First day of May, Maaga pa lang kanina, itong anak kong babae na mahilig din sa mga manok, maaga nilaro ang mga sisiw maamo naman ito sa kanya, Maliit palang itong mga sisiw pinangalanan na nya, si checky and lala haha pinangalan pa talaga sa palayaw ko, dati nainis ako sa kanya kasi itabi talaga sa kwarto ito, ayaw nyang ilagay ko sa labas,
@Lala4379 in May 2022
Lately at 3:44pm ph time when i pedalize my bike, i always look at this way. Every time i pass here on the way to my father's town I see it I remember our time when my siblings and I were young , because I was always with my father then to farm the land. As you can see the school building is being built, that is the land were we planted rice.
Tinanghali ng gising, Ito naghanda ako ng lulutuing gulay dala na ito pananghalian, ang partner ko nalang ang magluluto nito dahil aalis ako. Bigla kasing nag messages ang isang teacher sa akin, magpapatulong sya sa akin sa pamimintura sa room nya sa school, Magandang araw sa ating lahat...
Mula kininang umaga pag alis ko ngayun lang naka hawak ng phone, Grabe ang sakit ng katawan ko, inabot ako ng alas 6:00pm ng gabi sa pamimintura, may naiwan pang hindi natapos balikan ko pa bukas ng umaga, Kisame ang una kong pininturahan, masakit sa li-ig kasi nangatingala ako, Pagkatapos mga mesa at upoan naman, Saka ko na kayo balikan wala ako sa condition mag babad ngayon sa celpon. Kaya bye bye na mga ka noise, Goodnight mauna na ako sa inyo,
Bukas na ako babawi sa inyo mga ka ingay ha, Free na ako bukas may time na ako mag noise, Mag ipon mo na ako ft ko, naki marites muna ako andito ako sa oval sa amin hehe, kahit pafod nagawa pang lumabas, uuwi rin ako agad maya maya
Bago lang natapos nag hapunan monggo at tuyo ang ulam, wala na picture dahil ubos na, Yung inaakala ko kahapon na free ako ngayong araw, hindi rin pala dahil maghapon akong naglaba, bago lang ako natapos, bigla din umambon, By the way mga ka ingay ino unti unti ko muna dahil tambak ang notif ko since Tuesday pa to hehe,
Gumala nanaman c dora, mas masaya kasi pag pupunta sa lugar kung saan ka ipinanganak, Upo lang sa ilalim ng punong mangga, masarap ang hangin while kwentohan with sisters, later maghanap ako kung may saging na pweding luto-in dito, kung walang makitang saging, baka makarating nanaman ako nito sa dagat haha
Mag 10:00 at night na pero ang init ng pakiramdam ko, makaligo nga,, at iinum ng tea Timpla muna para pagkatapos maligo hindi na ito mainit bago ko inumin para makatulog agad na fresh ang pakiramdam, Gusto ko ang tea na ito dahil nakakatulong sa pagbabawas, Goodnight mga ka ingay baka makatulog na ako after nito,
Kaya pala mainit kanina, umid pati sa labas dahil nagbabadya na pala ang ulan, nung naligo ako biglang bumuhos ba naman ang ulan, Akala ko hindi na ako makapag noise after maligo, boring naman kung nakatunganga lang habang magpapatuyo ako ng buhok, kaya tamang tambay muna here for a while .
