, ok siya sakin, tapos kumain, inom na ako ng black coffee para maalis ang lansa ng isda.

@Lirabell

Ano mang naganap sa atin sa maghapong ito mabuti man o hindi ay marapat lang natin itong ipagpasalamat..gawin natin ang ikabubuti ng iba hindi yung para sa sarili lamang at magsaya tayo kung ang iba ay maligaya din. Sa gabing ito maging maaliwalas nawa ating pansamantalang pahinga ng ating mga pagod na katawan. Magandang gabi sa lahat. Sleep tight and sweet dreams. ❤ U always my sweet noise friends, nayt.

@Lirabell

Makulimlim na umaga sa lahat, di pa gaanong umulan kagabi lang...pero sandali lang, mainam naman at lumamig na ang paligid. Thank you Lord sa araw araw na blessings. Sana sa maghapong ito ay maging mabuti at maayos ang mga pagkakataon sa atin. Paghandaan natin kung sakali dumating ang masamang panahon. Ingat mga kasama...Happy eating sa breakfast nyo : )

@Lirabell

Talagang gloomy weather na ang dilim ng langit at panay ang patak ng ulan, di naman gaanong kalakasan nasa kainaman lang. Ang sarap matulog bed time na muna habang maaga-aga pa.. at pag gising snack nmn ang haharapin, Ang ganda parang hindi tamad a hayahay lang sa buhay huwag sanang masanay dahil hindi na maganda iyon. Gandang hapon mga ka noise.

@Lirabell

Masaya din itong maghapong dumaan, At puede nang mag relax dahil natapos na rin ang mga gawain sa buong araw. Kailangan nang mag ayos at iligpit ang mga nagkalat na abubot dahil bukas maaga pang gigising at may pasok sa work. Thank you Lord sa mga blessings na aming natanggap sa maghapong ito. Good evening everyone... ingat tayo at me bagyo pa rin.❤

@Lirabell

Ang sarap ng tulog kagabi maginhawa sa pakiramdam, yung ulan banayad lang ang patak parang music na napapakinggan : ) Masaya at maaliwalas na umaga sa lahat, lalo na sa aking mga lovely and sweet noise friends. Finished na ring magbreakfast with my pan fried rice w/ eggs and my all time favorite energy drink, plain black coffee. Ready to start the new day na to work. Yun nga lang at home, hindi lalabas.. safe ba. Goody goody morning guys.❤

@Lirabell

Naalaalako during our childhood days naming magkakapatid pag walang pasok sa work si tatay pagtapos naming mag lunch tatawagin niya kami para matulog, higa nmn kami tapos kakanta na siya para daw madali kaming makatulog, Totoo naman dahil bandang huli siya ang nakatulog at kaming magkakapatid takbo na sa labas at naglalaro na, pag gising niya at nakita kami kamot na lang siya ng ulo sabay tawa, naisahan daw siya ng mga bata. Nostalgic talaga ang buhay nung kabataan mo,…

@Lirabell

Feeling better today but I have to get rest na for now para tomorrow pag gising full of energy na uli, at maging busy na naman sa maghapong darating . Antok na talaga, Salamat sa maghapong ito at sana sa pagtulog magkaroon ng magandang panaginip : ) Goodnight my beautiful love. ❤

@Lirabell

Gratitude to the parents is the duty of a good children who deserves time especially in their old age. Let us be diligent in taking care of them because when we were young they also endured taking care of us. Let us set this good example to our children for as we grow older they will also do what is right for us. A good example to them to fallow into their old age❤ Good morning*!*

@Lirabell

Balik na tayo uli sa dati, maalinsangan ang panahon. Pagtiisan na lang wala naman tayong magagawa kundi gawan na lang ng paraan kung paano giginhawa ang pakiramdam. Nakapagluto na rin ng ulam para sa hapunan. Kaunting oras na lang at kakain na naman, salamat na lang at kahit papaano natapos na ring gawin ang kaldereta daw na sobrang lapot, pero okay nmn ang lasa kahit papaano. Thank you na rin sa nagluto.

@Lirabell

Kanina mejo nakagala kami ng pamangkin ko ng kaunti, pumunta kami sa isang maliit na mall malapit sa lugar namin, bumili kami ng pizza, grabe sobrang bagal ang service naturingang fast food, yung mga workers ang bagal kumilos half an hour bago namin nakuha yung order namin, kakainip talaga... sana ayusin nila yung serbisyo nila nakakadala. Anyway natapos na naman ang maghapon at gabi na, I'm going to sleep na mga friendship. Thank you sa lahat and Good night.❤

@Lirabell

It's a pay day Saturday, last day of the week. Happy day to all and hope we can all be safe, let's do good to others and do not be stingy and judgemental. Do what is right for each other. Get ready for the work that needs to be done and hope everything goes well. Morning ❤

@Lirabell

Malapit na naman gumabi pero puede pa rin nmn mag snack kahit hapon na, dark chocolate cake at ang combination niya black coffee para maalis ang sweetness niya, ayos lang purong pait di nmn kasi ako sanay sa mga sweets iwas lng sa diabetes kung sakali para safe.

