read.cash Log in
@Lhes more from that month

Sa pagdaan ng panahon relasyon natin ay kapwa sinubok, Hindi napagtagumpayang maisalba, siguro dahil sadya pang marupok, Ginawa naman natin ang lahat Pero sadyang sa kanila ay hindi lng sapat. Magkalayo man ay naging karamay ang bawat isa, Sa bawat pagtawag mo ako'y lagi kinukumusta Wika mo nga"isang iyak mo pa makikita niya" Wala siyang karapatang saktan ka. Unti -unti ang mga sugat ay naghilom Siguro dahil sa pagdaan ng panahon Hanggang isang araw ay iyong nasambit Sana ikaw na lng ang aking ang aking inibig. Gulat at kinabahan pero hindi pinahalata Tinawanan lng ang mga iyong salita Sa isip ko oo mahal kita Pero mas pinili kong maging KAIBIGAN ka.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.