Run free baby Soda Ilang araw ko ng gustong i share ang sunod sunod na pagkamatay ng lima naming pusa pero tuwing uumpisahan kong magsulat dito ay laging nauudlot. Either may darating na bibili sa maliit kong tindahan tapos di ko na maalala balikan ang cp ko. Minsan naman ipapakarga sa akin ang aking apo, hanggang gamitin na ng iba cp ko ulit.. Haist, basta nakakalungkot. Kasi kay Soda nakapangalan ang account ko na ito. Siya kasi ang isa sa mga pinaka paborito naming pusa dito sa bahay lalo na ng anak kong lalaki at misis nya. Kaya super stress sila ng mamatayan ng limang pusa sa loob ng isang linggo. Gumastos pa mandin sila ng mahigit sampung libo sa pagpapa vet at dextrose pero in the end ay nawala pa din sila dahil sa parvovirus.
23 comments
Cats pose are really cute and sometimes i astonished how they become so cute.
I agree with you friend.
Malungkot po takaga kapag nawalana ang mahal niyong pet.
Grabe sis. Lalo yan alagang alaga ng manugang ko.
nakakalungkot nmn runfree sayo soda nakita ko n ata tong pic mo n to nun nakakatwa yng pwesto mo na yan.. ang hrp sis pg me pet ka nawala at talagang napamahl sau
Oo sis, napost ko na to before dun sa noise cash. Siya din yung nasa profile ko sa kabila sis
kaya pla pamilyar sis
Kawawa naman si soda
Grabe nga iyak ng manugang ko e. Pati ako talaga naiyak din
Mahal na mahal talaga nila mga pusa nila sis kaya emotional tlaga.
Oo sis a, ginagastusan nilayan sa pa vet at foods. Mas malaki pa budget nila sa pagkain kesa sa amin
Nakaka sad naman sobra sis😭ano yung sign sis nung nagkasakit siya?
Yung parvo kasi sis di pala nadedeteck agad. Naglalaway lang sila, di kakain tapos oras lang mamamatay na kung mahina ang resistensya. Parang covid din. Pero si Soda di na umabot sa vet
Kasi yung pusa namin na anak ng persian namin nagluluha mata niya tapos nagsusuka.Nawalan din gana kumain ginawa namin pinainom agad namin tubig na may asukal ayon bumalik ulit lakas niya.
May isa sis na naka survive, naka dextrose sya ng ilang araw kasi di siya ma force feed
Run free soda. My condolences po to your furbabies
Nakapanahon ata ang virus ngauon..may mga namatay na aso malapit samen at itong kaibigan ko kay parvo dog niya ngayon
Totoo sis, dito rin sa katabing block naminnamatay naman apat na aso nila, halos kasabayan ng mga pusa naming namatay
Condolence sis...nakakalungkot naman ang balitang yan
Oo nga sis. Kahit hayop sila pero nakakalungkot at masakit pa rin pala na sila ay mawala
Kawawa naman sila..hirap din mawalan ng alaga..it hurts.
Kawaw namn.may breed tong mga pusa niyo mate
Run free Soda.