Yong pipila ka ng pagka haba haba tapos mauwi lang sa wala, nag biglang sabihin ng teller na walang nilagay na pundo ang governo, limit lang sila ng 30 ka tao, ang TUPAD na hindi tinupad haha Pag may aalis sisingit kami, Mabuti nalang hindi pa masyadong mainit dito
Tanghalian na, tirik na tirik ang araw sa wakas natapos din kami sa pinuntahan namin, Bumili nalang ng tinapay at pancit our kind of tanghalian kahit mainit ang panahon pinaresan parin ni partner ng coffee ano ba tong partner ko, Hindi na kasi naka pagluto ng tanghalian,
Yong anak kong para nang si bon jovi ang buhok sa haba, alis sila ng tatay nya mag papagupit, Tatay sana nya ang mag gupit sa kanya kaso ayaw nya, gusto talaga sa barber shop, gusto nya pareho sa buhok ng pinsan nya marunong na mamili ng gupit,
Good morning ka noise happy mother's day to all mother's out there, Our kind ulam for breakfast today Ampala with egg na, my scrambled egg pa, din my black coffee, Tinanghali kasi ng gising ka babad sa celpon kagabi palaging sinasabing goodnight pero hindi naman makatulog inabot ng 1:00am Sa mga hindi pa kumain dyan kain na po tayo ka noise at akoy lalayas nanaman mamaya,
Lumayas na naman ako, ito dinalhan ko ng tanglad/Lemon grass ang kapatid ko para padamihin, nag may maibenta pag dumami na, Maraming bibili nito pang lagay sa lechon manok man o lechon baboy, maganda rin itong lemon grass gawing tea para sa taong may highblood pressure,
Kada layas nako dayun jud kog panguha ug utanun haha ako ra jud makahurot aning dabong sa kawayanan ni papa, Daghan napod ni tubo, pero gagmay pa kaau ang uban, ako ra ning anam anamon ug kuha para dili madaot, nindot jud ning unay ra ta sa utanon ug lagotmon sa,
Now lang maka pagpost dahil na expire unli ko kanina, tinitingnan ko rin kasi result ng halalan kung sono ang leading, After kung bumoto kanina, pinuntahan ko sila ako nagbabantay sa mga chikiting nilang tulog pa while bumoto sila, Kanina nagka bonding kaming 3 magkakapatid after ng butohan nag selfie lang hindi kami laging nag seselfie eh, takot sa camera pano ang pangit ng tsura namin sa mga kuha haha..
Ouch 6% battery life, ang bilis naman ma lowbat ng celpon ko, wala pa akong pambiling bago, kilan pa kaya ako maka ipon ng pambili nito, Out muna para ma fully charge ng makababad nanaman ako mamaya, Tulog muna puyat din sa ka titingin sa resulta ng halalan, Talo yong binoto ko pero ok lang its my choice, support nalang s mga nanalo, wala nang magagawa eh, siya ang gusto ng nakkakarami, Mainit na hapon s lahat...
Ay malapit na pala mag 9 pm ng gabi, hindi pa ako nakapag hapunan hindi namin namalayan ang oras, naaliw kasi sa isang aso na nanganganak, nakakatuwa super cute ang nag iisang anak first time din kasi kaya nahirapan ang nanay, Hindi ko nakuhanan ng picture dahil naka charge ang celpon ko simula pa kanina hanggang ngayon hindi pa fully charge Cg mga ka noise kakain na muna akong hapunan,
Good evening sa lahat ng kaingay ko, kumusta naman kayo dyan? wala akong gana mag noise maghapon, ang sakit kasi ng liig ko, nagka stiff neck ako, nakakawalang gana kumilos, para akong robot, Goodnight nalang sa inyo, at akoy matulog na sana pag gising ko wala na tong stiffneck ko
Flex ko lang ulam namin sa tanghalian, Ang tagal kasi namin nag umpisa magluto, kinatay ko pa ang dalawang manok, Tinulang manok bisaya ulam sa tanghalian kanina late upload nagsikain muna dahil late na din 2pm na nakakain,
Magandang gabi sa lahat magbabasa muna ako sa mga dumadaan sa wall ko para makaipon at may maibigay sa virtual friends ko, ala pang laman eh, Nakahiga na ready na matulog, baka abutin ako ng antok sa pagbabasa nito, hindi parin kasi totally nawala ang stiffneck ko tiniis lang, Sobrang baba ng crypto ngayon maganda sana mag buy kung meron lang sanang ma e buy hehe
