12:40 at noon na pala, Kain muna ka noise, ulam namin LABOG ginataan na kalabasa at talbos ng kamote at with sahog na pritong isda, kapares paksiw na isda, paborito ni partner , Imbis na maglaba ako ngayon hindi natuloy dahil masama pakiramdam ko, parang mabiyak ang ulo ko sa sakit kapag kumilos, ganito talaga pag papalapit na ang bisita, babae lang nakakaralate.
@Lala4379 in June 2022
Habang akoy naglalaba, Pagkatapos kong e hanger ang mga sombrerong nilabhan, Paglingon ko sa isa pang tumpok pa ng labahan ko itong malaking Mantes ang nakita ko, medyo takot ako sa ganito masakit kasi sa balat pag itoy kumapit, nilipat ko nalang sya sa halaman baka buntis kasi malaki ang ang kanyang tiyan, Pa daan lang sa wall nyo Tatapusin ko muna ang paglalaba dahil kahapon pa ako nag umpisa sa mga kurtina at kumot, ngayun ang mga damit naman..
Natapos kong labhan lahat ng nakatambak na labahan, for 2 days, bukas iba naman atupagin ko, ang pagtatanim naman ng kamote, At need ko kahit short video or picture sa pagtanim, para may ma attach sa requirements ππ Matutulog narin ako para masigla bukas. Goodnight nalang sa lahat at sa mga gising pa.
Naaliw ako sa ginagawa ko kanina, Pinag practice kasi ako ng tiyahin ko sa pagtatahi ng bilog na basahan pang benta, Ginanahan tuloy ako magtahi . Sarap sa feelings na may natutunan ka. Hindi kasi natanim ang kamote dahil biglang umulan, baka magkasakit pa, kaya sumilong muna, at nag practice sa pagtahi, then nung tumila ang ulan ay lumabas na ako para umuwi, Ito namang mga itik sumalubong sa akin paglabas nanghinge nang makain, Goodnight mga ka noise sleepy na naman,
Alas 5 am ng umaga Block out na, buti nalang umulan, hindi masyadong ramdam ang init, Nakapag imbak din ng tubig kaning madaling araw, dahil matagal pa babalik ang power restoration 7pm pa ng gabi. Kain na ka noise ito lang almusal namin beefloaf itlog at tuyo with matching coffee stick at may kamote pa ππ
Araw ng Meyerkules na pala ngayon akala ko monday pa lang, Kumusta mga kaingay? Maulan din ba sa inyo? Madalang na akong mag noise, kasi masakit ang mata ko sa katitig sa phone, Flex ko lang ulam namin sa haponan maaga kami naghapon para maaga rin magpahinga, adobong talong ulit hard boiled na itlog at misua na tira kaning tanghali para may sabaw, Goodnight na lang sa lahat..
Umagang kay ganda, salamat sa panginoon sa buhay at mga biyayang bigay nya, ito kasalukuyang naghahanda ng pang agahn, gulay pampahaba ng buhay, Fresh na fresh galing sa bakuran, lagyan ko ng dilis ay sarap nito mamaya, O sya kayo na muna dyan mag ingay,tatapusin ko na to ng makakain na..
Hindi ko na picturan ang niluto ko kumain kasi agad gutom na c bossing, pagkatapos nag hugas ng pinagkainan pahinga sa ilalim ng mangga, while dotdot sa celpon, pero maingay ang grinder sa may ginagawang bodega ng kapitbahay, Umuwi at nakita ko ang lemon ko na nasira ang mga dahon, kinakain pala nitong uod hindi ko alam kung anong kulay nito pag naging butterfly na sya, hindi ko na kinuha total ilang linggo lang naman itatagal nyan baka bukas maging cocoon na yan, parangβ¦
Happy Independence Day to all Pilipino. Flowers para sa lahat para fresh ang isipan ang daming ganap sa buhay kailangan natin lumalaban sa mga hamon ng buhay. Good thing na andyan si Lord na palaging gabay sa atin para di tayo mapahamak. Magandang araw na Linggo.