@Lirabell

Sa mga mag jowa jan na sweetness overload, na mas matamis pa sa sugar sige lang ipagpatuloy hanggat okay kayo pero kung mag aaway nmn ayusin para magbati uli gud luck na lang tutal kayo nmn ang mag jowa... just saying lng man : ) Anyway gabi na naman palagay ko split na muna tayo... mahihiga na para matulog. Good night na sa inyo , tomorrow nmn is rest day Sunday na. Till then see y'all.❤

@Lirabell

A very beautiful and sunny Sunday morning to all. Have a great morning everyone. Family bonding dahil linggo kalimitan no work ang parents kaya rest day nila. Happy ang mga kiddos dahil me mapag- lalambingang parents sa loob ng mag- hapon, pero si mama magiging busy sa maghapon doing household chores and preparing foods for the family. Enjoy your day guys, araw nyo ngayon be happy. Good day and may God Bless us all.

@Lirabell

Puede nang mag lunch luto na ang sopas na ginawa ni sister, wish ko lang, sana masarap pero kahit hindi puede na rin baka magalit at magtampo di na siya umulit , mahirap din kaya magluto, mas madali ang kumain di ba? :) Tanghali na rin naman sige na, masarap din naman yan lalo at me kasabay na fried fish. Happy eating friends enjoy.

@Lirabell

Perfect timing sa kainan yan ang gawain ng mga taong walang binabantayan kundi kumain ng kumain lang , kapag na puna magagalit at magtatampo pero sige lang hayaan na kung ano ang gusto para di magalit. Pag tapos nmn niyan ay hayahay na para matulog. Hindi yan mainam na pangitain sa taong walang hilig gumanda ang pamumuhay, kundi ang katamaran lang ang pinaiiral.

@Lirabell

Panibagong pag-asa na naman ang sumapit sa ating buhay. It's Monday morning, first day of the week ng mga may pasok sa work, ingat lang sa pag pagsakay at tandaan lagi ang safety protocol para walang aberya nang makarating ng maayos sa inyong pupuntahan. Thank you Lord at nagpaulan ka ngayong sa amin sa umagang ito, kahit sandali lng ng sa ganoon lumamig pansamantala ang paligid. Morning guys, ❤ y'all.

@Lirabell

Bakit kaya habang tumatagal palabo ng palabo ang pag asa habang tinitignan mo sige lang ang pag layo, mahirap nmn humabol baka lang madapa, di bale na lang bahala ka jan, kung ayaw di huwag, pasakitin pa ulo mo. Daanin na lang sa kainan, masaya kana busog pa ang tiyan, care mo ba kung malabo basta kain na lang. : ))

@Lirabell

It's raining today, and it's a gonna be a good weather , masarap matulog dahil mejo malamig ang panahon. Thank you Lord sa blessings na ito. Good night friends and thank U sa lahat. See you then.

@Lirabell

Ganda ng gising sa umagang ito masaya, Salamat sa panibagong biyaya na ipinagkaloob na muli sa atin, mejo malamig ang umaga sana tuloy tuloy na sa buong araw. Umpisahan na uli ang ating mga gagawin sa ganoon matapos agad. Mag breakfast na muna para may panlaban at complete ang lakas sa mga gawain. Masayang umaga sa lahat. ❤

@Lirabell

Nakaluto na rin ng uulamin sa lunch, fried fish with tomato catsup, ayos na yan para tipid, ready to eat na mamaya. Shower muna tapos para fresh ang feeling konting laba-laba lang ayos na. At saka na yung tanghalian mag chillax muna pagtapos ng mga gawain.

@Lirabell

Okay na sa akin ang masayang maghapong nagdaan maganda ang weather mejo cool dahil umulan. Kaya salamat sa pagkakataong ito. Thank you Lord sa araw na ito na lumipas, gabi na at kailangan ng magpahinga upang matulog. Have a great evening guys, thanks you and God Bless us all. Nayt ❤

@Lirabell

A gloomy Wednesday morning, thankful pa rin ako sa napakagandang umagang ito. Naisipang mag lakad-lakad sandali baka sakali me makitang mabibiling makakain na ibang klase, something na exotic : ) ano kaya yun, maghahanap pa nga eh.. kung mayroon, e kung wala nmn pasyal na lang at magpa-araw para sa lumakas ang buto. My sweet friends enjoy your day.❤

@Lirabell

Puede na tayong mag lunch luto na ang ulam mixed veggies, di siya gaanong masarap kaya lang kailangan yan ng katawan para maging healthy ang body. Pag may extra budget pa dagdagan ng fried fish para sa mga kids dahil ayaw nila ng gulay for sure, hindi sila gaganahan kumain.

