read.cash Log in
L@Lemon14 more from that month

Today's Motivation: Sa taong nahihirapan na at sa bawat mga araw na tingin mo wala ka ng pag-asa. Magtiwala lang tayo kay Lord kasi Siya ang gagawa ng paraan at magbibigay ng mga solusyon para sa'yo. Isang araw tinatamad ka ng bumangon kasi parang ayaw makisama ng pagkakataon sa'yo, h'wag kang mag alala, bibigyan ka Niya ng sign, isa na ito at mga taong pwedeng magdala sa'yo para magsimula ulit at pwede mo ring makasamang magsimula ulit. 😊 Minsan sa sobrang hirap na ng mga sitwasyon, makakatulugan mo nang magdasal. Maaalala mo kinabukasan na nakatulog ka na pala sa sobrang pagod mo na physically, emotionally, pero okay lang yan! Dahil alam naman ni Lord ang totoong nasa isip at puso mo. Palagi ka lang magpe-pray. Pagkagising mo bibigyan ka Niya ng lakas ng loob at bagong pag-asa. Bagong chansa. Simulan mo ngayon at h'wag kang bumitaw, Si Lord ang tatapos lahat para sa'yo. Tiwala lang sa itaas! Tandaan niyo po 'to. "God will never leave us. He will never do that. Have faith because He will be always there for us." Hindi ka Niya iiwan at papabayaan ng ganun-ganun lang, lahat ng pangyayari sa iyong buhay ay may dahilan. Everything happens for a reason. It hurts not but it has a purpose. Lahat ng nangyayari may dahilan, pagsubok lamang satin to ng Diyos. To make us more stronger sa kabila ng pagiging mahina. Basta lumapit ka tayo, libre lang naman magdasal at makipag-usap sa Kanya. hindi Niya binabaliwala ang sinumang lumalapit sa Kanya! Madaming plano sa'yo si God pero syempre kailangan mo magtiwala sa PROSESO at maging PATIENT. Malalagpasan mo rin lahat ng mga problema at mga trials na kinakaharap mo sa buhay. Good is good all the time. He will never let you down. Be positive lang tayo sa buhay natin, keep fighting and stay being strong. Alam ni God ang mga bagay na makakabuti para sa atin. Kaya relax ka lang jan at magtiwala sa plano Niya para sayo. "For I know the plans I have for you," Declares the Lord "Plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future." -Jeremiah 29:11 Kaya starting today, please try your best now. Know that no person is perfect. We all make mistakes naman. It's part of learning and stepping stone to success. "Fight again, but this time with God." Message to God: Salamat sa mga blessings at salamat sa mga lessons na binigay Niyo sa akin. Sorry kung minsan nakakalimutan ko nang magpasalamat at humingi ng tawad sa mga kasalanang nagawa ko. Amen! Thank you God for another day, another chance to correct my mistakes. 😁❤️ Words by: Mark Jerome R. Navarro

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.