read.cash Log in
L@Langga more from that month

Pinagtagpo pero hindi tinadhana Tayong dalawa'y pinagtagpo Nang pagkakataon na ka'y gulo Ika'y nangungulila sa kanya Ako nama'y gusto ng makakasama Ginusto ko ng makakausap Pero hindi inakala na ikaw ang mahahanap Sa una'y biru-biruan Hanggang sa nagkaroon na ng nararamdaman Pag-uusap na nauwi sa landian Mga matatamis na salita na parang walang hanggan Mga ngiti sa tuwing ika'y kausap Pakiramdam ay nakalutang sa ulap Mga halik na pinagsaluhan Kasama na ang yakapan Hawak ang kamay habang magkausap Na parang tayo lang Pero landian ay nauwi sa iwasan Mula ng balikan ang nakaraan Paano naman akong nasa kasalukuyan Umaasa na ako ang pipiliin sa kinabukasan Siguro nga ay nangulila ka lang O di kaya ako'y pinagtripan Dahil marupok at hinayaan Ang mga bagay na hindi dapat pinagsaluhan Nakakatawa, ako'y napaasa Pero tama na din siguro na nawala Tama na natigil na Ang kahibangan na 'to, 'di ba? Parehas lang naman tayong masasaktan Kaya tama ng bitawan Ang bagay na 'to na walang kasiguraduhan Para puso ay 'di na lalong masaktan Maaring tayo ay pinagtagpo Pero hindi para maging tayo Maaring pinagtagpo para maging leksyon Na hindi lahat ay maaring mapasayo Tayong dalawa ay pinagtagpo ni cupido Pero hindi pinagtagpo ng Panginoon Dahil maaring ang tadhana nating dalawa Ay nakatali sa mas karapat-dapat Pero kahit ganun pa man Salamat sa lahat Sa kunting panahon na ika'y nakasama Ako'y iyong napasaya Kaya sana kapag natagpuan na Ang babaeng nakatadhana Mahalin mo siya Maging masaya sana kayong dalawa Dahil kapag dumating na ang panahon Na siya'y makikilala Hindi mo na sasabihin ang pinagtagpo pero hindi tinadhana Sapagkat sasabihin mo ang katagang, "salamat Ama at siya'y pinakilala"

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.