@Lirabell

Sobrang lakas ng buhos ng ulan. kawawa nmn yung mga uuwi ng bahay galing sa kanilang mga work mababasa ng todo, parang di kakayanin ng payong sa sobrang lakas ng buhos ng ulan. Ingat lang sa baha mga friends. Stay safe. Good evening everyone.

@Lirabell

Let's be good to others, specially to the lowly. let us not be oppressive but be compassionate and give them the proper understanding. Do not be greedy nor not be proud or inconsiderate , but do the things that are profitable for the common good, be mindful of the things that are good for others not to the detriment of the poor. Good morning!!! ❤

@Lirabell

Sa labas kami nag lunch ng kasama ko dito sa place na ito, sa kanya yung full meal, ako yan lang diet ako, magkahiwalay kami may plastic barricade, ayos lang kasi dapat safety first kahit pa magkasama kayo.

@Lirabell

Ang ganda ng buhos ng ulan banayad na may kaunting kalakasan, parang nag- yaya na ng tulugan, bakit nga hindi eh gabi na oras para matulog. Sige na po Gudnayt everyone. Magandang gabi sa inyong lahat. ❤

@Lirabell

Gracious Friday morning to all, the beginning of another struggle of the day's activities. Thankful that we have the strength to use this day again. And it's good if some have already eaten their breakfast. Enjoy your food guys. Sana maging mabunga at ligtas tayo sa buong maghapon ito. Ingatan Nawa Tayo, at ang ating mga sarili salahat ng bagay. Magandang umaga. ❤

@Lirabell

Past twelve na ng hapon siguro naka - kain na kayo ng tanghalian nyo, masarap ba ang ulam, sana nga para ganado ang kain. Puede ring habang kumakain sabayan natin ng panonood ng noon time show. Kumakain na nalilibang pa para masaya. Tapos konting pahinga, hayahay na. dahil malamig ang panahon ngayon siesta na ang kasunod, tulugan na. : ))

@Lirabell

Masaya at natapos na muli ang maghapong ito, Salamat sa lahat ng mabuting pag-kakataon na nakamit sa araw na ito. Nakapag dinner na rin at nalinis na ang lahat ng bagay na dapat ayusin. Ready na muli sa pag tulog dahil gumagabi na, pero mas magandang manood muna ng teleserye habang nagpapahinga na may pinapapak na kutkutin o chichirya. Good evening and God Bless everyone.

@Lirabell

A sunny Saturday weekend morning to all. Thankful for the good opportunity that everyone has. Thanks God for waking me up today. Happy and blissful. Mag breakfast na tayo para kumpleto ang ating araw sa mga gawain na dapat tuparin. June 12 happy Independence Day sa ating lahat. Ang puso talaga ang nasusunod kung kanino nya gustong tumibok at siya ang namimili at wala ako sa posisyon para tumanggi.. kaya pasensya na po. : ) Morning ❤

@Lirabell

Snack time muna mamaya na ang tanghalian mahirap kasi magpalambot ng buto. : ) paano nga lalambot buto nga kahit one day pakuluan di siya lalambot. Merienda na lang muna ng pansit canton at pandesal, let's eat.

@Lirabell

A Blessed Sunday morning to all. Maging fruitful sana sa atin ang maghapong ito, A good blessings sa ating buhay from Above. Maaliwalas ang panahon puede rin naman gumala kahit saglit para maka- unwind naman dahil sa one week na puro work ang ginawa. Special din dapat ang maging breakfast paminsan-minsan dahil sunday naman. Enjoy your food guys and have a great day. Mowning everyone. ❤

@Lirabell

Nasa middle of the day na tayo tanghali na, kain na nang lunch mga friends. Matatapos na ang kalahating araw, mabilis talaga ang takbo ng panahon. Parang lagi nang nagmamadali, pati sa pag- kain puro instant, sa poultry products na lang kagaya ng chicken 45days lang puede ng lutuin. Kaya ang mga tao instant din ang sakit at ang daling ma- fall down. Ganyan talaga ang buhay ingat na lang at samahan natin ito ng mabuting Prayers.

@Lirabell

Gabi na kailangan ng mag dinner, medjo feel na ang gutom, agahan na ang pagkain ng matapos agad at ng makapagpahinga na sandali. Parang maganda ang panahon kaya mamaya yan masarap ang pagtulog, mapapahimbing ng todo, dahil tomorrow need na naman na maaga ang paggising, upang pumasok na uli sa work. Enjoy your night noise family.

@Lirabell

Mahimbing na tulog kagabi ang nangyari dahil maulan kaya sa pagising ngayong morning ay masigla ang katawan, Thankful for this blessings and I have nothing more to ask for. Be content with all that you have so that you may have a happy and peaceful life. Mag breakfast na muna para sa ating kalakasan upang makapag work ng maayos. Sana maging ligtas tayo sa lahat ng bagay. Good day everyone. ❤

@Lirabell

Tirik na tirik na ang araw sa katanghalian. Lagpas na sa tanghali hapon na, kaya pala kumakalam na ang aking tiyan nag- hahanap na ng ilalaman, Ang nilutong ulam ay ginisang ampalaya mejo me kaunting pait pero kaya naman tiisin mabuti nmn sa katawan ang gulay, puede na siyang i-enjoy, masarap nmn.

@Lirabell

Habang nag re-relax dahil kakauwi lang galing sa work, pahinga na lang muna sandali bago kumain ng hapunan. Maupo muna at manood sa harap ng television, maganda naman kahit papaano yung palabas na teleserye kaya lang malapit na siyang tapusin inigsian. Okay na rin ang lahat na naganap sa araw na ito. Salamat sa lahat ng mabuting pagkakataon. Good evening sa lahat.

@Lirabell

Kakauwi lang dahil me nilakad halos kalahating araw ang naubos sa labas, Ang hirap talaga magbiyahe nakakapagod, Stressful pa kasi sobrang ma-traffic, sabagay normal na yan sa ating bansa di na bago tiisin na lang, siguro meron din paraan jan pag nagtagal tiwala lng. Happy eating friends.

@Lirabell

Oh my favorite dark chocolate kahit ano pa siya locally made o imported man basta chocolate di ko tatanggihan lalo na at dark siya. Yaay nakita ko siya sa grocery store kanina agad agad buy kahit siya lang ang mabili kalimutan na yung ibang bilihin...Ay parang obsessed : ) Malapit na naman matulog pero puede na.

@Lirabell

Miyerkules na nasa mid of the week na uli tayo, kailangan nang kumilos para makatapos agad ng mga gawain. Punta na nang palengke para makabili ng uulamin sa tanghali. Mag-isda na lang kaya yung bangus, ipaksiw para madaling iluto at sahugan ng ampalaya para me kaunting gulay. ayos na yan puede ng iulam mamaya, kaya lang me problema madaming tinik yung pinakaayaw ko sa lahat, iba na lang kaya ang iulam. Mag breakfast na. Morning friends.❤

@Lirabell

Masarap matulog dahil hapon na ngayon at kalimitan pagkatapos ito ng tanghalian, pinatutulog din na ng mga nanay ang kani kanilang mga anak lalo na kung maliliit pa ang mga ito para mabilis daw lumaki. pero sa totoo lang ang mga nanay ang unang nakakatulog at yung mga bata ay gising pa rin at nagsisipag laro na. At pag nagising ni si nanay magsisihingi na sila ng kanilang merienda. Si nanay ay wala ng magawa kundi i-kiss na lang ang mga baby niya dahil talo siya. : )

@Lirabell

Ay kakagising lang bigla kasi akong inantok kanina kaya napaidlip tuloy gabi na di ko namalayan. Kailangan pala mag dinner na, masyado ng gabi para mag hapunan, hindi bale puede namang mag pahinga sandali pagkatapos ay... huwag matulog uli agad kakagising lang di na maganda yun. Mabuti pa magbabasa na lang muna nang mga post ng mga friends sa noise habang nag papalipas ng oras. Mapayapang gabi sa inyong lahat mga ka noise friends, Salamat❤

@Lirabell

Tanghali na nakapag lakad lakad na ng kaunti, dahil maganda ang sikat ng araw sa umaga nakapag bilad na rin ng unti pero masakit nasa balat kailangang sumilong agad delikado yan. Ingat lang guys sa pagbilad sa araw masama ang sobrang sikat ng araw sa balat ng tao. Napansin ko yung tanim kong guyabano mejo mataas na at malusog pa, halos one year and a half na siya, sana lumaki agad natutuwa kasi akong tignan lagi, sana di mausog. : ) Morning ❤

@Lirabell

Nalibang ako ng sobra sa aking ginagawa kaya late na ang lunch, kanina kasi nag snack at nabusog na, kaya inabot na ng hapon okay lang naman. Type kong mag luto ng sinangag para kasing nag crave ako, kaya yan na ang pinaka tanghalian, ang sarap kasi binudburan ko ng maraming toasted na garlic. Magandang hapon sa lahat.