Matutulog na sana ako kaso ang ingay ng sigawan sa hindi kalayuan sa lugar namin, may fiestang papalapit mang e celebrate, ngayong taon lang ito nangyari ulit kaya sinulit na nila, ang daming pa contest tuwing gabi, Macho gay yata ngayon, nakakatuwa at nakakaaliw pa naman ang mga gay mag perform, hanggang pakikinig nalang muna ako, hanggang sa makatulog, Goodnight all ka ingay
Hello good evening all noisemates, this is my first time to post in this channel, My dumaan kasi sa wall ko so am just trying to check it out, link pala nitong channel By the way matutlog na ako later, Thanks admin to approve my first post in here Goodnight all noisy pepz
10:23 at night akoy matutulog na, habang yong mga kalapit bahay namin nagdedisco pa, May fiesta kasi dito sa amin, biti nalang distansya ang pinag lagyan ng discohan baka pati ako mapapasayaw ng wala sa timing hehe mahiyain ako pagdating sa sayawan eh, Goodnight again ka ingay
Tulogan time, Dahil bukas may pupuntahan nanaman ako, May nakita kasi akong video na kumakain ng NIPA fruit nag crave tuloy ako kaya kukuha ako bukas dion sa lugar ng tatay ko, Hindi kasi nakaalis kanina dahil sa ulan, Sana bukas maganda na ang panahon, Haha namiss ko na rin kasi ang pangunguha ng sea shells kaya bukas agahan ko ang pag alis, para makakuha ako ng NIPA fruit at sea shells. Goodnight noisy pepz
Tanghalian na pala, wala kaming ibang naisipang ulamin kaya ito Mamitas nalang ng okra, at ilaga namin, masarap naman to e sawsaw sa suka na may asin, Yummy na happy tummy pa Enyoy eating lunch ka noise Magluto muna kami nito
Lumabas na ang buwan pero nasa dagat parin ako, inabutan na ako ng ulan kanina, buti nalang binalot ko sa plastic ng ice water ang celpon ko, pag may tyaga may mauulam talaga, ginanahan akong manguha ng sea shells
Ito yong NIPA FRUIT gustuhin ko mang kumuha ayaw matanggal ang tigas ng pagkakapit sa buwig nya wala akong dalang itak para kumuha lang sana ng ilang piraso, magulang na ito parang niyog na pang gata, kayo bay kumakain rin nito?
Goodnight na mga ka noise, mauna na ako sa pagtulog, alis pa ako bukas, Ibang rota naman pupuntahan ko, Pa city naman ako tomorrow, 2 months na kasi ang passport ko kilangan ko ng kunin para umusad naman ang pag aaply ko, lagi nalang nag remind sa amin ang mga admin sa ina applayan namin ang complete requirements for validations to go up for the next step, Goodnight everyone
Saglit pa nga lang ako nakatulog Nagising ako dahil nag a alburoto ang tyan ko, Dahil sigoro ito sa mangga at bagoong na kinain ko kanina or sa halfcook na okra bago pumunta sa dagat, Sinamantala ko na din pamigay ang ft kung natira sa dumadaan sa wall ko mornight noisers
Magandang umaga ka ingay lunes nanaman, Kain po tayo kaingay tamang higop sa mainit na sabaw ng halaan, lemon grass at luya lang nilagay ko, Ngayon ko niluto binabad ko lang sa tubig na may asin magdamag ito para mailabas ang mga nakain na lusay, Hindi natuloy ang lakad ko, may biglaang lakad kasi ang partner ko, walang maiwan na kasama ang bunso ko, pumasok na kasi sa face to face classes ang ate nya kawawa naman kung maiwan mag isa,
Good eve mga ka noise, tatanong lang po ako sa taga cebu lang ha, Kapag nasa south bus terminal na po ba ako mayron po ba kaagad masakyan na jeep papuntang FACIFIC MALL? Pambihira kasi taga cebu ako pero hindi ko alam pa sikot sikot paano hindi kasi ako magala na tao Thank you sa tutugon sa aking katanungan love lots ππ
Mowning kaingay kumain naba kayo dyan, Ako hindi pa ayaw kong kumain pag bumabyahe ako candy lang at skyflakes, Pa city muna ako, tinanghali ng gising eh, napasarap ang tulog umulan kasi, nag free ride lang para tipid sa pamasahe e kain ko nalang
Ang tagal nakarating sa city, ang bagal umusad ng bus gutom na ako, buti nalang may skyflakes akong dala at tubig, ang sarap humigop ng sabaw ng mainitan ang sikmura ko, Kuha ko kanina while nasa bus pa.
16th birthday Ito sana ang na planohang katayin ngayon sa birthday ng anak kong bunso, Pero ayaw nya ipa katay itong manok, anak kasi ito sa alaga nilang manok na iniwan ng inahin at muntik ng kainin ng aso noon, Magpapancit nalang kami mamaya Pasalamat kay god na kahit ang daming pagsubok sa health nya, naging ok parin at nakaka survive, Meron kasi syang tinatawag na PDA (Patent Ductos Arteriosus) at mild austism, at sinabihan kami ng doctor na 10 years lang ang itatagalβ¦
Rise and shine Na achieved ko pala 8 hours of sleep kaya maganda gising ko walang tupak, Simetumes rupakin talaga ako hehe, Ngayon lang din nakapost nabusy sa gawaing bahay pagkatapos sa kapanood naman ng videos ng NFSFG entry Maglilipat nanaman ako ng halaman ko mamaya dahil namamatay na sa sobrang init kahit diligan ko pa sa umaga, Mowning noise friends..
Hapunan na naman, siguradong masasarap at nakakatakam ang mga ulam nyo mga ka noise, Ulam namin adobong talong galing bakuran, dahil sa kapos sa oras para magluto ito nalang pagud na sa paglalaba maghapon eh, katatapos lang maglaba, sa tuwing naglalaba ako naghihimotok ang langit, hindi tuloy natuyo ang mga una kung nasampay,
Anyare kaya sa system ngayon 0.70 ft pinamigay ko na, pero walang nag reflect sa wllt ko Lahat ba tayo dito ganun din na experience ngayon? Since wala c partner ako ang gumawa sa gawain nya tuwing umaga, ang magpakain ng panabong na manok nila ng kapatid nya, at alaga ng dalawa kong anak na mahilig din sa manok, pag cultivate ng lupa sa pananim na gulay, At mamaya magbubunot nanaman ng damo sa likuran, mahaba na naman eh, Tambay lang saglot kay noise basa basa lang muna
Hinabang niadtong bagyong oddete gi appd apod na, Ka busy sa linya ang uban nagbagotbot na, kay perti na kno nilang kapuya, ang uban gipang gutom na, Fights lang kay libre ra bitaw na, Laban lang apil ko sa pag linya para sa akong papa, D lang jud mobuwag sa linya kay naay modotdot nga bag ong abot kalooy sa akong papa ako lang siya gipa lingkod kay perti rabang inita. Padaan lang ako pasinsya sa di bisaya,
Time to Sleep, Saturday na pala bukas ang bilis naman lumipas ng araw hindi na kasi ako tumitingin sa calendar, May ipapagawa nanaman sa akin ang isang teacher bukas sa room nya, go rin ako para may kita ako kahit papano π Flex ko lang itong cute na tuta ang sarap hawakan maliit kasi unang anak sa aso ng kapit bahay namin, may isa pa sana kaso namatay hindi kasi nabantayan sa pag aakala na isa lang ang anak,
Yay thank you noise at naging ok kana, nasa wallet ko na ang naka pending na tips, Sa inyo din ba ka noise ay ok na? Ngayon lang ako nakapag online dahil may ginagawa ako maghapon, sulit naman ang pagod ko dahil binigyan ako ni teacher ng limang daang piso, bukas ibang room naman ang linisin at e arrange ko, at mag tatanim din sa munting garden nila doon,
Magandang umaga noise friends Kanina pa ako dito sa school naghintay s aisang teacher, Medyo na bored ako dahil ako lang mag isa dito, ang kasama ko itang nasa likod ko rebolto lang kaya picture2x nalang muna sa paligid ang daming magagandang bulaklak na makikita pero ito ang gusto ko ang kulay ng tiny bougainvillea,
10:35pm Lumabas ako dahil e off ko ang linya ng tubig namin, Nakita ko tong tanim kong dragon fruit may dala na syang bulaklak, sana hindi sya malanta para magiging bunga na sya at soon makakain na ulit , first time nya mamulaklak dalawang bulaklak pa lang nasa ibaba ang isa , Kinunan ng picture natutuwa lang ππ Good night sa lahat tulogan time na at may naghihintay na labahin bukas