Alaga ng kapatid kong lalaki na mainitin ang ulo π kinuhanan ko ng picture kahapon ng hapon, bagong panganak lang isang linggo pa lang, natakot sa akin nung kinunan ko ng picture tumayo at lumapit sa inang baka, Sipag at tyaga lang ang kailangan sa pag aalaga ng ganitong hayopan, pag abot ng 8 months pwede ng e benta sa halagang 22,000 pesos ang mahal diba? Parang nag aalkansya lang, Sana all may alagang baka..
Adobong sitaw masarap kahit walang sahog na karne ulam sa tanghalian, Late na kumain dahil inuna ang matulog. Nahilo sa init ng panahon lumabas kasi ako kanina nagpunta sa ukay-ukayan, hanap ng shoes na mumurahin, may nakita sana ako, kaso ang presyo 500 nalula ako haha, wala akong nahanap na gaya dati sa nabili ko na 50 pesos lang, hindi naman kasi kailangan mahal dahil sosoutin lang naman sa field ng TESDA soon, Umuwi nalang ako at mayamaya pa ay bumuhos ang malakas naβ¦
Hating gabi na hindi pa ako makatulog , Mag 1 week na ung last post ko, Wala ako sa mood lagi akong drained, tinu-on ko nalang muna sa ibang bagay para mabawasan ang stress sa utak, Nagtatanim nalang ng kamote at gulay at pumupunta sa dagat. Pasinsya na sa makakabasa nito kung masakit sa mata nyo paki block nyo lang ako para d nyo na ako makita.. While nag type lami jud ihilak.. Ho-ot lang ang dughan..
Katatapos lang nagtanghalian, Maalinsangan ang panahon mukhang uulan nanaman, Ito tinamad lumabas dahil sa pa bago bagong temperatura, ayan may part na makulimlim at may mainit din, pati mukha ko makulimlim βΊ pag pasinsyahan nyo na, Maraming dapat gawin pero naguguluhan kung ano ang uunahin,
Tapos na naghapunan ang mag anak ko, ako ay tumambay sa kubo para magpahangin kaso pinapak ako ng lamok, pag ganitong tag ulan talaga umaataki rin ang mga lamok eh, ang dami pa namang kaso ng dengue sa karatig bayan namin, Habang nagpahangin kumakain ng pomelo, matamis na may kunting paet kulang pa yata ito sa pagkahinog pero nabusog naman ako..
Padaan po hehe, nasa ilalim kami ng kawayan nagtambay ready nanaman ako pumunta s paborito kung pupuntahan mamayang hapon, Nag vidoeK ang kapitbahay mapapasabay nalang sa pagkanta microphone nalang ang kulang haha
Ang bilis talaga nang mata ko, nakita ko kasi ang puno ng saging tinanong ko kaagad c papa kung pwede ko bang kunin pumayag naman agad, ayan nasa kaldero na, nagluto kaagad ako sakto naman may bagoong din sila dito kainan nato mamaya ππ ganito talaga buhay sa probinsya..
Magandang gabi mga ka noise, Pagkapos kong magpost kaninang tanghali, na empty bat ang celpon ko, kaya ngayong gabi lang naka silip ulit kay noise, Napagod sa pagpedal ng biseklita pauwi, naabutan pa ng ulan sa daan, mabigat rin ang daladala kong tatlong piling ng saging at labong , kaya matulog na ako malapit na mag 10pm Goodnight sa lahat na mababait kong ka noise,
Ang cute ni BUBBLE Ang ganitong ibon ay mailap sa tao pero ito c bubble ay maamo dahil alaga ito ng anak kong babae, Nakita kasi nya nung bagong pisa palang, dinala nya s bahay laging sinusubuan ng butil ng kanin, malakas sya kumain eh pinapainum din nya ng tubig, Ngayun na marunong na lumipad pinakawalan na nya, Pero bumabalik parin nag iingay gutom pala kaya sinubuan ng kanin sa anak ng kapit bahay namin kasi lumapit doon at nag iingay, sila ang nag picture nito pinost sβ¦