@Lirabell

Sobrang maalinsangan ang panahon ang tindi ng init kahit gabi na, ang lakas magpawis ng katawan kahit kaliligo lang papawisan ka na naman. Sana naman ay umulan para lumamig ang paligid kahit papaano. Thank you Lord sa araw na ito at sa lahat ng mga bagay na receive at sa blessings na iyong kaloob. Magandang gabi sa lahat at happy eating.❤

@Lirabell

Dahil maaga-agang nagising puede na munang mag lakad lakad sa paligid habang di pa gaanong nasikat ng matindi ang araw at medyo malamig pa ang simoy ng hangin. Ang hindi lang maganda sa paningin ay ang nagkalat na alagang hayop ng neighbors sa daraanan. Friday na uli, mag breakfast na at may work pang gagawin sa maghapong ito. Salamat na muli sa mabiyayang umaga na ipinagkaloob ng Dakila Sa Lahat. Gracious Friday morning everyone.❤

@Lirabell

Skip na muna ako sa lunch hapon na. Pero puede ng mag merienda na lang, ayos na ito sa akin mabilis naman ang oras kaunting inat-inat lang dinner na naman kaya walang problema diyan, Ayan isang timba yung biscuits na nakahain , di ko kayang ubusin yan madami, tikim lang sobrang matamis... sabayan na lang ng kapeng mainit e di ayos busog na.

@Lirabell

Natapos din ang maghapong ito na maayos at wala namang anomang problema. Nakapag dinner na at nabusog naman ng todo, at siempre pag busog ang isang tao masaya at maganda ang mood, hehehe. kahit mo pa biruin ay okay lang sa kanya. Kain na rin kayo at gabi na. Thankful ako sa lahat ng ito. Good evening.❤

@Lirabell

Early thanksgiving on Saturday morning, there are so many things we must prepare for, whether at home or at work, may our bodies be full and active and have the courage to do all these good things. Thanks and happy Saturday weekend everyone. Let's eat our breakfast for our strength and the health of our body. Enjoy your day guys. ❤

@Lirabell

Sabay na tayong magsikain mga huli nang mag lunch ewan lang kung bakit late basta lang,..me nakita akong uulamin mukhang masarap kasi madaming green peas favorite ko yan kahit na ano pang klaseng luto. Okay naman yung ganitong oras kumain kasi sabay na rito ang snack para tipid , at kung may time pa puede pa din ang short nap para complete ang siesta.

@Lirabell

Natapos na rin mag dinner at nagawa na rin ang ilang mga bagay na dapat ayusin. Kaya kailangan naman ang kaunting pahinga at i-relax ang pagod nang katawan dahil sa maghapong paggawa. Salamat sa mag- hapong dumaan maayos at tiwasay naman ang lahat. Maghanda na lang muli sa susunod at panibagong gawain na darating. Magandang gabi mga friends.

@Lirabell

Hayahay pa rin sa higaan ang sarap kasi ng tulog sa mag-damag kahit mejo maalinsangan okay pa rin. Sunday morning na nga normal day pa rin dahil ganon pa rin ang mga gawain di naman naiiba maliban na lang dahil araw daw ng mga head of the family. Happy day sa inyong lahat na may papa o jowa man . Sana ol kahit di pogi basta lang me konting hawig kay Alden Richards (joke lang po) at mayroon siyang love na Agape. Morning ❤

@Lirabell

Masarap ang saging marami siyang health benefits, kung mababa ang potassium level mainam siya, gamot din yan sa mga may ulcer at good for the heart pa .Type ko sana sa saba hilaw hindi niluluto kaya lang yung mga kasama ko gusto luto talo ako sila ang nasunod okay lang naman sa akin kung ano gusto nila. Pero dahil oras na ng merienda kakain na rin ako kasabay ng mainit na cafe,☕kahit pa hot ang weather, coffee is layf.❤

@Lirabell

Dama ko at naging masaya naman ang naging celebration ng aking mga friends sa noise, salamat naman kung ganoon happy rin ako sa inyong lahat. Gabi na at kailangan nang mag dinner, masarap na ulam ang sinigang, lalo na ang sabaw na maasim, pero dahil sa gabi na huwag na msyadong mag pakabusog hinay hinay lang. Bad sa health ang over eating, be careful.

@Lirabell

Lucky Monday morning tayo ngayon, kasi may good blessings from Above lumamig ang paligid kasi nga umulan nabawasan ang init. So thankful for this day. Mag breakfast na muna para may lakas sa maghapong paggawa at pumasok na sa work, agahan lang dahil mahirap mag commute pila ang sa sasakyan. Ingatan nawa kayong lahat sa buong maghapon. Magandang araw. ❤

@Lirabell

Panay na ang patak ng ulan siguro tuloy-tuloy na ito kasi madilim ang langit pero hindi naman siya continues maron ding konting lull, maganda naman at kahit lumabas at me pupuntahan di gaanong mababasa kasi me pahinga ang ulan, yun lang kailangan me dalang payong para safe. Ingat lang mga friends mahirap magkasakit.

@Lirabell

Bakit kaya pag naka stay ka lang sa bahay lagi na lang pagkain ang hanap, nakakatuwa naman. Kagaya ngayon kakatapos lang kumain ng hapunan. Para talagang alagain na lang sa bahay, ang pakiramdam. mas maganda talaga ang may work, me pera ka na na-e exercise ka pa at feeling better pa. Kain na rin kayo gabi na rin lang. Good evening guys at gudnayt na rin. ❤

@Lirabell

Ang pag gising sa umaga ay isang panibagong pagkakataon na ipinag - kakaloob sa bawat isa, na nais itindig pa ng may ari ng ating buhay, at ito ay isang mabubuting pagkakataon na dapat nating lubos na ipagpasalamat ng buong puso dahil namasdan na muli ang pagsikat ng araw, sapagkat ang iba ay hindi na pinalad pa. Thank God for another day in our lives. Morning ❤

@Lirabell

Tanghali na mga friends oras na para kumain. umpisahan nang mananghali para matapos agad at makapagligpit na nang kinainan para sa ganon ituloy nang hugasan ito bago pa kayo unahan ng pusa na dilaan ang mga pinggan na pinagkainan. Nangyayari din naman yan sa iba na di gaanong masinop sa mga gamit. Happy eating and enjoy your lunch. Magandang tanghali.

@Lirabell

Panay na naman ang kulog at paulan ulan pa sana huwag mag brown out gabi pa naman. Kailangang mag dinner na agad para kung sakali nga at mangyari eh tapos na. Puede nang mag rest habang busog pa, sa ganon mag handa na sa pag tulog, dahil sa kinabukasan marami na naman ang dapat na gawin. Magandang gabi sa lahat. Enjoy your food guys. ❤

@Lirabell

Mejo maaga agang gumising dahil me importanteng gagawin na parte na ng buhay ko na di ko kayang mawala. Magiging katungkulan ko na ito kung sakali, God willing until to my last breath. At natapos ko naman ito ng maayos ngayon. Thankful ako sa napakandang blessings na ito. Thank you Lord for this wonderful day. Mag breakfast na muna para mabusog at magkaroon ng panibagong lakas. Morning ❤

@Lirabell

Masaya kung makatanggap ng isang isang bagay sa isang kaibigan lalo at di mo ito inaasahan, Pero kung ikaw naman ang nagbigay at hindi ito pinahalagan nakakalungkot at hindi ito maganda sa pakiramdam, Ang ibig sabihin balewala lang, at hindi niya na appreciate ang effort mo. Kung magkaganon mas maige na kalimutan na lang ang lahat. Magsaya at kumain na lang ng tanghalian, busog ka na enjoy ka pa. ✌

@Lirabell

Isang maulan at malamig na gabi sa lahat. Napakaganda ng weather ngayon parang nag-aanyaya na ng pag tulog, pero bago yan kailangang mag dinner muna para busog ang tiyan mahirap nang kumalam yan habang nahihimbing. Kain na mga friends, simple lang ang ulam tortang itlog, okay na lang yan gabi naman. Gandang gabi sa lahat. Ingat ❤

@Lirabell

Goodnight everyone thank you so much noise and for the heart. God bless us all always. Have a great evening. Thank you. ❤

@Lirabell

Panibagong umaga na muli ang sa atin ay naipagkaloob, Salamat sa araw na ito. Mabuti sana sa isang pamilya na ang mag- asawa ay parehong kumikita para di sila gaanong hirap sa mga gastusin lalo at may mga anak na kailangang tustusan ang mga pangangailangan sa araw-araw. Subalit kung isa lang ang kumikita at babae pa ang me hanapbuhay at ang lalake ay tambay, Napaka-saklap na kapalaran at maiiyak ka na lang, at baka maisip mo na yan ang sumpa sa buhay mo. Gud luck na lang at…

@Lirabell

Hapon na naman at malapit nang gumabi, tapos na rin mag siesta at gising na ang mga natulog at nakapag pahinga na ng maayos. Maganda ang maglakad at humanap ng makakain upang mag merienda, masarap sana yung banana- que, parang mejo nag crave akong bigla. Ay sana meron pero kung wala okay lang.

