Merong kaibigan anak ko nag kwento sya sa akin about sa pag aaral nya, Sabi nya ate deadma ako sa amin kahit na tumutulong ako sa gawaing bahay ako pa nag alaga kay lola at online pa klase ko hindi nila maintindihan kung bakit bumaba ang grades ko dati kasi laging mataas at marami akong award iba kasi ang face to face ate eh, sa online parang wala akong natutunan, at ang mga ginagawa ko hindi nila ma appreciate yung mga gawa kong stuff na inaapload ko sa youtube si lola lang din naka appreciate, silang lahat walang paki sa akin maliban kay lola, sana sa simula palang hindi ko na ginalingan para wala akong mga award sana hindi din ganun kataas grades ko, Naawa ako sa batang yun.. Sa pag aaral ng ating mga anak, hindi natin dapat pilitin na maging mataas ang grades, kung ano ang kaya nya yun lang, pangaral lang hindi yung ipilit natin na dapat mataas grades mo dapat may award ka dapat honor ka, Sa akin lang para sa anak ko makatapos ng pag aaral at matuto sya sa buhay,
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet