Klasrum
Ni **Roland Castro** Sa Klasrum, marami tayong natutuhan. Natutong bumasa, Natutong magsulat, Natutong makinig sa pakahabang habang discussion ni titser, Naranasang matulog sa klase, Nalate sa klase, Nagpalate sa klase, Hindi pumasok, Nagcutting class, Nagvandalism sa upuan, Sumulat ng unang love letter, Umamin sa first love, Nabroken hearted, Naging crush ang titser, Nakatabi ang crush, Nangopya at nagpakopya, Gumawa ng assignment, Nagpagawa ng assignment, Nagkaroon ng kaibigan, Nahiwalay sa mga kaibigan, Malala pa ay yung magkaroon ng tigyawat sa mismong araw ng I.D Picture. Naranasan ding magsulat ng "Hindi na po ako malelate" yung 10 pages back to back. Naging paborito ng titser, Naging Enemy #1 ng titser, Dinagdagan ang score ng kaibigan sa test, Binawasan ang score ng kaaway. Naging pabibo sa klase, Nabully at binully, Nagtop sa klase, Naging kulelat din naman. Naranasan ring madapa sa napakaraming tao, Nahulog sa maling tao, Nagkatampuhan sa klase, Nakapagpawalk-out ng titser, Iniyakan ang score, Nagdrama sa klase, Nakipagsuntukan, Nasabunutan ng kaklase dahil sa sobrang kilig. Umutang, Nagpautang at inabot ng bakasyon ang utang. Nag-outing, Naging taga-luto sa outing. Napakasarap balikan ng mga alaalang humubog sa ating pagkatao. Halos sa paaralan ginugol ang buhay natin para tumuklas ng mga bagong kaalaman at maging matagumpay. Natupad ang mga pangarap. Matutupad ang mga pangarap.
No comments yet