@Lirabell

Malapit na naman maghating gabi at ang aming on line ay di pa matatapos, hay konting tiis pa at malapit na rin, kaya lang antok much na di bale kaya ko ito tiwala lang. So much for that, thankful ako sa lahat nang nangyari sa maghapong nagdaan. Good or bad things, Thank You Lord sa lahat ng blessings. Goodnight ❤

@Lirabell

Tanghali nang gumising at parang ang araw ay nakakatamad masarap mag- babad sa higaan, yun ay kung di pa sana mainit na sa higaan, kailangan na talagang tumayo at kumilos na para sa mga gawain sa araw na ito. Maghanap buhay para sa family ng maibigay ang mga pangangailan at sa mga bayarin. Masarap na breakfast ay fried rice with toasted garlic yung crunchy siya with suman na cassava on the side, sarap. Salamat, Gandang umaga. ❤

@Lirabell

Magkakaiba talaga ang kondisyon ng weather natin at hati-hati ang distribution ng ulan. Sa ibang panig napalakas ng buhos nito at sa ibang lugar tirik na tirik nmn ang araw at yung parte na pinaka-gitna ng dalawa, iyan ang parteng sobra kang maiinitan na halos walang hanging umiihip at diyan maliligo ka na ng pawis sa sobrang init. Iyan ang nagaganap sa ating bansa na ating tinitiis na sana nmn bumuti rin sa hinaharap. Mapayapang hapon sa lahat.

@Lirabell

Sa ganitong oras kalimitan ang mga tao ay tapos na sakanilang pag hahapunan at gayon din sa kanilang mga gawain. at muli nag-hahanda na rin sa kanilang pamamahinga upang matulog. Masaya at mabiyaya para sa akin ang maghapong ito na nagdaan at ito ay lubos kong pinag-papasalamat. Thank you Lord for everything. Good night sa lahat. ❤

@Lirabell

Ito ang pinaka espesyal na araw para sa akin, isang magandang pagkakataon na ipinagkaloob sa akin at aking lubos na ipinagpapasalamat sa Lumikha, ang aking buhay at kalakasan. Thank you Lord sa lahat. Maaliwalas at napakaganda ang umagang ito ng sabado. Enjoy your weekend friends. ❤

@Lirabell

Enjoy your tanghalian friends. Tapos nang kumain busog na nga. Bakit kaya tuwing pagkatapos ng kainan lalo at sobra ang pagkabusog, ang hanap agad ay ang pagtulog at nahihikab na. Di ko maipaliwanag pero sa obserbasyon ko ganon ang nangyayari, Siguro dahil nakasanayan lang o naging habit na ng tao, na di dapat gawin ang gayon. Kailangan muna ang maglakad lakad pag- katapos kumain para di mahirapan ang bituka sa pagtunaw ng kinain.

@Lirabell

Masarap sana kumain ng halo halo kung meron pang himagas, kaso wala gabi na, kakatapos lang kumain ng dinner me hinahanap na naman na ibang pagkain, Hindi rin maganda yung kain ng kain mananaba at lolobo ang bilbil ng tiyan, mas maganda pa rin yung slim ka, bagayan ng damit, kung mataba hirap maghanap ng babagay sa katawan kasi nga korteng drum na. : ) Hehe, O sige kain na kayo. Goodnight❤

@Lirabell

Sunday morning na, last na ito for the month of June at ilang araw na lang July na, ang bilis talaga lumipas ng panahon mahirap mapigilan. Sabi nga life goes on, diretso lang at huwag susuko sa buhay gawin lang natin ang mga mabubuting bagay para sa ating sarili at sa kapwa at mamuhay tayong mapayapa na may takot sa Lumikha. Breakfast na guys, eat well. Good morning. ❤

@Lirabell

Bakit kaya sa tuwing me birthday kalimitan me pansit na handa, para daw kasi for long life ng me kaarawan, Kung ganon bakit naman kaya me nawawala pa rin kahit me pansit na handa. Ang totoo isang tradition na ito at nakagawian lang talaga ng tao na mag pansit sa birthday at sumunod lang lately ang spaghetti dahil sa panahon ng mga lola di pa siya gaanong uso. Kaya ngayon kumain na tayo ng pansit bihon. Hapon na at napakalakas ng ulan at kulogn gayon, Scary.

@Lirabell

Naging masaya ang maghapong dumaan at nagkasama-sama ang pamilya. Bukas maghahanda na uli sila para pumasok sa work. Nakatulog ako kanina at ngayon lang nagising past eight na pala ng gabi Kailangan mag dinner na agad. Nauna na kasi yung tulog bago kumain. Ewan ko lang kung anong oras uli makakatulog, maglibang-libang na lang muna habang busog pa, nood muna kay mareng Jessica pampalipas oras. Goodnight na muna mga friends. Sana na enjoy nyo rin ang araw na ito.❤

@Lirabell

Mag-uumpisa na muli tayo sa maghapong gawain na lagi ng nakagawian. Salamat sa panibagong araw na ito, na nawa ay mabiyaya at puno ng pag asa para sa lahat. Mag-masipag sa ating tungkuling ibinigay at huwag maging pabaya sa ganoon maibigay sayo ang nararapat na gantimpala sa inyong pinagpaguran . Ingatan nyo ang inyong sarili upang maging ligtas sa lahat ng bagay. Salamat at magandang umaga. ❤

@Lirabell

Malapit na naman ang tanghalian at isa lang ang nasa isip kakain na. Luto na ang ulam ready na ang pagkain mga friends let's go na bago lumamig ang sabaw na mainit. Tinolang manok ang niluto ni sister. Sana talagang masarap pero kahit hindi, okay pa rin grasya iyan na dapat ipagpasalamat. Enjoy your eating friends.

@Lirabell

Akala ko uulan kanina madilim kasi ang langit sunod sunod pa ang kulog yung pala fake lang wala pang plano na mag-palamig nang paligid, di bale antay antay lang darating din yan. Pag tuunan ko na lang kaya ng pansin itong biscuits sa harap ng makain, habang hayahay na nag kukuyakoy at nanginginain hehe parang kambing.

@Lirabell

Nakakatakot ang kidlat sobrang liwanag nya, akala ko kanina di tutuloy ang ulan yun pala nag-iipon lang ng lakas, talagang sobra ang buhos nya, buti na lang naka-kain na ng hapunan baka mamaya nyan biglang mag brown out mahirap na. Mabuti at mejo kalma na. Thank you Lord and keep us safe from harm always. Good evening everyone, maaga ang tulog maulan.❤

@Lirabell

Morning sunshine, maaga pa puede pang magbilad ng kaunti sa initan di pa naman gaanong masakit sa balat. Healthy pa rin yan sa katawan kahit papaano huwag lang sumobra dahil sakit naman ang maidudulot nito. Sunshine is vitamin D the best medicine and good for our health payo ni Doctor lalo na sa mga oldies na mahihina na ang bones at best din yan sa ating skin. Morning ❤

@Lirabell

Me natanggap kaming magandang blessings mula sa may mabubuting kalooban free lang di bibilhin. Salamat mejo matagal-tagal din yan bago maubos complete siya me pang breakfast, snack. lunch at dinner pa, can goods lang ang me picture yung iba wag na lang madami eh. Thank U.

@Lirabell

Hapon na naman at mag gagabi na. At nakatapos na rin mag merienda, kakagising lang kasi sobrang antok ko kanina pagtapos ng tanghalian. Kanina nanood ako ng Eat bulaga natawa ako dun sa sinabi ng guest nila na kasabihan: Sabi kung may nagugustuhan ka sabihin mo na habang maaga pa kasi pag pinatagal mo pa tiyak tulog na siya, natawa ako dun sabi ko smart siya ang galing ng hugot.

@Lirabell

Good evening everyone, thanks for everything good people . God bless and Goodnight ❤

@Lirabell

June 30 na at pay day ng mga may work. Sana all me work at sahod, yung iba nga panay ang work wala naman sahod yun ang masaklap. Kaya lang sa ngayon ang pera madaling maubos sa sobrang mahal ng mga bilihin maraming gastusin pambayad sa mga bills, groceries at kung anu ano pa, Siguro ganyan talaga ang buhay maraming struggle na haharapin basta laban lang kaya yan. Mag breakfast na at tuloy pasok na sa work para maraming magawa. Good morning.❤

@Lirabell

Meron tao pag gulay na ang ulam ay ayaw kumain, kung mapilit mo naman tikim at kaunti lang ang kukunin, kagaya nito sa maliit lang na tasa payag siya pero huwag mong tingnan mamaya lang si dog na ang kumakain, kaya bandang huli si dog na ang healthy. Maganda sana sa katawan ang veggies kung gusto at kakainin, dahil kung hindi bale wala lang ang effort ng nagluto.

@Lirabell

Umpisa na naman ang pag kulog di lang tiyak kung uulan siya o hindi bahala na, kung ano man ang mang- mangyari sa panahon siya naman ang nasusunod, sige lang kahit ano. Mag merienda na lang ng coffee at buns okay na yan nakakabusog na, alalay ang pagkain kasi pag sumobra ang pagka busog mahirap ang pag hinga kasi me nakaharang. 😁

@Lirabell

Dahil kakatapos lang ng hapunan at nabusog na, kailangan muna ang konting paglakad-lakad para sa good digestion ng ating bituka... di maganda yung upo agad pagkakain lalaki ang puson at uusli ang bilbil at sabayan na rin ng panonood ng first yaya dahil malapit nang magwakas ang teleserye. Sa bandang huli maghanda na rin para sa pag tulog gabi na. Goodnight my sweet friend. ❤ God bless us always.

@Lirabell

Napaka-aga pa para magising, ayaw na akong dalawin ng antok, sana naman. Unang araw nang panibagong buwan, sana magagandang blessings at pag- kakataon ang maganap para sa ating lahat at puro positive lang. Magandang martes ng umaga sa lahat, Puede pang matulog ulit lalo na kung araw ng day off sa work ng makapag- pahinga lalo at makabawi ng panibagong lakas para sa susunod na araw. Thanks Goodness.